STAHD 18

1.5K 21 0
                                    


Mabilis akong bumaba ng makarating kami sa bahay.Lakad takbo ang ginawa ko makarating lang sa loob. Nadaanan ko pa ang sasakyan na palaging gamit ni Hace kaya sigurado akong nandito na siya. May iba din na nakaparadang sasakyan na ngayon ko lang nakita.Wala akong pakialam,kailangan ko siyang makausap .

Kung ano’ng ginawa niya sa pamilya ko.Kung saan niya ito dinala,o tinago?
Marahas na binuksan ko ang pinto at agad na hinanap ang taong pakay ko.Marami sila sa loob at nag-uusap at napatingin sa gawi ko.Dahil na rin sa gulat.Mabilis akong naglakad patungo kay Hace na ngayon ay nakakunot ang noo. Nagtataka ako nitong tiningnan,alam kong nakasunod din ang dalawang kasama ko sa’kin .Hinawakan ako nito at pinigilan na makalapit sa amo nila.Pero hindi ako nagpapigil at winaksi lang ang kamay nito sa braso ko.

Matatalim ang tingin ko ng makarating sa harap ni Hace.Humihingal ako sa galit,tinaas ko ang kamay ko at mabilis ‘yong pinadapo sa pisngi niya.Tumabingi ang mukha niya,narinig ko pa ang singhapan sa paligid namin.Masama ang tinging ibinigay sa’kin ni Hace,pero hindi ko ‘yon pinansin.

“What the hell? Did you just slap me,how dare you?”

Napasinghap akong napalapit sa kanya ng hiklatin niya ang kamay ko.Agad na naharang ang isa ko pang kamay sa pagitan namin.

“You hit the wrong person woman,pagkatapos kitang pagbigyan na makapunta sa bahay niyo?”

Hindi ko pinansin ang sinabi niya,ang kapal ng mukha niyang sabihin ‘yon.

“Nasaan ang pamilya ko,saan mo sila dinala?Ano’ng ginawa mo sa mga kapatid ko?! Hayop ka! ”

Pinagbabayo ko ang dibdib niya,hinayaan niya lang ako at hindi siya umilag.Guilty siguro ang gago. Napaiyak na ako at napahagulhol,hanggang sa napagod na ng kusa ang mga kamay ko sa kakahampas sa kanya.Napatingala ako sa kanya at nakatitig lang siyang walang emosyon.

“Are you done?”

Tanong niyang nababakasan ng pagka-inis.Wala s’yang karapatan na mainis!Umiling ako at hinampas ulit ang dibdib niya.

“Saan mo sila dinala?”

Wala akong pakialam kung puno na ng luha ang mukha ko ngayon.Kailangan kong malaman kung ano’ng ginawa niya.Binitawan niya ako at napaatras ako sa ginawa niya.  Nabuway ang pag-atras ko,handa na akong bumagsak ng maramdaman ko ang brasong sumalo sa ‘kin.

Suminghot ako at napalingon sa taong nasa likod ko.Napasinghap pa akong makita siya,akala ko nagmamalik-mata ako sa nakikita ko ngayon.Magkamukhang-magkamukha talaga sila,maliban sa mata.Kung si Hace may mabagsik na mga mata.Ang Hace na nasa likod ko ay may kislap na nakatingin sa ‘kin.Biglang s’yang ngumiti at tinulungan akong tumayo ng maayos.

Hace Alexander Mondeñego, kapatid ni Hace.

“That’s not how you treat a woman ,Alejandro!”

“Fuck off Alexander,all of you get out! I will have to to teach this woman a lesson.”

Sagot ni Hace at pinaalis ang mga kasamahan niya.Umalis na ang mga ito at kaming apat na lang ang natira sa sala ngayon.Masama pa rin ang tingin ni Hace kay Alexander .Nakipagtitigan lang din ito sa kapatid at ngumisi.

“Get out!”

Galit na saad ni Hace at lalapit na sana sa’kin ng humarang si Alexander sa harap ko.

Napaatras ako at naramdaman ko na lang ang paghila ng kung sino sa likod ko.Nang tingnan ko ay si Draco pala.Umiling ito at iginiya akong umalis.Mabilis akong umiling,kailangan kong makausap si Hace. Hindi pa niya nasasagot ang tanong ko.

SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( PUBLISHED UNDER IMMAC ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon