“Ano’ng kailangan niyo?”
Nanginginig kong tanong sa mga lalaking hawak ngayon ang pamilya ko.“Alam mo kung ano ang kailangan namin.O baka naman ,gusto mo na ang mga batang ‘to na lang ang kunin namin?”
Nakangising tanong nito at itinutok ang baril sa mga kapatid ko.Nagsisigaw ang mga ito,kahit si tiyang at tiyong na nagpupumilit na makawala .
“Huwag please,’wag ang mga kapatid ko! Wala silang alam dito!”
Humagulhol na ako,hindi ako makalapit dahil na rin sa baril na nakatutok sa’kin.“Huwag niyong idamay ang mga pamangkin ko! Kung anu man ang kasalanang nagawa ng kapatid ko,sa kanya niyo ibaling huwag sa mga bata! Sinabi ko naman sa inyo na matagal ng hindi umuuwi ang kuya ko! Parang awa niyo na,huwag ang mga bata!”
Umiiyak na rin si tiyang at umiiling.Wala rin magawa ang kapit -bahay namin dahil na rin siguro sa takot.Umiling -iling ako sa kanila at pinilit na makatayo para makalapit sa kanila,pero biglang nagwala si tiyong at nakawala siya . Pinagsusuntok niya ang mga kalalakihan na may hawak sa kanya. Hindi alintana ang mga suntok din na tumatama sa kanya.
Nanlaban siya at pilit na nilalabanan ang mga lalaking parang eksperto sa pag-ilag sa bawat atake niya.“Tiyong,please parang awa niyo na. Itigil niyo ‘yan!”
Lumapit na ako at pinagpapalo ang mga lalaking ngayon ay pinagtutulungan na si tiyong.Lalo na ng tutukan na ito ng baril,kaya napahinto si tiyong .Maski ako ay nabato sa kinatatayuan ko.Ang sigaw ni tiyang at ng mga kapatid ko ay natigil din.
“Tiyong!”
“Ang asawa ko ,mga walang hiya kayo!”
Natumba si tiyong na hawak ang nasaktan na ulo. Napaluhod siya at pa pikit-pikit marahil sa hilo na naramdaman ng tumama ang baril sa ulo niya.
Nagpumiglas ako sa hawak ng lalaki sa’kin ng paluin nila ng baril sa ulo si tiyong. Nagsisigaw din si tiyang,nagkagulo ulit at sumugod ako sa lalaking pumalo sa ulo ni tiyong. Pero hindi pa ako nakakalapit ng marinig ang putok ng baril.Nanigas ako sa kinatayuan ko. Umalingaw-ngaw ang tunog at para akong nabingi sa sobrang lakas.Unti -unti akong humarap sa pinanggalingan ng putok at nanlaki ang mata ko sa nakita.
Nagpaputok ang isang lalaki at ngayon ay nakatutok na ang baril sa’kin. Umuusok pa ang dulo ng baril nito.
“Gago ka George,bakit ka nagpaputok?!Malalagot na naman tayo nito kay boss.Gago ka talaga,dinamay mo pa kami!”
“Manahimik ka nalang,kung hindi madala sa santong dasalan.Daanin sa santong paspasan!Hindi naman nakikinig ang babaeng ‘to eh.”
Naiinis na ito at inilapit na ang baril sa ulo ko.“Parang awa niyo na,huwag po.”
Umiiyak na pakiusap ko at pumikit. Nag-iiyakan ang mga taong nasa paligid namin.“George kailangan na nating bilisan,baka abutan tayo ng parak dito. Gago ka ba naman kasi eh,nagpaputok ka pa!”
"Easy!"
Nakangisi lang na sagot nito sa kasamahan.“Ate!”
Napalingon ako sa mga kapatid kong umiiyak din .“Ayos lang si ate.”
Sagot ko,kahit na alam ko sa sarili ko na hindi naman talaga ako ok.Nanginginig ang katawan ko sa takot.Pinagsiklop ko ang palad ko at hinarap ang lalaking tinatawag nila na George. Nakangisi ito at nakatutok pa rin ang baril sa ulo ko. Pumikit ako at huminga ng malalim.
“Kung pera ang kailangan niyo,gagwan ko ng paraan para mabayaran kayo.Please ,huwag niyo lang idamay ang pamilya ko.”
Napangisi naman ito at umiling.“Sa tingin mo,kung pera ang habol namin sa inyo ay buhay pa kayo ngayon?Kung hindi ba naman tanga ang tatay mong si Ronaldo at hindi kami trinaydor! Hindi siya nagpapakita sa’min kaya ikaw na lang ang kukunin namin! Mukhang mapapakinabangan ka naman eh!”
BINABASA MO ANG
SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( PUBLISHED UNDER IMMAC )
RomancePUBLISHED UNDER IMMAC ❤️ MONDEÑEGO SERIES #1 He is a heartless devil. A manipulative devil, and He can get what he wants. She is just an ordinary girl, living her life with her siblings. But one day, men in black came to their home. And that time...