Chapter 26

833 57 6
                                    

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Harlow nang muling pumihit ang kaniyang katawan. Hindi na nga niya mabilang kung nakailong ikot na siya pakanan at pakaliwa mula pa kagabi.

Sa kabila ng pagpapakapagod niya sa pagtatrabaho sa rancho ay naging maramot pa rin ang antok sa kaniya nitong mga nakaraan na gabi. Matagal na ang dalawang oras na tulog sa kaniya at kadalasan ay sa dis-oras na siya ng gabi nakakatulog at hindi pa pumuputok ang araw kapag magmumulat naman ang kaniyang mga mata.

At sa gabing iyun? Ay wala pa ring pinagkaiba sa mga gabing nagdaan. O kung gabi pa rin ba niyang matatawag ang oras na iyun. At napasulyap ang kaniyang mga mata sa orasan na nakasabit sa dingding ng kaniyang silid na nagliliwanag ang kulay neon green na mga numero at mga kamay sa dilim. At nabasa niya na dalawang oras na ang lumipas pagkatapos ng hatinggabi.

Binawi niya ang kaniyang mga mata sa orasan at muling pumihit ang kaniyang katawan para humarap sa kanan at sa kaniyang harapan ay naroon ang bintana ng kaniyang silid na nakabukas para pumasok ang malamig na hangin.

Pinagmasdan niya sa dilim ang paggalaw ng manipis na kurtina na nilalaro ng hangin at isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan. Binabagabag pa rin ang kaniyang kalooban nang umagang huling nagkausap sila ni Canaan. Ang huling pagkakataon na nakita at nakausap niya si Canaan.

At muli niyang naramdaman ang hapdi sa kaniyang dibdib. Masakit pa rin ang mga salitang binitwan nito sa kaniya.

Pero bakit sa kabila ng lahat... ay nasasaktan siya dahil sa kabila ng sakit ay mahal pa rin niya si Canaan?

Naglabas siya ng matalim na hininga sa kaniyang bibig at saka niya itinulak ang kaniyang sarili para bumangon at naupo siyang sandali sa kaniyang kama. Natuon na muli ang kaniyang mga mata sa nakabukas na bintana ng kaniyang silid.

Saka niya hinila palayo ang kumot na nakabalot sa kaniyang bewang at ibinaba niya ang kaniyang mga paa sa sahig saka siya naglakad nang nakayapak palapit sa bintana.

Hinawi niya sa tabi ang kurtina at agad na binati siya ng malamig at sariwang hangin na may halimuyak ng hamog at damo.

Ipnikit niya ang kaniyang mga mata at huminga siya nang malalim para punuin ang kaniyang baga ng preskong hangin at mabagal niyang ibinuga iyun sa kaniyang mga labi.

Pinagmasdan niya ang madilim na paligid at pinakinggan ang iyak ng mga kuliglig. At muli ay isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan dahil sa nabalot na naman ang kaniyang dibdib ng kalungkutan. Kalungkutan nang dahil sa pangungulila niya kay Canaan.

Oo nagpasiya na siyang lumayo at umiwas kay Canaan dahil sa labis siyang nasaktan pero hindi niya maaaring itanggi na hinahanap-hanap niya ang presensiya nito.

Ang mga mata nitong nakangiti, ang pilyong ngiti nito sa mga labi, at ang boses nitong nagpapakaba ng kaniyang dibdib.

Naalala niya ang umagang iyun nang ibalik niya ang perang ipinuhunan nito sa feeds para sa kanilang mga baka at sinimulan na partnership. Mayroon siyang nabasa sa mga mata nito na hindi niya mapangalanan. At hindi na niya ginawa pang alamin kung ano iyun.

Umiling ang kaniyang ulo, "tama lang ang ginawa mo, kahit ano man sa dalawa ay masasaktan ka," ang pagkausap niya sa kaniyang sarili.

Nasasaktna siya dahil sa hindi na niya nakikita pa si Canaan, ngunit kapag hinayaan naman niyang magpatuloy ang pagiging magkasama nila sa negosyo ay masasaktan pa rin siya. Dahil alam niya na mas lalong mahuhulog at mas lalo niyang mamahalin si Canaan at alam naman niyang hindi siya nito magagawang mahalin. Nagawa na niya ang sa tingin niya ay dapat niyang gawin ngunit katulad ng inamin nito na...mukhang mahal pa rin nito ang kapatid.

Canaan Mc Laury (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon