Chapter 46

781 67 42
                                    


Sumunod si Canaan papasok sa loob ng silid ni Hera. Buhay ang ilaw sa loob ng silid nitong unang beses pa lang niyang nakita. Hindi katulad ng silid ni Harlow na makailang beses na ba niyang nadalaw.

At dulot sa kaniya nito ay pakiramdam na may dulot na init sa kaniyang dibdib.

Bahagya niyang itinulak ang pinto ngunit hindi niya iyun tuluyan na isinara at sa tabi ng pintuan ay tumayo siya habang nakasunod ang kaniyang mga mata kay Hera na tumayo naman sa tabi ng kama nito.

Pinagbigyan niya si Hera na makipag-usap sa silid nito. Mabuti na rin na matapos na ang kung anuman ang gusto nitong sabihin at ganun na rin ang mga sasabihin niya. Alam niyang wala siyang masamang gagawin ngunit ayaw din naman niya na madatnan sila ni Harlow na nag-uusap patungkol sa kanilang dalawa ni Hera. Kung mabilis na matatapos ang kanilang pag-uusap ni Hera ay mabilis din siyang makalalabas ng silid nito.

At mukhang napansin ni Hera na hindi niya gusto na naroon siya sa loob ng silid nito.

"Hindi malalaman ni Harlow na nanggaling ka sa silid ko, ugh Canaan, para namang hindi natin ito ginawa noon," ang narinig niyang giit ni Hera. At saka ito naglakad palapit sa kaniya na may matipid na ngiti sa mga labi nito.

"Bilisan na natin ito Hera, matagal ko na rin itong hinintay," ang kaniyang sagot kay Hera at may katotohanan naman ang kaniyang sinabi rito. Hinintay na rin naman niya ang pagkakataon na makausap nang personal si Hera at marahil dahil sa nalagpasan na niya ang sakit sa kaniyang damdamin na dulot nito. Nakapagmoved-on na nga siya.

Tumango si Hera sa kaniya at itinulak nito ang pinto para tuluyang ipinid iyun. At saka siya nito hinila palapit sa kama.

Ngunit inalis niya ang kaniyang bisig mula sa kamay nitong nakakapit sa kaniyang pulsuhan.

Nakita niyang napaatras ang ulo ni Hera nang dahil sa kaniyang ginawa at mahina itong natawa.

"Gusto ko lang naman na alisin ka sa pagkakatabi mo sa pintuan, para naman kasing...kakainin kita, at takot na takot ka sa akin, malayo sa...dating Canaan, naalala mo ba na halos ayaw mo nga akong pakawalan kapag magkasama tayo at lagi tayong magkadikit?"

"May sasabihin ka sa akin hindi ba? sabihin mo na," ang walang buhay niyang sagot kay Hera. Tumikom ang labi nito saka ito tumangu-tango sa kaniya.

"Actually, Canaan, hindi lang naman ang pagdalaw ko sa aking pamilya ang pakay ko rito, kundi ikaw rin," ang saad nito sa kaniya.

"Pagkatapos ng ilang taon? Ngayon mo lang naisip na bumalik at...kausapin ako?" ang kaniyang kunot noo na tanong at tila ba ipinapakita niya rito na hindi siya naniniwala sa sinabi nito sa kaniya.

"Ugh, masisisi mo ba ako?" ang tanong nito at muli itong humakbang palapit sa kaniya para tumayo ito sa kaniyang harapan.

"Ayaw mo akong kausapin...galit na galit ka hindi ba? Ugh, para saan ngayon ang galit mo? Ngayon nalaman mo na, na...hindi ako ang may gawa ng lahat...it was a set-up Canaan, inamin na ni Harlow na siya ang may gawa at nakasakit sa iyo, ugh, nakakahiya ang kapatid kong iyun...hindi ko alam na may gusto pala siya sa iyo at...desperada na at baliw sa pag-ibig nya sa iyo kaya naman kung anu-anong kabaliwan na ang ginawa nito...and look? Nahulog ka naman sa kaniya," ang saad ni Hera.

Hindi siya sumagot at marahil ay iba ang pagkakaintindi ni Hera sa kaniyang pananahimik. Inisip siguro nitong nakuha na nitong muli ang kaniyang loob. Kaya naman lumapat ang mga palad nito sa kaniyang dibdib at hinaplos nito pataas ang kaniyang dibdib hanggang sa pumulupot ang mga kamay nito sa kaniyang leeg.

"Nasayang ang ilang taon sa atin Canaan, nang dahil sa...maling akala mo na gawa ng desperada kong kapatid," ang mahinang saad nito.

Pabulong ang salita nito, yung tila na hinahagod ng boses nitong may malapot na paglalambing ang kaniyang tenga habang literal na hinahaplos naman ng palad nito ang kaniyang batok at balikat.

Canaan Mc Laury (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon