STAHD 8

1.6K 24 0
                                    


Nagising ako na maasakit ang pantog ko. Dahil na rin siguro sa kakulangan ng tulog nitong nagdaang gabi ay napahaba ang tulog ko.Napabalikwas ako ng bangon ng maalala ang nangyari,at kung nasaaan ako ngayon. Inilibot ko ang paningin at mukhang nandito ako sa isang silid.Ang gara ng kwarto,malaki ang kama na hinigaan ko.Sobrang lawak,black at gold ang kulay ng paligid.Sigurado na lalaki ang nagmamay-ari ng silid na ‘to.

Mabango din ang silid. Panlalaking amoy,at sa naalala ay tuluyan na akong napatayo.
Naglibot ako sa buong kwarto at ng may unang pinto na makita ay mabilis na akong nagtungo doon. Napahinga ako ng malalim ng makitang banyo nga ang nabuksan kong pinto. Matapos makapagbanyo lumabas na ako at napaupo sa sopang naroon.
Napatakip ako sa mukha ng namasa ang mata ko. Kailangan ko ng harapin ang kapalaran ko dito.Kailangan para sa mga kapatid ko.Kamusta na kaya sila ngayon?Baka hanggang ngayon umiiyak pa ang mga kapatid ko. Gustuhin ko man sila na matawagan ay hindi ko hawak ang cellphone ko.Nabitawan ko ito kanina ng magkagulo.Huminga ako ng malalim at tumingala sa kisame.

Nagpahid ng luha at tumayo.Hindi ako p’wedeng maghintay na lang dito ng hatol sa’kin.. Bakit ba dito ako dinala ng mga lalaking ‘yon?At nasaang lugar na ba ako? Nakatulog ako kanina sa b’yahe,at ang huli kong naaalala ay ang pag-uusap ng mga lalaki .

Makakaganti na rin si boss,kawawa ang babaeng ‘to ‘pag nagkataon. Malupit pa naman si boss.’
Wala na akong ibang maalala pa maliban doon.Bakit hindi na lang nila ako ginising?At sino ang nagbuhat sa’kin papunta dito sa magarang silid na ‘to?Kaysa kung ano-anu pa ang maisip ay pumihit na ako papunta sa pinto ng kwarto.Kinakabahan pa ako,pa’no kung pagbukas ko ay sakto naman na dumating ang boss nila?O ‘di kaya—ah bahala na.Kailangan ko ng lumabas at nakaramdam na rin ako ng gutom.Hindi ko alam kung ano’ng oras na.Walang orasan sa kwarto pero madilim na sa labas.Ayon sa labas na bintana sa kawarto ay gabi na.

Nagpalinga-linga pa ako ng makalabas sa kwarto.Ang dilim ng paligid,at ang lawak din.Nagsimula na akong maglakad .Hindi ko alam kung saan ako pupunta,basta sinunod ko lang ang kakaunting ilaw na nagsisilbing liwanag sa kabahayan. Napasinghap pa ako ng makita ang hagdanan.Bumaba na ako,at ganoon din sa sala na madilim.Nasaan ang mga tao dito? Ang lawak din,mukhang hindi lang ito bahay.Mansion,isang mansion kung nasaan man ako ngayon.
Dahil walang makitang katao-tao sa paligid ay dumeretso na ako sa kusina.Kung tama man ang tinatahak ko.

Nakaramdam ako ng tuwa ng makitang kusina nga ang napuntahan ko.Wala din tao,kaya lumapit na ako sa ref at naghalungkat kung ano ang p’wede na makain.Nang makakita ng pagkain ay inilabas ko ito at dinala sa mesang naroon . Ang kaso malamig na,lumingon -lingon ako at naghanap ng kanin.Agad akong lumapit sa rice cooker at binuksan ito.Napangiti din ako ng makitang mayro’n pang kaunti na kanin.
Kumuha ako ng plato at nagsalin ng tubig sa baso.Ilalapag ko na sana ang hawak na baso matapos uminom ng biglang may sumigaw sa likod ko.

“Ahh,sino ka?Paano ka nakapasok dito sa bahay?”

Nabitawan ko ang hawak na baso at nahampas ko ang sariling dibdib. Umubo ako ng maraming beses,naramdaman ko naman na lumapit ang babae sa likod ko at hinimas din ang likod ko.

“Naku,pasensya ka na.Nagulat ‘ata kita,ayos ka lang?”

Saad nitong inayos pa ang buhok kong tumabing sa ulo ko.Tumango -tango lang ako dahil nauubo pa rin ako.Nang umayos ang pakiramdam ko ay tinitigan niya ako ng mabuti. Napatikhim ako at umayos ng tayo.Napatingin din siya sa pagkain na nakahanda sa mesa.

Napailing ito at kinuha ang ulam na kinuha ko kanina galing sa ref at ininit sa microwave .Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa mailapag na niya lahat ng pagkain sa mesa.

“Maupo ka na at kumain.Ako na ang bahala na magligpit nitong nabasag.Pagkatapos ay mag-uusap tayo.”Malumanay na saad nito.

Agad akong tumalima at naupo na.Nagsimula na akong kumain habang pinagmamasdan siyang winawalis ang ang nabasag ko na baso.Nahirapan pa ako sa paglunok ng mapansin ang paminsanan nitong pagtingin sa’kin.Malapit na akong matapos kumain ng lumapit siya at naupo sa katapat ko.Napaayos ako ng upo at napatingin na rin sa kanya.

SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( PUBLISHED UNDER IMMAC ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon