Tila ba nahipnotismo na si Harlow nang sandali na iyun at huminto ang mundo para sa kanilang dalawa ni Canaan.
Nang hawakan pa lamang nito ang kaniyang kamay ay ramdam na niya ang mabilis na tibok ng kaniyang puso nang dahil sa labis na kaba. At nang simulang gumalaw ng daliri nito sa kaniyang palad ay inakala niyang malalagutan na siya ng hininga.
Ngunit hindi lamang iyun ang kaniyang naramdaman. Dahil nang umikot-ikot ang daliri ni Canaan sa gitna ng kaniyang palad ay tila ba may apoy na nagsimulang sumindi sa kaniyang katawan at ang init niyun ay unti-unting gumapang sa buo niyang katawan.
Ngunit hindi iyun katulad ng apoy na nakakapaso bagkus ay parang hinahaplos ng nakakakiliting sensasyon ang bawat hibla ng kaniyang kalamnan.
At hindi niya inaasahan ang bagong pakiramdam na kaniyang nadama nang sandaling iyun. Nagkaroon ng reaksiyon ang buo niyang katawan.
Tila ba kasi hindi lang ang kaniyang palad ang hinaplos ni Canaan dahil dama niya ang daliri nito sa buo niyang katawan lalo na sa kaniyang mga dibdib na hindi niya inaasahan na maninigas ang mga korona nito.
Napalunok siya at unti-unting bumibigat ang talukap ng kaniyang mga mata sa nangangapal na sensayon at namumuo sa kaniyang puson. At gusto nang manginig ng kaniyang katawan habang patuloy sa pag-ikot ang daliri ni Canaan sa sentro ng kaniyang palad na tila ba naabot nito ang sentro ng kaniyang pagkababae.
Ibinuka niya ang kaniyang mga labi dahil sa kunghindi ay malulunod siya nang sandaling iyun at nang itaas niya ang kaniyang mga mata ay sinalubong niya ang mga mata ni Canaan na katulad niya ay halos hindi na rin maibuka ang talukap ng magaganda nitong mga mata.
At doon niya nakita ang unti-unting pagbaba ng mga mata nito sa kaniyang mga bahagyang nakabukang mga labi at mas lalong bumilis ang tibok ng kaniyang dibdib.
Nang pumunit ang hiyaw ng kaniyang telepono sa paligid na naging dahilan ng kanilang pagkagulat at halos napatalon ang kanilang mga paa sa kanilang kinatatayuan at ang kaniyang kamay na kanina lamang ay hinahaplos ng daliri nito ay mabilis nitong binitiwan na tila ba napaso ng kaniyang kamay ang mga kamay nito.
Napalunok siya nang mariin at malakas niyang nilinaw ang kaniyang lalamunan at isang matipid na sandali lamang ang inusal ng kaniyang bibig at saka siya naglakad palayo kay Canaan at palapit sa kanilang lumang refrigerator para damputin ang kaniyang naghuhumiyaw na telepono.
At natigilan siya nang makita niya ang pangalan ng caller na nasa screen at hindi niya iyun agad nasagot. Sumulyap ang kaniyang mga mata kay Canaan na nakaharap sa kanilang kitchen counter. Pinatay na nito ang apoy sa kalan at saka nito dinampot ang takuring pinagkuluan niya ng kape at isinasalin na iyun ni Canaan sa inihanda niyang mga mug.
Binawi niya ang kaniyang mga mata kay Canaan at kumurap-kurap ang talukap ng kaniyang mga mata at saka niya tiningnan na muli ang teleponong nasa kaniyang kamay. At saka niya iyun pinindot at indinikit sa kaniyang tenga.
"Hello? Ate?" ang kaniyang sambit at muli siyang napasulyap kay Canaan at napansin niyang natigilan si Canaan at lumingon ito sa kaniya at nagtama ang kanilang mga mata.
"Kamusta na kayo ni tatay?" ang bati nito sa kaniya at napansin niya ang giliw sa boses nito. Ngunit naisip niyang huwag nang sambihin pa sa kaniyang ate ang tungkol sa nangyari sa kanilang tatay kahapon.
May pagtatampo man siya sa kaniyang kapatid ay ayaw naman niyang bigyan ito ng alalahanin lalo pa at nag-aaral ito.
"Mabuti naman kami ni tatay," ang kaniyang sagot at muli siyang napasulyap kay Canaan na nanatiling nakatayo pa rin sa harapan ng kistchen counter habang humihigop ito ng kape.
BINABASA MO ANG
Canaan Mc Laury (complete)
RomanceCanaan Mc Laury was a young lad when he asked the hand of his childhood sweetheart for marriage. Pero dahil sa may pangarap pa ito na makapag-aral sa isang kilalang unibersidad sa Maynila at makapagtapos nang kursong pangarap nito ay ipinagpaliban n...