Katulad ng kaniyang nakagawian noon, maaga pa lang ay binanat na niya ang kaniyang buto sa pagtatrabaho niya sa kanilang rancho na madalang na niyang nagawa nitong mga nakaraan na mga araw dahil nga sa maaga na siyang umaalis ng kanilang bahay para pumasok sa unibersidad sa Agusta.
Kaya naman bumabawi siya sa mga araw na libre siya sa eskuwela. At, hindi rin naman siya nakatulog nang dahil sa nangyari kahapon. At ang paghihintay sa tawag ni Attorney Alexandria sa kaniya ay isang tawag na kagabi pa niya hinihintay at hindi na nagpatulog pa sa kaniya.
Kaya naman sumama na siya sa kaniyang tatay para simulan ang pagtatrabaho sa umagang iyun. At pagkatapos ay magkasabay din silang bumalik sa kanilang bahay para naman sabay-sabay na mag-agahan.
Kumpleto silang pamilya sa umagang iyun. Kaya naman maraming pagkain nag inihanda ng kaniyang nanay kaysa sa nakasanayan nila noon.
"Natutuwa ako at kumpleto tayo ngayon," ang masayang sabi ng kaniyang nanay sa kanila nang maupo na sila sa harap ng hapag.
"Ako rin naman po nanay, namiss ko po an kumain ng almusal kasama kayo," ang kaniyang nakangiting sagot.
Nagtama ang mga mata nila ng kaniyang nanay at hindi man ito magsalita ay mababasa sa mga mata nito ang labis na tuwa nang dahil sa magkakasama silang muli.
"Pero...mas masaya ako kapag naalis ka nang mas maaga katulad nitong mga nakaraan na araw," ang saad nito habang ipinaglalagay ng kaniyang nanay ng sinangag ang plato ng kaniyang tatay.
Kahit pa matagal nang mag-asawa at nagsasama ang kaniyang mga magulang ay hindi niya nakita kailanman na nagtalo ang dalawa. Maaaring nagkakatampuhan ang mga ito ngunit hindi sa kanila iyun ipinakita ng kaniyang mga magulang. At hanggang sa mga snadaling iyun ay mababakas ang pagmamahalan sa pagitan ng kaniyang nanay at tatay lalo na sa mga simpleng paraan nang pagluluto at pagsisilbi ng kaniyang nanay sa kaniyang tatay at ganun din naman ang kaniyang tatay na hindi nambabae o nagbisyo na alam nitong ikasasama ng loob ng kaniyang nanay.
At nangulila na naman siya kay Harlow. Magsisi man siya ay alam na niyang nahuli na siya at lagpas sampung buwan na siyang iniwan ni Harlow. At ang tanging pag-asa na lamang niya ay ang tawag ni Attorney Alexandria.
At kapag nabigyan siya ng pagkakataon ay mamahalin niya nang labis si Harlow at araw-araw niyang ipakikita at ipadarama ang kaniyang pagmamahal dito.
"Pfft, ampon ka siguro at masakit ang mata ni nanay sa iyo, ayaw kang nakikita," ang sabat ni Cairo na hindi nakayuko ang ulo nito habang binabasa ang mga papel na nakalatag sa tabi ng plato nitong may laman na pagkain.
"Ako man...ganun din ang gagawin ko," ang dugtong pa nito bago nito dinampot ang sarili nitong mug na may lamang umuusok na kape at saka nito sinalubong ang kaniyang mga mata. Habang nakataas ang isa nitong kilay sa kaniya.
"Ako ampon? Eh para nga kaming magkakambal ni lolo?"
"Pinulot ka lang sa tae ng kalabaw na buntis daw noon at pinaglilihian si lolo...kaya, ikaw ang lumabas," ang pang-aasar nitong sagot sa kaniya.
"Tumigil nga kayo," ang malumnay y sa kala ng kanilang tatay na nangingiti sa buskahan nilang magkapatid. Marahil ay namiss din ng mga ito ang ingay nilang dalawa ni Cairo na isa nang ganap na Engineer nang maipasa nito ang board exam.
Kumunot ang kaniyang noo, "anak, kaya naman ako masaya na umaalis ka ng maaga ay dahil sa alam ko kung bakit at kung saan ka nagpupunta." Ang sagot nito sa kaniya at mababakas sa ngiti nito kung gaano siya nito ipinagmamalaki.
"Salamat po nanay," ang kaniyang sagot at isang matamis na ngiti ang isinagot nito sa kaniya.
"Cairo, ano ba iyang pinagkakaabalahan mo? Hindi ka muna kumain, baka mamaya mga importanteng papel iyan naku, baka madumihan ng pagkain mo," ang tanong at paalala naman ng kaniyang nanay sa kaniyang bunsong kapatid.
BINABASA MO ANG
Canaan Mc Laury (complete)
RomanceCanaan Mc Laury was a young lad when he asked the hand of his childhood sweetheart for marriage. Pero dahil sa may pangarap pa ito na makapag-aral sa isang kilalang unibersidad sa Maynila at makapagtapos nang kursong pangarap nito ay ipinagpaliban n...