"Bakit parang nananaginip lang ako?' ang sambit ni Harlow habang nakaunan ito sa kaniyang braso at siya naman ay nakatagilid na nakaharap rito at yakap ng kaniyang malayang bisig ang katawan nitong nakadikit sa kaniyang harapan din na katawan.
Nakahiga na silang pareho sa kutson na kaniyang inilatag sa sahig
"Mas lalo na ako," ang kaniyang sambit habang hinihimas niya ang braso nito saka niya hinagkan ang ibabaw ng ulo ni Harlow.
Tumingala ang mukha nito sa kaniya at tiningnan siya ng nagtatanong nitong mga mata habang nakakunot ang noo nito.
"Huh? Bakit?" ang tanong nito sa kaniya.
Bahagyang tumungo ang kaniyang mukha para salubungin ang nagtatanong nitong mga mata bago niya hinagkan ang tungki ng ilong nito.
"Hmm, kasi...kasama kita ngayong gabi...kasama na kita at nasabi ko na rin ang tunay kong nararamdaman at...lalo nang aminin mong mahal mo rin ako, parang...panaginip, ni hindi ko inakala na...darating tayo sa ganito, na magiging akin ang puso at katawan mo at siyempre...ang puso at katawan ko ay...yours na yours din," ang kaniyang sambit na may halong paglalambing sa huli niyang sinabi.
Mahinang natawa si Harlow at hinagkan nito ang kaniyang pisngi at siya naman ay gumanti ng halik sa noo nito at muli niya itong kinabig palapit pa sa kaniyang dibdib para yakapin ito nang mahigpit.
"Pero...totoo hindi ko talaga inakala na...magiging...ganito tayo...magiging magkasama ngayong gabi...na magmamahalan tayong dalawa kasi...ang tingin ko talaga sa iyo noon ay, napakabata mo para sa akin," ang kaniyang pag-amin.
"Pero...sadyang hindi talaga natuturuan ang puso...kung sinong iibigin nito," ang kaniyang pag-amin.
"Noong una, naguguluhan pa ako, kung anong nararamdaman ko para sa iyo, kaya naman pala...inis na inis ako kay Joseph kasi...nagseselos ako," ang dugtong pa niya.
Nakita niya ang ngiti sa mga labi ni Harlow at ang pagkunot ng noo nito sa kaniya na may pagtatakang reaksiyon sa mga mata nito.
"Nagselos ka kay Joseph?" ang gulat nitong tanong sa kaniya.
Tumangu-tango siya at napangiwi bago siya nagpakawala ng buntong-hininga.
"Oo...kaya nga pinahirapan ko yung totoy na yun eh,"-
"Totoy?"
"Pero...hanga ako sa kaniya...matiyaga hindi sumuko kahit anon ang pinagawa ko," ang pagpapatuloy niya.
"Hindi ka dapat magselos sa kaniya, ikaw lang ang lalaking mahal ko," ang giit nito sa kaniya.
"Aba malay ko? Hindi ko naman alam na mahal mo ako."
Tinaasan siya ng isang kilay ni Harlow, "akala ko ba halata mo nang may gusto ako sa iyo?"
"Uhm, hmmm, oo...kasi hindi naman malayong mangyari na ma-fall ka sa akin, pero, hindi ko naman itatanggi na...magandang lalaki rin naman si Joseph...mga sunod siya sa akin, saka...bata siya at magkasing-edad lang kayo at saka," at doon na siya napahinto. Iyun kasi ang isang bagay na alam niyang lamang na lamang si Joseph.
Umiwas ang kaniyang mga mata mula sa pagkakatitig sa mga mata ni Harlow bago siya muling nagpatuloy sa pagsasalita.
"Matalino siya at may pinag-aralan," ang kaniyang sambit. At sa pagkakataon na iyun ay hindi niya inakala na darating ang sandaling sasabihin niya iyun bilang kapintasan niya sa kaniyang sarili.
Hindi agad sumagot si Harlow ngunit ramdam niya ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya. Alam niyang walang alam si Harlow kung ano ang kaniyang pinaghuhugutan.
BINABASA MO ANG
Canaan Mc Laury (complete)
Storie d'amoreCanaan Mc Laury was a young lad when he asked the hand of his childhood sweetheart for marriage. Pero dahil sa may pangarap pa ito na makapag-aral sa isang kilalang unibersidad sa Maynila at makapagtapos nang kursong pangarap nito ay ipinagpaliban n...