Tinungga ni Canaan ang laman ng lata ng beer saka niya inilapag iyun sa may ibabaw ng mesang nasa kaniyang harapan. Naupo siya sa may sulok na mesa sa may painuman ni mang Simon.
Pagkatapos niyang sabayan ang kaniyang pamilya sa isang hapunan ay nagpaalam siyang aalis lang sa kaniyang nanay. At dahil sa alam na ng kaniyang nanay ang tungkol sa kaniyang kasintahan ay agad na pumayag ito. Nagbilin pa nga ito sa kaniya na magdala siya ng regalo o pagkain man lang na ipinagtaka ng kaniyang kapatid na si Cairo na kababalik lang sa kanilang rancho.
Makikipag-inuman lang iyan may paregalo pa? ang kunot noo at mataray na tanong sa kaniya ng kaniyang bunsong kapatid. At tanging mga tingin na lang ang nangusap sa pagitan nilang mag-ina.
At tama naman si Cairo. Dahil sa iinom lang siya sa gabing iyun. Ang pagkakamali lang nito ay wala siyang kainuman. Pinili niyang uminom na lang mag-isa kaysa sa mang-istorbo sa kaniyang mga kaibigan na alam niyang abala na rin sa mga buhay at pamilya ng mga ito.
Sasarilinin na lang muna niya ang dinaramdam ng kaniyang dibdib.
Muli niyang dinampot ang lata at muli niyang nilagok ang laman nito hanggang sa iyun ay maubos. At isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan saka niya tinitigan ang hawak niyang lata.
Muli niyang naalala ang sinabi sa kaniya Harlow. alam naman niyang walang bahid ng anumang pang-iinsulto sa kaniya ang mga sinabi nito. wala naman itong kinalaman sa mga salitang nakasulat para sa kaniya. Siguro ay...nakita nga nito sa kaniya ang sinasabi nitong potensiyal na umunlad pa sa pamamagitan ng pag-aaral nang walang bahid ng pangungutya. Hindi si Hera si Harlow.
Hindi naman niya gustong magalit kanina pero...pero hindi niya rin inakala na mararamdama niyang muli ang sakit sa kaniyang dibdib tungkol sa bagay na iyun.
Ibig sabihin ba nito na hindi pa rin siya nakakawala kay Hera? ang bulong ng kaniyang isipan.
Umiling ang kaniyang ulo. Hindi...hindi ko na mahal si Hera! Ang sigaw ng kaniyang isipan. Si Harlow na ang mahal ko...at hindi ko dapat siya sinaktan.
At naalala niya ang pananahimik ni Harlow kanina nang matipid siyang magpaalam. Hindi ito nagsalita at tumango lamang ito sa kaniya bilang kasagutan. Ngunit ganun pa man ay nabasa niya ang sakit sa mga mata nito.
"Putcha," ang kaniyang bulong. At tatayo na sana siya nang marinig niya ang kaniyang telepono na tumunog sa loob ng kaniyang harapan na bulsa.
Dali-dali niyang dinukot ang ang telepono sa loob ng kaniyang pantalon na may pananabik. Nasa isip niya na si Harlow ang tumatawag sa kaniya.
Ngunit nawala ang pananabik na nadama ng kaniyang dibdib nang makita niya ang pangalan sa kaniyang telepono. pangalan iyun ni Lucas.
Nabigo man ay hindi niya minasama ang tawag ng kaniyang kaibigan. Kaya naman agad niyang sinagot ang tawag nito.
"Lucas," ang kaniyang bati saka siya sumenyas sa isa sa mga waiter para hingin ang kaniyang bill.
"Kasama mo ba si Carlos?" ang tanong nito sa kaniya.
Umiling ang kaniyang ulo, "hindi, bakit?" ang kaniyang tugon at saka siya tumango sa waiter na nag-abot sa kaniya ng kaniyang bill. Agad siyang dumukot ng pera sa kaniyang pitaka habang nakaipit ang telepono sa kaniyang leeg.
"Emergency, hinahanap siya ni Christiane," ang sagot nito sa kaniya.
"Emergency? Bakit anong nangyari?" ang kaniyang kinakabahan na tanong at nagsimula na siyang maglakad palabas ng bar ni Mang Simon na abala sa gawain sa likod.
Mahal niya ang kaniyang mga kaibigan kasama ang mga asawa nito. Sila ang kaniyang pangalawang pamilya at tinulungan siya na makalimot sa kaniyang tinatagong kalungkutan noon.
BINABASA MO ANG
Canaan Mc Laury (complete)
RomantikCanaan Mc Laury was a young lad when he asked the hand of his childhood sweetheart for marriage. Pero dahil sa may pangarap pa ito na makapag-aral sa isang kilalang unibersidad sa Maynila at makapagtapos nang kursong pangarap nito ay ipinagpaliban n...