"Bakit mo inilihim?" ang tanong ng kaniyang nanay sa kaniya habang nakaupo sila sa may labas sa harapan ng kanilang bahay.
Napakatagal nang panahon nilang ginawa iyun na muli. Ang huling pagkakataon na naupo sila ng kaniyang nanay sa labas ng bahay ay nang sabihin niya sa mga ito ang pag-alok niya ng kasal kay Hera.
Napakasaya ng kaniyang mga magulang para sa kanilang dalawa at sinuportahan din ng mga ito ang kagustuhan ni Hera na makapagtapos na muna ng pag-aaral bago nila ganapin ang kanilang kasal.
Naalala niya rin na ibinigay na sa kaniya ng mga magulang ang parte niya ng lupa para pagtayuan nila ng kanilang magiging bahay. Ngunit ang unang ipon niya ay ipinadala niya kay Hera para pandagdag sa tuition fee nito lalo pa at sa isang kilala at mamahaling unibersidad ito nag-aral.
Ngunit alam naman na nila ang sunod na mga nangyari.
isang matipid na ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga pisngi habang nakatuon ang kaniyang mga mata sa laman ng kaniyang hawak na mug na may laman na mainit na kape.
Inisip niya muna ang mga salitang sasabihin bago siya nagbuga ng buntong-hininga at sinulyapan niya ang kaniyang nanay na nasa kaniyang tabi.
"Hindi ko rin po alam nanay," ang kaniyang sambit, "pero siguro dahil sa...noong una kasi...hindi ko po alam ang nilalaman ng isip ninyo tungkol kay Hera, hindi ko alam kung...may nakatagong galit sa inyong mga dibdib kahit pa alam kong...mabubuti kayong tao, kaya lang...meron kasing parte ng aking isipan na nagkaroon ng agam-agam," ang kaniyang pag-amin.
Isang matipid din na ngiti ang gumuhit sa mga pisngi ng kaniyang nanay. Ang mukha nitong kawangis ng kaniyang bunsong kapatid.
"Walang ina ang hindi makakaramdam ng sakit at poot sa taong nanakit ng damdamin ng kaniyang anak," ang panimula ng kaniyang ina saka nito inabot ang kaniyang kamay at nagdaop ang kanilang mga palad at dinama niya ang kamay ng kaniyang in ana malambot pa rin kahit mayroon na iyung maliliit na senyales ng mga lumipas na panahon.
"Aaminin ko na, nakaramdam ako ng galit sa kaniya, dahil sa...hindi ko maintindihan kung bakit...sa tagal nang relasyon ninyo at sa pagiging matapat mo sa kaniya ay nakuha pa rin niyang...maghanap ng iba," ang sambit nito sa boses nitong malumanay ngunit dama niya ang sakit sa boses nito.
"Pero katulad nang sinabi ko kay Harlow, napatawad na namin siya, siguro...mabuti na rin na nangyari iyun habang hindi pa kayo kasal at may kalayaan pa ang inyong mga puso na magmahal na muli at...tahakin ang buhay na inyong pinili na hindi kayo tali sa isa't isa," ang sambit ng kaniyang nanay sa kaniya.
Tumango ang kaniyang ulo at saka binawi ng kaniyang nanay ang kamay nito na nakahawak sa kaniya. Muli niyang inikot ang kaniyang mga palad sa kaniyang mug para mainitan ang kaniyang mga palad bago siya humigop na muli ng mainit na kape.
"Gusto ko itong ganito," ang sambit muli ng kaniyang nanay sa kaniya habang may matamis na ngiti sa mga labi nito.
"Ang tagal na nating hindi naupo rito sa labas ng bahay para magkape at magkuwentuhan, sana...lagi tayong ganito," ang dugtong pa ng kaniyang nanay.
"Puwede naman po nanay," ang kaniyang sambit at gumanti siya ng ngiti sa kaniyang ina. At isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan.
"Nay, humihingi po ako ng...pasensiya sa mga nagawa ko, sa mga kalokohan kong nagawa, sa sakit ng ulo at pag-aalala na ibinigay ko sa inyo," ang kaniyang paghingi ng patawad.
Tumango ang ulo ng kaniyang nanay, "napatawad na kita at naintindihan kita anak, paraan mo iyun para makalimot at mailabas ang sama ng loob mo, nagkagawa mo ang lahat ng iyun nang dahil sa isang babae, pero, nitong mga nakaraan na araw ay laging nasa bahay ka na, mukhang...nagbago ka na at nagbalik na ang dating ikaw...ang dating Canaan...mukhang isang babae rin ba ang dahilan?" ang tanong nito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Canaan Mc Laury (complete)
RomanceCanaan Mc Laury was a young lad when he asked the hand of his childhood sweetheart for marriage. Pero dahil sa may pangarap pa ito na makapag-aral sa isang kilalang unibersidad sa Maynila at makapagtapos nang kursong pangarap nito ay ipinagpaliban n...