"Bakit? Harlow sayang naman ito?" ang tanong ng professor ni Harlow sa kaniya nang marinig nito ang kaniyang sinabi.
Napakagat si Harlow sa kaniyang pang-ibaba na labi at kaniyang pinagmasdan ang kaniyang ama na sa kabila ng dinaramdam nito ay hindi ito natinag sa paggawa sa kung anumang natitirang ari-arian meron sila.
At sa loob ng ilang taon ay iyun na ang nakita niyang naging trabaho ng kanilang ama at ang kanilang ikinabubuhay. Maaga silang nangulila sa kanilang ina dahil namatay ito nang ipinanganak siya. Tanging sa mga natitirang larawan nito niya nakita kung anong hitsura nito. at ang kaniyang tatay ang tumayong nanay at tatay nilang magkapatid.
At hanggang sa sandaling iyun kahit na maysakit ito ay hindi pa rin ito sumuko na maging ama at ina sa kanilang magkapatid.
Kaya naman alam ni Harlow na tama lamang ang kaniyang pasya. Gagawin niya na makaahon sila ng kaniyang ama o di kaya ay mabuhay sa bawat araw na magkasama sila sa kanilang munting rancho.
"Uhm, alam ko po, na...napakalaking pribilehiyo o pagkakataon ang aking pakakawalan, this is literally a chance being handed to me on a silver plate pero...mas kailangan po ako ng aking tatay dito sa aming...munting lupain kung aking matatawag." Ang kaniyang sagot at ibinahagi niya sa kaniyang professor ang tungkol sa kaniyang tatay. At doon bilang isang ama at bilang isang anak na rin ay naunawaan nito ang kaniyang pinanggalingan.
"Naintindihan kita Harlow, kaya lang...nanghihinayang ako sa iyong talento, alam kong...mas lalong yayabong ang talento mo sa pagsusulat kapag sa ibang bansa ka nakapag-trabaho at training, kaya...alam ko at naintindihan ko ang iyong dahilan," ang sagot nito sa kaniya.
"Salamat po prof...oo nga o at nakakapanghinayang talaga kaya lang...hindi ko po kayang iwan na mag-isa na muli ang aking ama nang dahil sa pangarap ko, baka...wala nang tatay akong balikan kapag nangyari iyun at kaya ko ito gagawin ay para sa kaniya, ang pangarap ko ay para sa kaniya," ang kaniyang sagot.
"Naintindihan ko...pero," ang sambit nito at sandali itong huminto sa pagsasalita.
"Pero kakausapin ko pa rin ang kakilala ko na maglaan pa rin ng puwesto para sa iyo, just in case na magbago ang iyong isipan at tahakin mo na ang iyong pangarap, kasama ang iyong ama," ang sabi nito sa kaniya.
"Pero ayoko pong umasa,"-
"Hayaan mo na umasa ako Harlow, ayokong sayangin ang talento mo, hayaan mo, walang rush ito, kapag sa tingin mo ay nasa tamang oras ka nang ipagpatuloy ang iyong pangarap sa ibang bansa ay naghihintay lamang ang pagkakataon na ito para sa iyo, hindi man ito agad sa isang malaking news agency o channel but it is a stepping stone for you," ang sabi nito sa kaniya.
Tumangu-tango ang kaniyang ulo kahit pa hindi niya ito nakikita. At na-imagine niya ang kaniyang may edad nang propesor na kaniyang mentor at tumayong pangalawang ama niya at gumabay sa kaniya habang nag-iisa siyang nanirahan sa Maynila.
Ang pamilya nito ang kaniyang naging pamilya sa Maynila, sa halip na ang kaniyang ate na ilang beses lamang sa isang buwan niya nakikita noong pareho silang naninirahan sa Maynila.
Kaya naman naiisip niya itong nasa kaniyang harapan at ang maamo nitong mga matang may gusot na sa sulok na nakatuon sa kaniya.
Nilunok niya ang masidhing emosyon na nasa kaniyang lalamunan. Labis ang tuwa na kaniyang naramdaman dahil sa mga taong nakaalalay sa kaniya. kinakapos man sila sa mga material na bagay sa panahon na iyun? Hindi naman sa mga taong nagpapakita ng pag-aruga sa kanila.
"Salamat po prof," ang kaniyang sagot at pinigilan niya ang maluha. Ayaw niyang makita siya ng kaniyang ama na may bahid ng luha ang kaniyang mga mata at mas lalong ayaw niyang malaman ng kaniyang ama ang pinaglagpas niyang pagkakataon. Alam niya na madudurog ang may sakit na nitong puso. At ayaw niyang siya pa ang maging dahilan nang mas lalong pagkabasag ng puso nito.
BINABASA MO ANG
Canaan Mc Laury (complete)
RomansaCanaan Mc Laury was a young lad when he asked the hand of his childhood sweetheart for marriage. Pero dahil sa may pangarap pa ito na makapag-aral sa isang kilalang unibersidad sa Maynila at makapagtapos nang kursong pangarap nito ay ipinagpaliban n...