Nanlamig ang katawan ni Canaan, nang marinig niya ang sinabi ng kaniyang kapatid na si Cairo na humahagulgol sa kaniyang harapan habang inaalo naman ito ng kaniyang mga magulang na mababakas din sa mga mukha nito ang labis na pagkabahala, pag-aalala, at kalungkutan.
Wala na si Harlow sa Villacenco? Ang tanong ng kaniyang isipan. At nagsalubong ang kaniyang mga kilay habang naningkit ang kaniyang mga matang nakatuon sa kaniyang kapatid na kanina pa lumuluha.
Wala na si Harlow? Umalis si Harlow? at hindi na babalik? Ang mga tanong ng kaniyang isipan habang inuulit ng kaniyang isipan ang mga salitang kaniyang narinig mula sa kapatid.
"Kasalanan mo!" ang sumabat ni Cairo sa kaniya, "Ikaw!... Hindi mo siya binigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag, hindi mo siya pinakinggan kung bakit niya iyun nagawa," ang patuloy nitong hinagpis.
Umiling ang kaniyang ulo at saka siya gumawa ng malalaking hakbang papalapit sa kaniyang kapatid. At sa harapan nito ay lumuhod siya at inilagay niya ang kaniyang mga palad sa magkabila nitong pisngi para pahirin ang luha sa mga mata at pisngi nito.
At sinalubong niya ang mga mata ng kapatid na kanina lang ay puno ng galit ngunit nang sandali na iyun ay mas nanaig ang kalungkutan.
Muling umiling ang kaniyang ulo habang nakapako ang kaniyang mga mata sa kapatid, "hindi...Cairo hindi iyan totoo, kakausapin ko si Harlow, binigyan ko lang ang sarili ko nang pagkakataon na mapakalma ang aking damdamin," ang kaniyang paliwanag.
"At...kanina sana pagkatapos ng libing ay kakausapin ko na si Harlow...pero...hindi ko na kayo nakita," ang giit niya.
Mabilis ang pag-iling ng ulo ni Cairo, "huli ka na...huli na ang pagpapalipas mo ng panahon...tapos...ipinakita mo pa sa kaniya na...si Hera ang lagi mong kasama? At nakipag-ayos ka pa sa kaniya? Paano mo nagawang makipag-ayos sa babaeng iyun!" ang sumbat muli ng kaniyang kapatid.
Kumunot ang kaniyang noo, hindi niya naintindihan ang sinabi nitong nagkaayos na sila ni Hera. Bakit naisip ni Harlow na nagka-ayos na sila ng kapatid nito? ngunit tama ang sinabi ni Cairo, huli na ang sandaling iyun dahil sa kakahintay niya ng panahon. At iyun ang isang bagay na pagkakamali niya.
Umiling ang kaniyang ulo, "anong sinasabi mong nagkaayos na kami ni Hera?" ang naguguluhan niyang tanong sa kapatid.
"At saka...ginawa ko lang naman na samahan si Hera, Cairo dahil sa...siya man ay nawalan ng ama nang biglaan pero hindi katulad ni Harlow ay walang nakikiramay sa kaniya, hindi katulad ni Harlow na...nariyan kayo, si nanay at si tatay at siyempre ikaw," ang giit niya habang si Hera ay wala, kaya...hinayaan ko na ako na lang ang kahit papaano ay maging sandalan niya...pero hindi ibig sabihin na binalikan ko na siya Cairo," ang paliwanag niya.
"Hindi iyan ang alam ni Harlow, dahil sinabi ng babaeng...binigyan mo ng sandalan kay Harlow na nagkaayos na kayo," ang tugon ni Cairo sa kaniya.
Hindi, ang pagtanggi ng kaniyang isipan. Napaatras ang kaniyang ulo at saka siya umiling at mula sa pagkakaluhod ay napatayo siya at saka pumihit ang kaniyang katawan para sandaling tumalikod sa kaniyang kapatid.
At inihilamos niya ang kaniyang mga palad sa kaniyang mukha at saka tumaas ang kaniyang mga kamay sa kaniyang buhok para sabunutan ang sarili sa labis na kabiguan.
"Oo nga...narito kami para kay Harlow, pero ikaw...ikaw ang kailangan niya, sana...kahit hindi mo pa siya magawang kausapin sana...sana man lang ipinaramdam mo sa kaniya ang presensiya mo na...hindi mo siya iiwan, na sa kabilang ng kaniyang kabiguan at kalungkutan ay ikaw nag kaniyang masasandlaan...hindi masasandalan ni Hera na...hindi na nakapagtataka kung walang gustong kumalinga sa kaniya dahil masama siyang babae!"
BINABASA MO ANG
Canaan Mc Laury (complete)
RomanceCanaan Mc Laury was a young lad when he asked the hand of his childhood sweetheart for marriage. Pero dahil sa may pangarap pa ito na makapag-aral sa isang kilalang unibersidad sa Maynila at makapagtapos nang kursong pangarap nito ay ipinagpaliban n...