(Ten months later)
"We'll have a ten days break, para naman maka-recover ang mga utak ninyo...madali lang naman ang exam hindi ba?" ang tanong ng propesor sa mga estudiyante nito na may halong pagbibiro. Makikita sa mga mata nitong pinatanda man na ng panahon ay makikitaan pa rin ng angking talion. At labis na hinahangaan ni Canaan ang propesor niya.
Isang malakas na hiyawan nang pag-angal ang pinakawalan ng kaniyang mga kaklase na halos ilang taon lang ang tanda ng kaniyang bunsong kapatid sa mga ito.
"Wah! Si sir talaga...dumugo nga pati ilong namin, grabe naman po ang exam!" ang angal ng ilan sa kanila.
"Kung hindi kayo nag-review mahihirapan talaga kayo," ang nakangiting sagot ng kanilang propesor sa kanila.
"Ugh, sigurado niyan si McLaury na naman ang may mataas na grades, halimaw iyan eh!" ang sabat ng isa sa kaklase niyang lalaki.
Napasulyap siya rito at napailing na lang ang kaniyang ulo habang may nakakurbang ngiti sa kaniyang mga labi. Nito kasing nakaraan din sa first sem sa kursong Agricultural engineering ay nakakuha siya ng mataas na marka at napasama na nga ang kaniyang pangalan sa mga dean's lister sa Unibersidad ng Agusta kung saan nag-aral din at nagtapos ng pag-aaral ang kaniyang kapatid na si Cairo sa parehong kurso.
"Matanda na kasi ako kaya ganun," ang kaniyang nakangiting sagot sa mga ito.
"Canaan McLaury, kailan pa naging batayan ng talino ang edad?" ang tanong sa kaniya ng kaniyang propesor, "at saka...hindi ba lagi kong pinapaalala sa inyo...na hindi kailanman magiging hadlang ange dad sa mga gustong mag-aral, matuto, at mapaunlad ang inyong mga kaalaman at kakayahan, kaya...wala sa edad mo Canaan, na ikaw ang mas...hmmm, matured sa lahat ng kaklase mo, sadyang may taglay kang talino at husay, na sinamahan mo pa ng sipag at tiyaga," ang giit pa nito sa kanila.
"Peyborit talaga!" ang biro ng isa niyang kaklase na hindi naman niya ikinapipikon. Sanay na sanay na siya sa mga asaran at milda pa nga ang mga biro ng mga ito kumpara sa mga pambubuska sa kaniya ng kaniyang kapatid.
"Talaga naman...at hindi lang itong si McLaury, paborito ko ang mga estudiyante kong nagpapakita ng husay at pagpupursige na matuto at mapaunlad ang mga sarili," ang tugon ng kanilang guro sa kanila.
Nabura ang ngiti sa kaniyang mga labi. At muling gumuhit ang sariwang hapdi sa kaniyang dibdib dahil naalala niya si Harlow.
Naalala niya ang sulat at ang pagtutulak ni Harlow sa kaniya na mag-aral na muli. Nabuksan ang kaniyang isipan na naging makitid nang dahil sa pride.
Naintindihan na niya na hindi masama ang intensiyon ni Harlow kung bakit nito ipinadala ang sulat at sinusuportahan siya nito sa kaniyang pag-unlad kung bakit iginiit nito sa kaniya ang muling mag-aral.
Huli man ay tinupad niya ang kahilingan nito sa kaniya. At alam niya na kahit hindi na siya nito minamahal ay magiging proud ito sa kaniya. Umaasa na lamang siya na kahit papaano ay makita niya itong muli. Ang pag-asa na iyun ang nagtulak sa kaniyang magpursige sa pag-aaral at ang matiyagang maghintay sa pagbabalik nito.
"Okey, nagkita na tayo sa finals at pahinga na ninyo, pagkabalik ay ibibigay na ang inyong class cards and...yung mga alam na tagilid sa mga subjects nila ay kumilos-kilos na at hanapin na ang mga prof ninyong may mga kulang kayo sa credentials o makiusap na kung alam ninyong pabulusok kayo sa bangin," ang biro pa nito.
At saka ito nagpalaam sa kanila at lumabas na ito ng kanilang silid.
Isa-isa na silang nagtayuan sa kanilang mg silya habang malakas pa rin ang kuwentuhan sa loob ng kanilang silid-aralan at pinag-uusapan na nila kung anu-ano ang mga balak nilang gawin sa maikling pahinga nila bago ang pag-usad nila sa ikalawang antas.
BINABASA MO ANG
Canaan Mc Laury (complete)
RomanceCanaan Mc Laury was a young lad when he asked the hand of his childhood sweetheart for marriage. Pero dahil sa may pangarap pa ito na makapag-aral sa isang kilalang unibersidad sa Maynila at makapagtapos nang kursong pangarap nito ay ipinagpaliban n...