"Bili na po kayo" sigaw ko sa mga dumadaan sa pwesto ko.
Nandito ako sa palengke ngayon at nagtitinda ng iba't-ibang gulay. Tulad ng talong, okra, ampalaya, opo at iba. Maaga palang ay nandito na ako para magtinda.
Wala na kaming mga magulang at kami ng dalawa ko pang kapatid ang naiwan. Wala na si mama, at ang ama-amahan ko naman ay hindi na umuwi sa bahay, kaya ako na lang ngayon ang tumataguyod sa pamilya namin.Wala na kaming balita sa kanya mula noong huli nitong padala.
Mabait naman iyon kaya nagtaka kami na isang araw hanggan umabot ng buwan ay hindi na siya umuwi. Nag-iwan lang ito ng sulat na huwag daw kaming mag-alala sa kanya at ayos lang daw siya.
"Ineng, bigyan mo nga ako nito" napangiti ako ng lumapit sa akin ang suki ko.
"Naku, mas maaga po yata kayo ngayon?" tanong ko dahil medyo maaga nga siya ngayon kaysa sa nakaugalian.
"Naku eh, birthday ng apo ko at gusto kong ako ang magluluto kaya maaga ako ngayon." sagot nito na nakangiti.
Napatingin ako sa dala niya. Medyo marami din iyon. Ngumiti nalang ako at ibinigay ang kailangan niya.
Nang matapos ay nagpa alam mo na ito at iniwan ang iba niyang dala at may nakalimutan daw siyang bilhin.
Maliit lang itong pwesto ko, sapat para sa isang tao at sa kaunting mga gulay na nasa isang mesa.Kailangan kong kumayod para sa amin ng mga kapatid ko. Hindi naman ako nakapagtapos ng pag-aaral kaya dito ang bagsak ko. Pero kapag nakaipon ulit ako ay gusto kong makapag-aral ulit sa kolehiyo.
Marami pa ang bumili at nakita kong parating na din ang suki ko at may bitbit nga itong pansit bihon.
"Salamat sa pagbabantay ineng." saad niya.
"Naku, wala po iyon. Gusto niyo po tulungan ko na kayo hanggang labasan, medyo marami-rami din po iyang dala niyo." alok ko dahil siguradong mahihirapan siyang dalhin iyon.
"Hindi na ineng, tinawagan ko iyong apo ko. Parating na iyon."nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Crush ko kasi ang apo niyang iyon. Minsan niya na din kasi iyong dinala rito at kahit moreno ay napaka-gwapo. Tipikal na pilipino, at isang enginer.
Inayos ko ang sarili ko ng matanaw na papalapit na ito. Pero kahit anong ayos ko, iba pa rin ang dating niya.
Nakangiti siyang lumapit sa amin at nagmano sa lola niya. Magalang!
" 'La, dalhin ko na po ito sa tricycle" saad nito sa lola niya, at nakangiting bumaling ang tingin sa akin.
"Hi, Nerissa" bati nito.
Nanlaki ang mata ko ng batiin ako nito.Shumay na mainit, kinikilig ako.
"Hi" malumanay na bati ko at ngumiti ito.
Pasimple akong humawak sa laylayan ng panty ko. Baka mahulog, naku mahirap na.
Kumaway ako ng kumaway na ito paalis. Nagpaalam na din ang lola niya at umalis na sila. Mukhang gaganda ang benta ko ngayon.
Hindi mapuknat ang ngiti ko hanggang sa dumami na ang mamimili at dumating ang tanghalian.
"Oy Nerissa mukhang ang dami nating benta ngayon ah. Kaunti nalang ang tinda mo." saad ng kaibigan kong si Fely.
"Oo eh, kaya maaga din akong makakauwi sa bahay. Iuwi ko nalang ang iba at iulam namin." tugon kong nakangiti sa kanya.
Kaibigan ko siya na katulad ko ay hindi din pinalad na makapagtapos ng pag-aaral kaya dito ang bagsak namin pareho.
Nagsimula na akong magligpit at inilagay ito sa trolley kong maliit. Kaunti nalang ang natira kaya mabuting iuwi ko nalang ito at para makasama ko kahit sandali ang dalawa ko pang kapatid dahil mamaya ay may trabaho na naman ako.
BINABASA MO ANG
SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( PUBLISHED UNDER IMMAC )
Roman d'amourPUBLISHED UNDER IMMAC ❤️ MONDEÑEGO SERIES #1 He is a heartless devil. A manipulative devil, and He can get what he wants. She is just an ordinary girl, living her life with her siblings. But one day, men in black came to their home. And that time...