"Everything is okay now,good thing you brought her here in time ."" Oo nga dok,salamat po."
Naalimpungatan ako sa pagkakatulog dahil sa mga nag-uusap.
"Ano'ng nangyari?"Kaagad naman na nabaling ang tingin nila sa'kin. Naupo ako habang hawak ang ulo ko. Medyo nahihilo pa ako at papikit-pikit pa. Dinaluhan naman ako ni Echo at hinawakan ang kamay ko.
"Mabuti at gising ka na. Kumusta ang pakiramdam mo?"
Napakunot ang noo ko ng mapagmasdan ang paligid. Ang huli kong naalala ay may mga lalaking gustong kumuha sa'kin. Pinipilit nila akong sumama kaya tumakbo ako. Pero naabutan pa rin nila ako at may tinurok sila sa'kin kaya nawalan ako nang malay.
"Echo ,ano'ng nangyari?Ano'ng—bakit ako nandito?"
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ngayon dahil sa kaba. Baka madamay si Echo. Lalo na ng makita ko ang pasa sa mukha niya.
Hinawakan naman nito ang magkabilang balikat ko at pinahinahon ako."I'm sorry,kung sana ay hinatid kita sa sakayan ay hindi ito mangyayari sa'yo. I'm really sorry!"
Naguguluhan ako sa sinabi niya,bakit siya nagso-sorry? Siya na nga itong may pasa at nagkasugat sa mukha.
"Echo,ayos lang ako. Ikaw,tingnan mo ang sarili mo. Nagpagamot ka na ba?"
Napalingon ako sa doktor ng magsalita ito.
"He won't leave your side even for a second. Baka daw kasi bumalik ang mga lalaking nagtangka sa'yo kagabi. But now that you're okay,I advice you tell him to clean up his cut ."
Saad ng doktor at napapailing pa ng magpaalam na itong lumabas.
Napatingin ako kay Echo na bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha niyang sugatan."Ipagamot mo na 'yang sugat mo. Baka mainpeksyon pa 'yan,ayos na naman ako."
Malumanay na saad ko,napabuntonghinga siya bago tumango.
"Sige ,mamaya ko ikuk'wento ang nangyari. Nasa kabilang kwarto lang ako,tsaka magpapadala ako ng nurse dito para may magbantay sa'yo habang wala ako."
Tumango na lang ako para makaalis na siya at magamot na ang sugat sa mukha niya. Napasandal ako sa higaan habang hinihintay siya. Kailangan kong mag-isip. Hindi basta-basta ang gustong kumuha sa'kin kagabi. Sila siguro ang sinasabi ni tiyang na men in black. Delikado at kailangan ko ng umuwi,baka sila tiyang naman ang puntahan at masaktan. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko ,kapag may nangyaring hindi maganda sa pamilya ko. Patayo na ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok doon ang nurse na nakangiti.
"May kailangan po ba kayong gawin ma'am?Ibinilan po kayo sa'kin ng boyfriend niyo,at mukhang matatapos 'yon agad. Minamadali niya po kasi ang nurse na gumagamot sa kanya. Ang sweet po ng boyfriend niyo, hindi siya umalis sa tabi mo magdamag. Nakabantay lang siya sa'yo! "
Natatawa nitong saad,lumapit ito sa nakakabit na dextrose sa kamay ko at tsineck. Matapos ay nakangiting itong tumingin sa'kin. Umiling na lang ako at napasandal ulit sa higaan.
Napagkamalan pa na nobyo ko si Echo. Nakakatakot naman talaga ang nangyari kagabi, at siguro ay nag-alala lang siya. Hihintayin ko nalang si Echo,mukhang mayamaya naman ay nandito na 'yon.
Isip Nerissa,kailangan mong mag-isip ng paraan para maiwasan ang mga taong 'yon. Sigurado na hindi sila titigil hangga't hindi ako nakukuha,o isa man sa pamilya ko.
Pumasok na si Echo na ngumingiwi pa sa sakit. Napailing ako ng maupo na ito sa mismong kama at sinubukan na ngumiti pero hindi nagtagumpay at napangiwi. Nagpaalam na rin ang nurse at nakangisi pa. Mukhang kinikilig, gusto ko rin sanang kiligin. Pero sa sitwasyon ko ngayon, malayo sa kilig ang nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( PUBLISHED UNDER IMMAC )
RomancePUBLISHED UNDER IMMAC ❤️ MONDEÑEGO SERIES #1 He is a heartless devil. A manipulative devil, and He can get what he wants. She is just an ordinary girl, living her life with her siblings. But one day, men in black came to their home. And that time...