"Excited ka ba?" ang tanong ni Canaan kay harlow habang sakay sila ng truck nito para ihatid pabalik sa kaniyang bahay nang matapos na ang masayang hapunan sa bahay nina Canaan.
Alam man niyang hindi galit sa kaniya ang mga magulang ni Canaan ay iba pa rin ang kaligayahan na kaniyang nadama kanina nang buong-buo at walang pag-aalinlangan siyang tinanggap ng mga ito. At hindi rin matatawaran ang labis na gulat at tuwa sa mukha ng kaniyang matalik na kaibigan na si Cairo.
Gusto man niyang pagbigyan ang kagustuhan ni Cairo na matulog sila na magkasama sa kaniyang silid ay agad naman na pinigilan ito ni Canaan. At iyun din naman ang kaniyang kagustuhan. Hindi dahil sa gusto niyang magsalo sila ng magdamag ni Canaan. Kundi dahil sa may iba siyang plano para sa gabing iyun.
Lumingon siya kay Canaan at nakangiti ang kaniyang mga labi ba tumangu-tango ang kaniyang ulo bilang sagot sa tanong ni Canaan.
Hinuli ni Canaan ang kaniyang kamay at saka nito hinagkan ang likod ng kaniyang palad saka iyun nito pinisil.
At isang bulong ng mga salita nang pagmamahal ang ibinulong nito sa kaniyang kamay bago nito muling ginawaran ng halik.
Labis ang kaligayahan na nasa kaniyang dibdib. Para na ngang sasabog ang kaniyang dibdib sa labis na pagmamahal na kaniyang nadarama. Talagang sinuklian na ng tadahana ang kaniyang pagtitiis.
Ilang sandali pa ay narating na nila ang kanilang bahay. At agad niyang natanaw ang kaniyang tatay na matiyagang naghihintay sa harapan ng kanilang bahay habang nakaupo ito sa may silya sa front porch.
at nanag malapit na ang pick-up truck ni Canaan ay tumayo ang kaniyang tatay mula sa kinauupuan na silya at nagkapalitan sila ng tingin ni Canaan at nagpalitan din sila ng mga ngiti.
At nang tuluyan nang huminto ang truck ni Canaan ay hindi na niya ito hinintay pa na pagbuksan siya nito ng pinto. Agad siyang bumaba mula sa passenger side at dali-dali siyang naglakad palapit sa kaniyang tatay at saka niya itinaas ang kaniyang kaliwang kamay para ipakita ang singsing na may kulay green na bato.
At nakita niya sa mukha ng kaniyang ama ang labis na tuwa. At nang makita niya ang pangingilid ng luha sa mga mata ng kaniyang tatay ay hindi na rin niya napigilan ang kaniyang mga mata na mangilid din ang mga luha.
At nang ibuka ng kaniyang tatay ang mga bisig nito ay agad siyang pumaloob sa mahigpit nitong yakap at inikot din niya ang kaniyang bisig sa dibdib nito at kaniyang inilapat ang kaniyang pisngi sa balikat ng kaniyang ama.
"Tay," ang kaniyang sambit, "ikakasal na po ako."
Naramdaman niya ang pagtangu-tango ng kaniyang tatay at ang pagsinghot nito. Tila ba hindi ito nakapagsalita dahil sa emosyon na namayani sa dibdib nito at kapwa tumutulo ang kanilang mga luha.
"Masaya ako anak...labis ang tuwa na nadarama ng aking puso," ang bulong nito sa kaniya.
At nang marinig niya ang mga yabag ng sapatos sa kahoy na sahig ng kanilang front porch ay naramdaman niyang binawi ng kaniyang tatay ang isa sa mga bisig nitong nakayakap sa kaniya. At nang lumingon siya ay nakita niyang tinawag ng kaniyang tatay si Canaan na hindi naman nag-atubili na humakbang papalapit sa kanila. At saka kinabig ng kaniyang tatay si Canaan para naman yakapin din ito ng mahipit. At tumayo silang tatlo sa gitna ng kanilang front porch na magkakayakap habang lumuluha ang kaniyang ama.
***
"Heto ang kape," ang sambit ni Harlow at inilapag nito ang tray na may dalawang mug ng kumukulong kape at dalawang cupcake na galing sa kaniyang nanay na regalo ng kaniyang nanay para sa tatay ni Harlow.
"Ikaw anak?" ang tanong ni tatay Morley kay Harlow.
"Doon na muna po ako sa loob at magliligpit, gusto rin po kayo na makausap ni Canaan," ang sagot ni Harlow at saka siya tiningnan nito. At isang kindat ang isinagot niya kay Harlow na ngumiti naman ng matamis sa kaniya. Bago ito pumasok sa loob para maging abala sa loob ng kusina at magligpit ng mga kagamitang ginamit nila sa kanilang hapunan.
BINABASA MO ANG
Canaan Mc Laury (complete)
Storie d'amoreCanaan Mc Laury was a young lad when he asked the hand of his childhood sweetheart for marriage. Pero dahil sa may pangarap pa ito na makapag-aral sa isang kilalang unibersidad sa Maynila at makapagtapos nang kursong pangarap nito ay ipinagpaliban n...