NERISSA“ Tiyang ,hayaan niyo ho muna sila dito . Hindi naman siguro magtatagal ang mga ‘yan, may trabaho ding naiwan ang mga ‘yan sa maynila.”
Alanganing sabi ko kay tiyang,sinamaan lang niya ako ng tingin.
“ Huwag mo akong pinagloloko Nerissa,sa tingin mo aalis agad ang Hace na ‘yon ng hindi ka kasama?”
Liningon pa niya kung nasaan sila Hace at Draco kasama ang mga bata na naglalaro ng patintero sa labas. Napahinga ako ng malalim,matinding paliwanagan ang mangyayari dito kay tiyang. Alam ko naman na nag-aalala lang siya,ilang beses niya kasi akong naabutan na umiiyak ng patago sa gabi.
Mula nang makasama ko sila,nang maihatid ako ni Maddie dito,matinding paliwanagan ang nangyari. Galit sila ni tiyong kung sino man ang kumuha sa’kin,nalaman ko pang may naghatid mismo sa kanila dito sa probinsya ng araw mismo na dapat ako lang at ang mga kapatid ko ang pupunta dito.Hindi daw nila kilala ,nang tinanong ko naman si Maddie wala din siyang alam.
Napatingin ako kay Hace,hindi kaya siya ang nagpahatid sa kanila dito? Pero malayo ang probinsyang ‘to ,no’ng kami nga ni Maddie ilang beses akong gising at tulog . Hindi ko namalayan na nakarating na kami,ni hindi ko pinagtuunan ng pansin ang mga nadaanan namin. At hindi ba galit pa siya sa'kin noon?
Hindi mapasidlan ng tuwa ang puso ko ng mayakap ko na ulit ang mga kapatid ko. Sobrang saya ko,na araw araw hindi ako humihiwalay sa kanila. Kahit si tiyang naiiling na lang na walang oras na hindi kami magkasama ng mga kapatid ko. Isang buwan na gano’n lang ang nangyari,nang makaramdam ako ng pagbabago sa katawan ko. Lumaki ang balakang ko,at mas lumakas akong kumain na kahit si tiyang at tiyong ay napansin nila ang pagbabago na nangyari sa’kin.
Kinabahan ako,para kasi sa’kin wala namang nagbago. Natakot akong umasa ulit,nang huli akong umasa na dismaya lang ako. Pero lumipas pa ang panahon at nakahanap ako ng trabaho sa plantasyon,napapagalitan ako dahil nakakatulog ako sa oras trabaho.
Kahit na maaga naman akong natutulog palagi,naging sunod sunod din ang pagkain ko ng mga pagkain dati hindi ko naman kinakain. Katulad na lang ng hilaw na mangga at isasawsaw ko sa ketchup. No’n dering deri ako sa ketchup,pero ngayon sarap na sarap na ako kapag nagsasawsaw do’n.
Hanggang namalayan ko nalang na nagkakaro’n na ako ng morning sickness,ang palaging pagkahilo.
Napansin din ‘yon ni tiyang,kaya dinala na niya ako sa malapit na clinic sa bayan. Hindi pa ako makapaniwala ng sabihin ng doktora na buntis ako,matapos ang lahat ng ginawa niyang pagsusuri sa katawan ko .
Hindi ako naniwala kasi nga,nang huli akong nag take ng pt negative ang lumabas. Pero nang in-altrasound na ako,do’n na ako napaiyak. Nakita ko sa maliit na screen monitor ang maliit na nabubuhay sa katawan ko.
Naging maingat ako,natatakot kasi akong kapag nagkamali ako mawala siya sa’kin. At ngayon,apat na buwan na ang baby ko . Ang baby namin ni Hace,napangiti ako ng maalala ang sinabi niya. Ang nakita kong tuwa ng ipinakita niya sa’kin ang picture ng limang pt. Akala ko talaga puro negative ‘yon,dahil na rin sa dalawang nauna. At nakakatuwang isipin na nandito na si Hace. Naalala na niya ako,at tinatawag niya din ako sa endearment niya sa’kin dati.
Naalala ko pa dati,simula ng magkakila kami sa orphanage dahil napagkamalan ko siyang si Alexander.Mula no’n palagi ko na siyang nakikitang kasama ni Alexander,nalaman ko pang lumipat ito ng school kahit pa graduating na ito . Nang mag high school naman ako at naging senior high siya,palagi siyang pumupunta sa room namin kahit na malayo na ang building nila sa’min. Walang araw na wala siyang surpresang ibinibigay. Kung hindi bulaklak,pagkain at teddy bears. Ang dami ko ngang naipon no’n sa bahay namin dati.
BINABASA MO ANG
SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( PUBLISHED UNDER IMMAC )
RomancePUBLISHED UNDER IMMAC ❤️ MONDEÑEGO SERIES #1 He is a heartless devil. A manipulative devil, and He can get what he wants. She is just an ordinary girl, living her life with her siblings. But one day, men in black came to their home. And that time...