STAHD 28

1.3K 16 0
                                    


HACE

“ The car is abandoned,so is the building. I don’t think we still need to check inside,it’s so obvious this is not their hide out anymore.”

Carlos said in a serious tone as he look at me.

“ We should still check,just in case.”

Kontra ni Draco at naglakad na papasok ,tumingin sila sa’kin at tumango. Sumunod na din sila kay Draco at kami naiwan ni Shaw.This scene looks familiar,and I just stood there looking at the building infront of us.

Napasinghap ako ng tapikin ako sa balikat ni Shaw.

“ You okay bud? If you’re not comfortable going inside ,just stay here and let’s wait for them to go back here.”

Napailing ako at inalis ang mga alala ng nakaraan. This is just a normal building, not the building years ago. Kung mangyayari man ulit ‘yon ngayon,hindi ko alam kung paano babangon. All of my friends is there inside,looking for her . But here I am,chickening out. I should go there.

“ I’m okay,let’s go!”

Nauna na ako sa kanya at hinanap ang ibang kasamahan namin. Papasok pa lang kami ng makasalubong namin ang tatlo. Si Draco na napapiling ,si Adrian na seryoso at si Carlos na parang bored na bored.

“ This is so boring,no one’s here!”
Sabi ko na nga ba,pumunta lang ‘ ata ang lalaking ‘to dito dahil walang magawa at mapaglayan ng boredom niya.

“ Where’s Aki?”

Tanong ko ng hindi ko siya makita na kasama nila. Mukhang do’n lang din nila napansin na hindi nila ito kasama. Nagkatinginan kaming lahat ng mula sa kung saan ay may narinig kaming tunog.

“ Fuck, you mother fucker this laptop cost more than your life. Damn you!”

Mabilis kaming pumunta kung saan rinig namin ang mura ni Aki. At do’n naabutan namin s’yang may tinatadyakan na nakahiga na sa sahig.

Hinihingal itong napatingin sa’min,mabilis kaming lumapit do’n.

“ I saw him spying on us. At mukhang siya na lang ang tao dito na nagmamanman. “

Aki said while checking his laptop.

“Fuck this!”

“Bakit kasi ‘yan ang pinalo mo ,tapos magrereklamo ka d’yan!”

Natatawang saad ni Carlos. Lumapit ako sa lalaking nakadapa sa sahig,tinulak ko siya para mapaharap sa’min gamit ang paa ko.Mukhang napuruhan na ito ni Aki,may bangas ito sa mukha at putok ang labi. Tumingin ako kay Aki at nagkibit balikat siya.

“ Saan niyo dinala ang babaeng kinuha niyo kanina?”

Tanong ko at tanging ungol lang ang naisagot nito.

Napaatras ako ng lumapit dito si Draco at iniupo sa silyang naro’n. Lupaypay ang ulo nito,tinapik ito ni Draco sa mukha at umungol lang. Napapailing na humarap sa’min si Draco at masama ang tinging ibinigay kay Aki.

“ He fight back, just be glad that I didn’t kill him.”

Walang emosyong saad ni Aki. Napailing na din ako at napabuntong hinga.

Lumapit ulit ako sa lalaki at hinawakan ang baba nito at iniangat paharap sa’kin. Diniinan ko ang paghawak sa panga niya kaya naidilat niya ang isa niyang mata.

Nakita ko ang dumaang takot sa mata niya at napalunok ito. Good,dapat ka lang matakot dahil ako mismo ang papatay sa’yo kapag hindi mo ako sinagot ng maayos.

SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( PUBLISHED UNDER IMMAC ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon