Iyun na yata ang isa sa mga masasayang araw na nasaksihan ni Canaan. Kasama niya ang kaniyang pamilya at ang babaeng nag mamay-ari ng kaniyang puso. Si Harlow.
Nang humakbang pa lang ito papasok sa pintuan ng kanilang bahay ay kitang-kita ang gulat sa mukha ng kaniyang mga magulang. Ngunit hindi matatawaran ang gulat sa mukha ng kaniyang kapatid.
At mas lalong hindi matatawaran ang nag-uumapaw na saya sa kaniyang dibdib nang tanggapin ng mga ito si Harlow nang nakabukang mga bisig ng mga ito para ikulong si Harlow sa mahigpit na yakap para iparamdam dito ang pagmamahal nang mainit na pagtanggap.
At ang kasiyahan na iyun ay ramdam hanggang sa umpisahan nila ang kanilang hapunan. Ang kaniyang mga magulang na ang nanguna sa kuwentuhan at siyempre ang kaniyang kapatid na nagpakunot pa ng kaniyang noon ang may sabihin ito sa kaniya tungkol sa pag-aalala na naramdaman nito tungkol sa babaeng dadalhin niya sa bahay.
"Thank God kuya! Akala ko pa naman ang dadalhin mo sa bahay ay babaeng mas mataas pa ang IQ ng alaga kong kabayo, ang sabi ni Cairo." Na nagpakunot ng kaniyang noo. Minsan talaga grabe na sa pagkapintasera ang kapatid.
At naging parang sisiw si Cairo at inahen naman ang kaniyang nanay na pinagitnaan na si Harlow at siya naman ay napunta na lang sa kabilang bahagi ng mesa sa harap ni Harlow sa halip na siya ang nasa tabi nito.
Pero hindi na bale, kahit sandali na magkahiwalay sila ay ayos lang sa kaniya lalo pa at hindi matatawaran ang saya sa mukha ng kaniyang pamilya. Ang saya na kaniya ring nadarama nang dahil kay Harlow.
Halos hindi na nga niya nakain ang masarap na hapunan na inihanda ng kaniyang nanay dahil sa nakatitig na lang siya sa tatlong babaeng mahalaga sa kaniyang buhay na nasa kaniyang harapan na masayang nagkukuwentuhan habang halos magkanda-apaw na ang pagkain ni Harlow dahil sa panay ang sandok ng kaniyang nanay ng pagkain sa plato nito.
At sa tuwing napapatingin sa kaniya si Harlow ay isang malapad na ngiti at pagkindat lang ang isinasagot niya rito.
Gusto niyang huminto ang oras nang sandali na iyun at manatili na lang na maupo roon at pagmasdan ang kaniyang nanay, kapatid, at kasintahan na labis ang kasiyahan habang nag-uusap ang mga ito. At hindi lamang siya ang nakamasid sa tatlo, dahil nang mapasulyap siya sa kaniyang tatay ay nahuli niyang pinagmamasdan siya nito.
At isang pagtango na may malapad na ngiti ang iginawad sa kaniya ng kaniyang tatay na tila ba sa paraan na iyun ay sinabi nito sa kaniya na masaya ito para sa kaniya at ipinagmamalaki siya nito.
At kung puwede nga lang siyang lumuha sa labis na saya ay ginawa na niya nang sandali na iyun. Ngunit, pinigilan lamang niya ang sarili para lang hindi mabaling sa kaniya ang atensiyon ng mga ito. Dahil sa mas gusto niya lamang ang tahimik na maupo at pagmasdan ang mga taong mahal niya sa kaniyang harapan.
***
"Nabigla ako anak ha?" ang sambit ng kaniyang nanay sa kaniya habang magkatabi silang nakaharap sa kitchen counter at tinutulungan niya ang kaniyang nanay sa pagliligpit sa kusina. Nagpaalam naman sina Harlow at Cairo na mauupo sa labas para uminom at muling ituloy ang kuwentuhan. Alam naman nilang may mga bagay na pag-uusapan ang dalawa na tanging para sa magkaibigan lamang.
Kaya naman hinayaan na muna ang dalawa na maupo sa labas ng bahay habang sila ng kaniyang nanay ay magkatuwang na nagligpit sa kusina ng mga ginamit nila sa hapunan. Ang kaniyang tatay naman ay muling tiningnan ang mga kulungan kung maayos na nai-lock ang mga ito. Siya ang gumagawa niyun ngunit kinuha ng kaniyang tatay ang trabaho niyang iyun dahil sa nasa bahay si Harlow.
Umiling ang ulo ng kaniyang nanay, "ni hindi pumasok sa isipan ko na si Harlow ang babaeng...ang kasintahan mo."
Mahina siyang natawa at dinampot niya ang isa sa mga bagong hugas na plato para punasan iyun ng kitchen towel at tuyuin.
![](https://img.wattpad.com/cover/325536851-288-k484026.jpg)
BINABASA MO ANG
Canaan Mc Laury (complete)
RomanceCanaan Mc Laury was a young lad when he asked the hand of his childhood sweetheart for marriage. Pero dahil sa may pangarap pa ito na makapag-aral sa isang kilalang unibersidad sa Maynila at makapagtapos nang kursong pangarap nito ay ipinagpaliban n...