Matagal na nagpalipas si Canaan sa kanto papasok sa rancho nina Harlow. Pagkatapos niyang sabayan si Joseph sa kalahati ng biyahe ay mabilis niyang iniliko ang kaniyang motorsiklo pabalik sa rancho.
Ngunit hindi niya agad ipinasok ang kaniyang motorsiklo sa loob ng rancho ng mga Lauretta. Nanatili lamang siya sa sulok ng daan at ikinubli niya ang kaniyang sarili sa kadiliman habang hinihintay niya kung babalik si Joseph sa bahay nina Harlow.
At nang lumipas ang isang oras na walang sasakyan ni Joseph na bumalik sa rancho ay doon na siya nagpasiyang bumalik. Iyun na ang pagkakataon na makausap niya si Harlow nang sarilinan tungkol sa kalagayan ng mag-ama.
At habang papalapit siya ay natanaw siya si Harlow na papasok na sa loob ng bahay. Pumihit ang katawan nito nang makita ang liwanag na nagmumula sa kaniyang motorsiklo.
At sa itaas ng mababang balkon ng bahay ay tumayo ito para maghintay sa kaniya.
"May...nakalimutan ka ba?" ang tanong ni Harlow sa kaya habang nakahalukipkip ang mga braso nito sa sarili nitong dibdib nang dahil sa lamig.
"Uhm, wala," ang kaniyang sagot at nakita niyang nagtaas ng dalawang kilay nito si Harlow.
Napasulyap siya sa itaas ng bahay at alam niyang naroon na si tatay Morley para magpahinga sa gabing iyun.
"Pasensiya ka na kung nagpunta pa ako nang ganitong oras, pero...gusto sana kitang makausap," ang kaniyang sabi rito.
"O baka naman gusto mo nang,"-
"Sige, makikinig ako sa sasabihin mo, uhm, puwede bang dito na lang tayo sa labas na mag-usap?" ang tanong ni Harlow sa kaniya. At mabilis naman na tumango ang kaniyang ulo.
"Oo naman, ayoko na rin naman na makaistorbo kay tatay Morley," ang kaniyang sagot.
Tumango si Harlow at napansin niyang hinaplos-haplos ng mga kamay nito ang sarili nitong mga braso para painitin ang mga palad nito sa lamig ng gabi.
"Puwede mo ba akong mahintay sandali? Kukuha lang ako ng jacket," ang sabi ni Harlow sa kaniya.
"Maghihintay ako," ang kaniyang sambit. At sinundan niya ng tingin si Harlow na pumasok sa loob ng bahay mula sa kahoy na screened door.
Tiningnan niya ang kalangitan. Malinaw ang madilim na bughaw na kalangitan na pinalamutian ng mga nagsabog na bituin at gabing iyun ay humalili ang bilog na bilog na buwan sa paghahari sa kalangitan.
Bumaba siya ng kaniyang motorsiklo at saka siya humakbang palapit sa harapan ng bahay. At doon ay naupo siya sa may sahig.
Lumingon siya sa kaniyang likuran at napansin niyang nabuhay ang liwanag mula sa kusina. Binawi niya ang kaniyang mga mata bintana ng kusina at itinuon niya iyun sa lupain na nasa kaniyang harapan.
Kung sa kanilang bahay ay matatanaw pa rin ang ilang parte ng lupain ng kanilang rancho dahil sa liwanag na mula sa mga ilaw ng poste. Ang harapan ng bahay nina Harlow ay nababalot ng dilim. Ang tanging maliwanag lamang na parte ng lupain ay ang nasa harapan na pintuan at sa pintuan ng kamalig.
Ang ibang parte ng rancho? Ay umaasa na lamang sa liwanag nang malamlam na buwan.
Parang ang mag-ama na umaasa na lamang sa kakarampot na kabuhayan na maibibigay ng naghihingalong rancho.
Hinawakan niya ang kaniyang dibdib at ikiniskis niya ang kaniyang kanan na palad. Ramdam niya ang pagguhit ng hapdi sa kaniyang dibdib para sa mag-ama. At para kay Harlow na nag-iisang bubuhatin sa mga balikat nito ang obligasyon na buhayin ang rancho.
Bigla siyang napalingon nang marinig niya ang tunog ng nagbukas na pinto at mula roon ay lumabas si Harlow na nakabalot ng balabal ang mga balikat nito. At sa mga kamay nito ay may hawak itong dalawang mug na may umuusok na kape. Tumayo siya mula sa kaniyang pagkakaupo para muling batiin ito.
BINABASA MO ANG
Canaan Mc Laury (complete)
RomansaCanaan Mc Laury was a young lad when he asked the hand of his childhood sweetheart for marriage. Pero dahil sa may pangarap pa ito na makapag-aral sa isang kilalang unibersidad sa Maynila at makapagtapos nang kursong pangarap nito ay ipinagpaliban n...