CHAPTER 54

947 14 0
                                    






“ Tatay sandali lang po,huminahon po muna kayo hindi ako aalis.”

Napatayo na ako,napahawak sa tiyan ko ng bigla ay  may sumagid na sakit. Huminga ako ng malalim,naiiling na tumayo na din si tatay.

“ Hindi mo kilala si Alejandro  Nerissa,demonyo ang lalaking ‘yan. Alam ko ang ginagawa niya  sa’yo dito. Kaya sa ayaw at gusto mo,sasama ka sa’kin at aalis tayo dito. Bumalik na ako ,kaya wala ka ng utang na dapat bayaran. “


Biglang parang nawala sa sarili si tatay at napasabunot sa buhok.

“ ‘tay ayos lang po kayo.”

Napatingin siya sa’kin,napakurap at mabilis na lumapit sa’kin. Hinawakan ang braso ko,napaigik ako ng dumiin ang hawak niya.

“ Uuwi na tayo,nandito na si Hillary kaya wala ka ng pakinabang sa kanya. Kailangan natin siyang unahan bago pa siya mismo ang magpa alis sa’yo dito.”

Pilit kong inaagaw ang braso ko,pero mahigpit ang hawak niya.

“ Hindi po mangyayari ‘yon,mahal ako ni Hace at mahal ko rin siya. Hindi ako aalis, ‘tay nasasaktan po ako.”

Naluluha na ako,napailing lang siya at hinila na ako paalis. Mabilis siyang naglakad kaya kandatalisod akong sumunod. Napahawak ako sa tiyan ng sumakit na naman ‘yon.

“ What the hell are you doing to her?”

Napatingin ako kay Draco na naiiyak,mabilis siyang lumapit sa’kin at tinanggal ang pagkakhawak ni tatay sa’kin.

“ Huwag kang makialam dito Draco,iuuwi ko na ang anak ko.”

“ Ronaldo ,hindi mo pwede kunin si Nerissa.  Hindi mo ba nakikita sinasaktan mo na siya,ano’ng klase kang tatay?Pipilitin mo ang anak mong sumama sa’yo,alam ba ito ni H?”

Umiling lang si tatay at lumapit sa’min ni Draco,pilit niya akong kinukuha.Umiiling na naiiyak  ako,hinarang ni Draco ang sarili para hindi ako maabot ni tatay.


“ Nerissa,halika na uuwi na tayo!”

Nanginig ang kamay kong humawak sa damit ni Draco. Narinig ko nalang na nagdatingan ang mga kaibigan niya at inawat si tatay na lumapit sa’kin. Napasandal ako sa likod ni Draco at napangiwi sa sakit ng tiyan ko.Humarap si Draco at hinawakan ako sa balikat.

“ Are you okay?”

Tumango ako,dumiin ang pagkagat ko sa labi ko ng mas sumakit ang tiyan ko.

“ What the hell is happening here?”

Dumagundong ang boses ni Hace sa kabahayan,napahawak ako sa braso ni Draco. Nakita kong papalapit si Hace at Hillary,mukhang galing sila sa kwarto na may piano at dala nito ang music sheet sa kamay. Hinihingal akong masama ang tingin sa kanya,kaya pala wala siya. Magkasama silang dalawa.

“Ahmp.”

Pigil kong mapsigaw sa sakit,dumiin ang hawak ko sa  braso ni Draco. Rinig ko din ang mga boses nila,pilit nilang pinapakalma ang tatay at hindi pinapalapit sa’kin. Naririnig ko pa ang sigaw ni tatay sa pangalan ko at pilit akong pinapa uwi.

“ You’re not okay.”

Napasandal na ako sa dibdib ni Draco,ilang beses akong huminga ng malalim at nakahawak sa tiyan ko. Naramdaman kong may lumapit sa’min,sa likod ko. Hinila niya ang kamay ko paharap sa kanya,mabilis kong winaksi ang kamay niya.


Nagulat siya sa ginawa ko,umiling akong haharap ulit sana kay Draco at magpapatulong ng higitin niya ang kamay ko paharap. Sumubsob ang mukha ko sa dibdib niya,itinukod ko ang kamay sa kanya at masama siyang tiningnan.

SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( PUBLISHED UNDER IMMAC ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon