CHAPTER 49

1.3K 11 0
                                    

HACE

Humigpit ang yakap ko sa kanya mula sa likod . Nakaupo na kami ngayon dito sa lilim ng puno. Ako na nakasandal sa katawan ng puno at si Nerissa na yakap ko  sa kanyang likod . Hindi ko nakayanan ang emosyon ko kanina at bumuhos lahat ng emosyon ko. Mula sa pangungulila at pagka miss ko sa kanya,ang pagsisi na habang buhay kong pagsisihan . Hindi ako makapaniwala na nandito na siya ngayon sa tabi ko at yakap ko pa.

Parang nananiginip lang ako,at sana kung panaginip man ‘to ‘wag na akong magising pa. Dito nalang ako sa panaginip ko,kung saan kasama ko siya. Hindi ko na kakayanin pa na mawala siya ulit.

“ Kalmado ka na  ba ?”

Tanong niyang hinaplos ang braso kong nakayakap sa kanya. Tumango ako at isinubsob lang ang mukha ko sa leeg niya. Ayaw kong lumayo sa kanya,parang anumang oras kapag hindi ko siya mahawakan o maramdaman  manlang. Kinakabahan na ako na hindi ko siya makikita pa.

Huminga siya ng malalim at sumandal lang ang ulo niya sa’kin . Hinaplos ko ang umbok ng tiyan niya,hinawakan niya ang kamay kong nasa tiyan niya.

“ I’m sorry.”

Umusog siya ,humiwalay sa yakap  ko. Mabilis ko naman siyang tiningnan at hinawakan ang kamay niya. Napailing siyang hinawakan ang mukha ko,pinakatitigan niya ako ng ilang minuto at gano’n din ako  sa kanya. Pinipisil ko ang kamay niya,ang isang kamay ko ay nasalikod niya at naka suporta .

“  Can I kiss you—I mean no. I don’t think  I still deserve it now . I’m a sinner,I did a  lot of bad things to you—”

“ Hace.”

“  Maybe you won’t forgive me ,but  I will work hard to earn your trust again. To earn your forgiveness,I will forever  ask for your forgiveness—"

“ Hace.”

“ Hindi ako titigil hanggang hindi mo ako napapatawad. I will forever make it up to you, I mean we don’t have  forever but until my last breath.”

“ H!”

Napatigil ako sa pagsasalita ng tapikin niya ang pisngi ko.

“ Yes love?”

Nakangiti siyang umiling,napapikit ako ng lumapit ang mukha niya at napasinghap.

“ Ayan nahalikan na kita,pero sa pisngi lang muna . At ang bilis mong magsalita,dahan dahan lang . Nandito lang ako  sa harap mo,hindi ako aalis .”

Naluluha akong napatango,inabot ko ang pisngi niya at hinaplos.

“ I’m sorry.”

“ Hace,ilang beses mo na ‘yang sinabi. Huminahon ka nga,pati ako naiiyak sa’yo eh. Bawal sa buntis ang umiyak.”

Natatawa niyang sabi ,napatingin ako sa tiyan niya.Hinaplos ko ‘yon,yumuko ako at humalik do’n.

“ I’m sorry,I know saying sorry is not enough. But I will never get tired saying  it to you,to you too baby. Daddy is sorry,I’m sorry for being a coward and a jerk.”

Nang mag- angat ako ng tingin sa kanya,tumulo na ang luha niya at ngumingiti.  Pinunasan ko ang pisngi niya at hinalikan ang luhang sunod sunod ng tumulo. Napayakap siya sa’kin,gumanti ako ng yakap habang hinahaplos bang likod niya.


“ I’m sorry for making you cry again,shh …You should stop crying,you just said that it’s not good for pregnant women to cry. Stop crying baby,I’m sorry.”

Umiiling siyang humiwalay ng yakap at hinawakan ang pisngi ko.

“ Ano ka ba,tears of joy ‘to .  Natutuwa ako kasi ,sa wakas nandito kana,nahanap mo na ako. Alam mo bang ilang beses akong nagdsasal na sana dumating ka. Na sana mapatawad mo ako ,kami ni mama sa kasalanan na nagawa namin.”

SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( PUBLISHED UNDER IMMAC ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon