STAHD 9

1.6K 21 0
                                    


"What did just call me?"

Ulit niya sa tanong niya.Napatitig na lang ako sa kanya at namasa ang mata ko.Tumayo na ako at hindi na sinagot pa ang tanong niya.

"Wala ka na bang ibang iuutos?Malalim na ang gabi at mabuting magpahinga ka na rin."

"I ask you woman,now answer me?!"
Napahinto ako sa sigaw niya.Sasabihin ko ba?

'Hindi,hindi siya ang H mo.Gumising ka,ang H mo hindi makakaya na gawin kung anuman ang ginawa niya sa'yo ngayon. At hindi ka niya sisigawan!'

"P'wede ba na H na lang ang itawag ko sa'yo?"
Napakunot noo naman siya sa sinabi ko.

"No!"
Sagot niya at bumalik sa pagkakadapa.

"Call me sir!"

Sabi ko nga,hindi niya talaga ako kilala.Hindi na siya nagsalita pa ulit kaya naglakad na ako palabas.Hindi ko alam kung saan ako mahihiga,kung pupuntahan ko ba si 'nay Lara.

Pero dahil wala naman siyang iniuutos ay nanatili ako sa sopa.Hindi na rin ako madalaw ng antok.Napapahingang malalim akong naupo,at napatingin sa nakasarang pinto sa kwarto niya.Marami ng nagbago.At siguro ay isa na siya doon.Hindi ko siya masisi kung 'yon ang naging desisyon niya ,ang kalimutan ako.

Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa'kin dito.Pero kailangan kong ihanda ang sarili ko,katulad ng sinabi nila George.Maghihiganti daw ang boss nila.Hindi ba dapat ako ang magalit?Siya ang lumimot.At ngayon ako pa ang mapagbubuntungan niya sa galit dahil sa ama-amahan ko.

Naalimpungatan ako at mabilis na napaupo.Nakatulog pala ako dito sa sopa.Napatayo ako ng hindi alam ang gagawin.Baka kasi magalit na naman siya kapag lumabas ako.Napatingin ako sa pinto ng bumukas at lumabas doon si Hace.Nakakunot na naman ang noo nito at parang may masama akong nagawa.

"What are you still doing here?"
Tingnan mo 'to,malamang na wala naman siyang sinasabi kong ano ang gagawin ko.Narinig ko itong napa-tsk at naglakad papunta sa kinarorounan ko.

"Follow me!"

Bastos talaga!Ihagis ba naman sa mukha ko ang ginamit niyang tuwalya at sapol sa mukha ko.Pero infernes,ang bango.Bitbit ang tuwalya ay sumunod na ako sa kanya.Bumaba kami at nakarating sa kusina.Doon naabutan namin si 'nay Lara na naghahanda ng pagkain kasama ang isang katulong.

"Manang Lara!"

Kaagad naman na humarap ang matanda.Wala talagang modo ang lalaking ito.
"Magandang umaga po."

Bati ko ng magawi ang tingin nito sa'kin.Baka nagtataka pa siya kung ano'ng ginawa namin ng boss niya sa kwarto nito.Hinila ba naman ako ng walang pasabi.

"Kayo na po ang bahala sa kanya,give her works to do."

"Sige ako ng bahala sa kanya,maayos na ba kayo?Kumain na muna kayo ng almusal at nakahanda na ang lahat."

Nakangiting paanyaya ni 'nay Lara.Nauna na si Hace sa dinning at pinaghanda naman ito ni 'nay Lara.Pero napatigil din ng magsalit si Hace.

"Let her do that!"

Napatingin si 'nay Lara sa'kin.Siguro alam na niya ang ugali ng amo kaya sumunod na lang.Kinuha niya ang hawak kong towel at iginiya akong lumapit sa mesa para mapagsilbihan ang gago na'to.Kung makaastang hari.Nakanguso akong lumapit at nagsimula ng lagyan ng pagkain ang plato niya.Kompleto naman sana ang kamay,bakit kailangan pa na pagsilbihan 'to.

"Stop doing that!"

Napahinto sa ere ang pitsel na hawak ko.Lalagyan ko sana siya ng juice ng magsalita ito.Napatingin ako sa kanya,nakatingin siya sa labi ko kaya agad ko itong tinikom.Umayos na ako ng tayo at aalis na sana ng magsalita ulit siya.

SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( PUBLISHED UNDER IMMAC ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon