"Ang lapad ng ngiti mo?" ang kunot noo na tanong ni Cairo kay Canaan habang kumakain sila ng tanghalian. Nakabalik na ito mula sa bakasyon nito kasama ang mga dating kaklase sa Siyudad ng Agusta.
Totoong malapad nga ang ngiti sa kaniyang mga labi. Dahil sa mas magaan na ang kaniyang pakiramdam buhat nang umalis siya mula sa bahay nina Harlow.
Gumaan ang kaniyang pakiramdam nang ilahad niya ang kaniyang dinadalang bigat sa kaniyang dibdib patungkol sa sulat na kaniyang itinabi.
Itinabi niya ito noon para ipaalala sa kaniyang sarili kung ano ang tingin sa kaniya ng babaeng una niyang inibig.
Tinaasan niya ng isang kilay ang kapatid at saka niya nginusuan ito.
"Eh ano naman kung malapad ang ngiti ko? Inggit ka na naman, palibhasa ikaw...nakangiwi lagi," ang pang-aasar niya sa kapatid.
"Ugh, FYI, para sabihin ko sa iyo kuya, mayroon akong killer smile, ngiti ko pa lang nababaliw na mga lalaki sa akin," ang mayabang nitong sagot sa kaniya bago nito isinubo ang maliit na hiwa ng baka sa loob ng bibig nito. At taas ang isang kilay nitong nakatingin sa kaniya habang ngumunguya.
"May nababakla na pala sa iyo?" ang pambubuska niyang sagot sabay tawa niya ng malakas.
"Tumigil nga kayo, wala na kayong ginawa lagi kundi ang mag-asaran na dalawa," ang saway ng kaniyang nanay sa kanilang dalawang magkapatid. At nagsagutan lamang sila ng malalapad na ngiti ni Cairo.
"Mabuti na iyung may nababakla kaysa naman sa...walang nagkakagusto,"-
"Pfft sa akin pa? walang nagkakagusto? Ang laking kalokohan iyan kapatid," ang kaniyang natatawang tugon.
"Ugh, huwag mo nga ipagmalaki sa akin iyang mga babaeng mong parang mga asong in heat lagi,"-
"Cairo!" ang malakas na saway ng kaniyang nanay sa bunsong kapatid.
"Cairo anak? Kailangan ka pa naging mapanlait? Ha?" ang tanong ng kanilang tatay na bihirang makialam sa mga asaran nila ng kaniyang kapatid na si Cairo.
Hindi sumagot si Cairo at nakita na lang niyang tumikom ang mga labi nito ngunit alam niya na nakaramdam ito ng pagkapahiya dahil sa pinagalitan ito ng kanilang ama na bihirang magalit dito.
Sandaling tumikom din ang kaniyang mga labi at isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan.
"Ako naman po ang may mali," ang kaniyang sagot, "hindi naman masasabi ni Cairo ang tungkol sa bagay na iyun kung hindi ganun ang aking iginawi."
Napansin niya ang pananahimik sa kanilang mesa at saka niya tiningnan ang mga pares ng matang nakatingin sa kaniya. At ramdam niya ang pang-unawa at pagmamahal ng mga ito.
"Kaya naman...bumabawi na ako ngayon at...handa na magtino sa tulong ng isang babaeng nagbukas muli ng puso na magmahal," ang kaniyang madamdaming sambit. At sandaling namayani ang katahimikan sa kanilang mesa. Hanggang sa basagin iyun ni Cairo.
"Pfft, drama ha," ang muling pang-aasar nito at hindi niya naiwasan ang tumawa nang malakas.
"Mukhang magandang balita iyan anak, siya ba ang babaeng tinutukoy mo noon kaya ka nagmamaktol at nagmamadaling umalis?" ang tanong ng kaniyang ama na may bahid man ng pagbibiro ay mas malaki ang interest sa tanong nito at malaman kung sino ang babaeng tinutukoy nito.
"Ang babaeng nagpatibok na muli ng puso ni Canaan," ang masayang sambit ng kaniyang nanay na may matamis na ngiti.
"Ugh ako lang ba ang walang alam tungkol sa babae ni kuya?!" ang sabat na angal ni Cairo sa kanila at muling narinig ang malakas na tawa sa kanilang mesa.
![](https://img.wattpad.com/cover/325536851-288-k484026.jpg)
BINABASA MO ANG
Canaan Mc Laury (complete)
RomanceCanaan Mc Laury was a young lad when he asked the hand of his childhood sweetheart for marriage. Pero dahil sa may pangarap pa ito na makapag-aral sa isang kilalang unibersidad sa Maynila at makapagtapos nang kursong pangarap nito ay ipinagpaliban n...