Chapter 3

1K 70 36
                                    

Isang malalim na hininga ang ginawa ni Harlow habang nakasilip ang kaniyang mukha sa malapad na bintana ng ordinary bus na kaniyang sinasakyan pabalik sa Pilar. Ang lalawigan na kaniyang pinagmulan. At sa loob ng apat na taon ay nawalay siya sa lalawigan na iyun partikular na sa kanilang bayan, ang Villacenco.

At isang buntong-hininga muli ang kaniyang pinakawalan at halos ilabas na niya ang kaniyang mukha sa bintana lalo pa at unti-unti nang nagiging pamilyar sa kaniya ang daan. Malapit na nilang maabot ang boundary ng Agusta at Pilar at ilang sandali na lang ay nasa Pedrosa na sila.

Apat na taon, mikli kung iisipin ngunit, napakahaba na panahon iyun para sa kaniya. Sa loob ng mga taon na iyun ay hindi man lang niya nagawang silayan ang kaniyang kanilang munting rancho kung rancho nga na matatawag ito kumpara sa nakapaligid sa kanilang mga rancho.

Namiss na niya ang kanilang munting bahay at lalo na ang kaniyang tatay. Hindi niya nagawang umuwi sa kanilang bayan dahil sa kinakailangan niyang pagsabayin ang kaniyang pag-aaral at ang kaniyang pagtatrabaho.

Nagawa niyang makapagtapos ng kaniyang pag-aaral at manirahan sa Maynila na siya lamang ang sumusuporta sa kaniyang sarili.

Mas pinili niya ang ganun, lalo pa at mas malaki ang gastusin ng kaniyang ate sa pag-aaral. Na pagkatapos na grumadweyt ay itinuloy pa ang kurso nito sa abugasya.

At isang malapad na ngiti ang rumehistro sa kaniyang mga labi nang maalala niya na hindi lamang ang kaniyang ama ang kaniyang muli na makikita. Magkikita na rin kasi sila na muli ng kaniyang matalik na kaibigan na si Cairo. Ang nakababatang kapatid ng dating nobyo ng kaniyang ate.

At sa tuwing maaalala niya ang pangalan nito ay hindi pumapalya na hindi bumilis ang tibok ng kaniyang puso.

"Malapit na po tayo sa Pilar, i-tsek na po ninyo ang inyong mga dalahin nang wala kayong makaligtaan!" ang narinig niyang malakas na paalala ng kundoktor ng bus.

Tiningnan niya ang kaniyang bag na nasa kaniyang paanan at ang backpack naman na naka-kandong sa kaniyang mga hita. Wala naman siyang ibang dalang kagamitan at tanging mga apat na taong damit ang mayroon siyang pag-aari sa Maynila.

At nalingat lamang siya at sa isang iglap! Pagkasilip niya muli sa bintana ay nakita niya ang malaking arko na nakasulat ang Welcome to Pilar.

At mas lumapad pa ang ngiting nasa kaniyang mga labi. Sa wakas ay muli siyang nakabalik sa kaniyang lalawigan.

At parang lalabas na ang kaniyang puso sa kaniyang dibdib sa labis na kagalakan nang unti-unting bumagal ang kaniyang sinasakyan na bus habang papalapit ito sa terminal.

Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan. Pagkahinto ng bus sa terminal ay kailangan niyang sumakay na muli ng isa pang bus para naman sa kaniyang biyahe papunta ng Villacenco. Mula sa Pedrosa ay may isa at kalahati pang oras na biyahe ang kailangan niyang bunuin.

Gayunpaman ay hindi nito naalis ang pananabik sa kaniyang dibdib. Nakapaghintay siya ng apat na taon kaya ang higit pa sa isang oras na paghihintay ay balewala sa kaniya.

Hindi naman nagtagal ay nakapasok na ang bus sa loob ng terminal at minuto na lang ang kaniyang hinintay nang maayos na naiparada na ang bus at isa-isa nang pinababa ang mga pasahero.

Ang ilan ay abala pa sa pagkuha ng mga dalang bagahe sa overhead ng mga upuan at ang ilan naman na may dalang malalaking bagahe ay sa ilalim ng bus kinuha ang mga iyun.

Hinawakan niya ang handle ng kaniyang dalang maliit na overnight bag na may pekeng tatak ng isang kilalang brand at isinukbit naman niya sa kaniyang likuran ang kaniyang backpack na naglalaman ng mga importante niyang gamit.

Canaan Mc Laury (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon