Pumasok si Canaan mula sa likuran na bahagi ng kanilang bahay at natunton niya ang kanilang malaking kusina. Nakayapak siyang humakbang papasok at naabutan na nga niyang nakahanda na ang almusal para sa kanilang pamilya.
"Maghugas ka na ng kamay mo at maupo ka na," ang utos sa kaniya ng kaniyang nanay sa malumanay na boses nito habang maayos nitong inilalapag ang mga plato sa lamesa.
"Opo," ang kaniyang magalang na sagot. Nakapaghugas na siya ng kaniyang mga braso at kamay kanina bago siya umuwi pero muli niyang inuuulit kapag nasa loob na sila ng kanilang bahay at lalo na bago kumain.
Pagkahugas niya ng kaniyang kamay ay naglakad na siya papalapit sa lamesa kung saan nakaupo na sa ulunan ang kaniyang tatay na humihigop ng bagong kulo na kape. Sa kanan naman nito ang kaniyang nanay at sa tabi ng kaniyang nanay ang kaniyang kapatid na si Cairo na parang pyramid ang buhok nitong natuntong sa tuktok ng ulo nito.
Hinubad niya ang ang suot niyang kamiseta para ipunas sa kaniyang kamay, leeg, at dibdib at saka siya naupo sa may silya sa katapat ng kaniyang kapatid.
"Naks, ang laki na ng katawan mo ngayon? Paano ka tinubuan niyan?" ang tanong ng bunsong kapatid habang umiinom ito ng kape at nakataas ang paa nito sa upuan.
Itinaas niyang pabaluktot ang kaniyang braso para ipakita ang kaniyang muscle sa braso at mabilis na nagtaas-baba ang kaniyang mga kilay habang ipinagyayabang niya ang kaniyang braso sa kapatid.
"Laki hindi ba?" ang kaniyang pagyayabang at sinamahan niya nang kagat labi na ngiti at paniningkit ng kaniyang mga mata ang kaniyang isinagot.
"Hmmm, malaki rin ba yung kay mael?" ang nakakunot noo at taas ang isang kilay na tanong sa kaniya nang kapatid habang nanghahaba ang nguso nito.
"Sinong ma-L?" ang bigla niyang tanong at halos magsalubong ang kaniyang mga kilay habang tinatanong niya ang kapatid.
"Anong ma-L? si Ish...mael," ang mariin na sagot nito sa kaniya. At isang buntong-hininga na may pag-irap ang isinagot niya sa kapatid.
"Tipo mo noh?"
At isang malakas na pagsingasing ang narinig niyang pinakawalan ng ilong ng kaniyang kapatid.
"Hindi no!" ang sagot nito sabay abot nito ng bandehado ng mainit at bagong lutong sinangag.
"Ameyzd lang ako sa kaniya, saka...kabayo tipo nun," ang sagot nito sa kaniya habang sumasandok.
"Matanda na pati yun." Ang sagot niya at siya naman ay kumuha ng piniritong itlog.
"Kasing edad mo lang iyun...matanda ka na pala," ang sagot na pambubuska ng kapatid niya. Hindi talaga siya manalo-nalo sa katarayan ng kapatid.
"At mukhang matino... well-mannered kumbaga," ang sabat ng kanilang nanay sa kanilang usapan na dalawa.
Isang paghaba lang ng nguso ang kaniyang iginawi na may pandidilat ng kaniyang mga mata at nagkapalitan sila ng mga tingin ng kaniyang kapatid at nagpalitan silang dalawa ng mga ngiti.
"Oo nga nay," ang sabat ni Cairo, "nga pala...mayroon akong nahuling tahimik na pumapasok sa likod bahay kaninang madaling-araw pagbaba ko para kumuha ng tubig sa kusina."
At agad na nabura ang ngiti sa kaniyang mga labi at hindi niya naituloy na ipasok sa loob ng kaniyang bibig ang kutsarang may laman na sinangag at longganisa na gawa ng kaniyang nanay.
Hindi siya makapaniwala na ibinenta siya ng kaniyang kapatid. Ano nga ba ang bago?
"Ugh, ano bang bago diyan sa kapatid mo na iyan?" ang sambit ng kaniyang nanay na mukhang sumusuko na sa kaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/325536851-288-k484026.jpg)
BINABASA MO ANG
Canaan Mc Laury (complete)
RomanceCanaan Mc Laury was a young lad when he asked the hand of his childhood sweetheart for marriage. Pero dahil sa may pangarap pa ito na makapag-aral sa isang kilalang unibersidad sa Maynila at makapagtapos nang kursong pangarap nito ay ipinagpaliban n...