STAHD 5

1.7K 24 0
                                    


Nagising ako,hindi dahil kailangan kong magising ng maaga para pumunta sa palengke.Kung hindi dahil,hindi ako makatulog ng maayos.Nakakatulog ako,pero nagigising din. Bangungot kung anuman ang nangyari sa’kin. Paulit-ulit na bumabalik ang nangyari. Balewalain ko naman ay kusang bumabalik. Hindi ko alam na may luha na palang tumulo sa pisngi ko kung hindi ko pa naramdaman ang kamay na humaplos sa pisngi ko.Napatingin ako sa kapatid kong si Arthur, mukhang nagising ito dahil sa’kin.

“Ate,may problema po ba?Nagising po ako dahil narinig po kitang humihikbi.”

Malungkot na saad nito,hinahaplos pa rin ang pisngi ko.
Mabilis akong yumakap sa kanya at hinalikan ang ulo niya.

“Ayos lang si ate,matulog ka nalang ulit.”

“Nanaginip ka po ba ng masama kaya ka naiyak?”

Umangat ang mukha nito sa’kin,natawa ako sa cute niyang
mukha kaya pinisil ko ang ilong niya.

“Oo eh,may gusto daw kasing kumuha sa inyo sa’kin.Ilalayo daw kayong dalawa ni Arjun sa’kin.”

Malungkot kong sagot.Umiling naman siya.

“Hindi po kami sasama,promise po ‘yan! Para po sa’min ni Arjun,ikaw po yata ang da best na ate in whole wide world!”

Ang ngiti ko ay tuluyan na naging tawa.Yinakap ko siya ng mahigpit at ganoon din ang ginawa nito.

“Salamat,pangako gagawin ni ate ang lahat para sa inyong dalawa.Hindi ko kayo pababayaan!”

Napatingala ako ng maramdaman ang nagbabadyang luha.Napangiti ako ng may maramdamang yakap mula sa likuran ko.

“I love you Ate!”

Anas ni Arjun at humigpit ang yakap nito.Mukhang nagising din ito dahil sa’min ni Arnold.

“Mahal na mahal ka po namin Ate,huwag niyo po kaming iiwan.”
Tuluyan na akong naluha sa sinabi ni Arnold.

“Pangako ‘yan!Hindi kayo iiwan ni Ate,mahal na mahal din kayo ni Ate!Palagi niyong tatandaan ‘yan!”

Dahil malapit na din na mag-umaga,hindi na ako natulog pa at bumangon na lang matapos pagmasdan ang nakatulog ulit na kambal.Pumunta ako sa banyo at naghilamos,pagkatapos ay nagpunta ng kusina.Naupo ako ng makitang medyo madilim pa sa labas.

Mayamaya na ako magluluto,dapat sa mga oras na ito ay nasa palengke na ako. Pero dahil sa nangyari ay napagdesisyunan kong hindi na muna umalis ng bahay.Mabuti na ang sigurado,mamaya ay kakausapin ko ulit si tiyang at tiyong.Kung hindi man sila payag na umalis dito,mapipilitan akong umalis na lang na kasama ang dalawang kapatid ko. Ayaw ko na madamay pa sila sa gulo. Mabuti ng ako nalang huwag lang ang mga kapatid ko.

Napabuntong hininga akong tumayo at nagsimula na lang muna na maglinis sa sala.Pagkatapos ay nagluto na ng almusal ng magsimula ng magliwanag ang kalangitan.Nang makapagluto at mailagay sa mesa ang nailuto ko ay sakto naman na gising na din ang kambal.

“Good morning Ate!”
Sabay nilang turan.

Napangiti ako ng makitang pareho pa silang nagkukusot sa kanya-kanyang mga mata.Lumapit na ako sa kanila at ginulo ang magulo ng buhok.

“Maghilamos na kayo para makakain na tayo ng agahan!”

Saad ko at nagtaka akong napatingin sa mukha nila. Pagkatapos ay nagkatinginan sila, nag-usap ang mga mata na parang sila lang ang nagkakaintindihan.Pagkatapos ay sabay na humarap sa’kin.

“Nandito ka po Ate,hindi po kayo umalis!?”

Napaatras ako sa sabay nilang sigaw,napangiti akong lumapit ulit pumantay sa kanila.

SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( PUBLISHED UNDER IMMAC ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon