NERISSA
Matapos makapag ayos ,bumiyahe na kami pabalik ng maynila. Iisang sasakyan lang ang sinakyan namin,kasama ang mga kaibigan ni Hace. At himala ngayon ang tahimik nila,mga seryuso ang mukha at parang may kanya kanyang mundo.Si Draco na nagd-drive at si Carlos ay nasa unahan,kami ni Hace ang nasa gitna . Nasa huli si Adrian at Aki na abala sa kanyang computer. Mula ng umalis kami sa bahay,nakaharap nalang si Aki sa laptop niya.
Napabuntong hinga akong isinandal ang ulo sa balikat ni Hace.Naramdaman ko ang halik niya do’n at mas humigpit ang yakap niya sa balikat ko.
“ Something wrong?”
Umiling lang ako at pumikit.
“ We will come back,I promise to stay with you with your family. For now ,let’s face your father. Everything will be okay.”
“ Hmm.”
Tanging sagot ko,naalala ko pang nahirapan akong magpaalam sa mga kapatid ko. Pero ng sabihin ni tiyang kung bakit ako aalis. Naging maaliwalas na ang mukha nila at natuwa pa. Kinausap namin si tiyang tungkol sa pagbabalik ni tatay. Kaya niya siguro sinabi sa mga bata ‘yon para pumayag silng umalis ako.
“ Huwag kayong mag-alala ,kapag bumalik ang ate niyo kasama na niya ang tatay niyo. Hindi ba masaya ‘yon,magiging buo na ulit ang pamilya natin.”
Napangiti ako ng banggitin ni tiyang na mabubuo na ang pamilya namin, ngayong nagbalik na si tatay Ronaldo.
Nakatulog na pala ako sa biyahe na hindi ko namalayan. Matapos kasi ang stop over kanina ay bumili nalang sila ng makakain sa daan para deretso na ang biyahe namin. Naramdaman kong huminto na ang sasakyan,pero hindi ako dumilat. Mas yumakap lang ako sa beywang ni Hace at isinubsob ang mukha ko sa leeg niya.
“Hmm.”
“ It’s okay,just sleep. I’ll just carry you to our room .”
Tumango lang ako ,naramdaman ko nalang ang pag-angat ng katawan ko.Yumakap ako sa leeg niya ng magsimula na siyang maglakad. Hanggang sa narinig ko ang pagbukas ng pinto.Naramdamn ko ang paghinto ni Hace at ang singhap sa paligid.
Sinubukan kong dumilat,naipikit ko ulit ang mata at huminga ng malalim na dumilat ulit. Unang bumungad sa’kin ang panga ni Hace na nag-iigting. Sunod sa mata niyang,may galit at pagkabigla? Bakit parang gulat siya, medyo dumiin din ang paghawak niya sa’kin.
Napakunot ang nuo kong sinundan ang tingin niya. Kinakabahan akong dahan dahan na tumingin sa taong tinitingnan ni Hace . Gano’n nalang ang pagsinghap ko sa gulat ng makita si tataty Ronaldo . Nakatayo at masama ang tingin sa gawi namin. Napalunok akong napahigpit ang yakap sa leeg ni Hace.“ Tatay.”
Pabulong kong tawag,mariin akong napalunok at napatingin ulit kay Hace na hindi na gumalaw. Napatingin ako sa kasama naming pumasok. Seryuso ang mga mukha,walang mababasang emosyon sa kanila.
Napalingon ako ng marinig ang matinis na boses ng isang babae,napatingin ako sa kabuuan niya na papalapit sa’min ni Hace. Maganda at kulot ang buhok,matangos ang ilong. Naagaw ng pansin ko ang sunog na balat sa kanang kamay niya. Hindi naman malaki ‘yon at parang nawawala na din.Pero hindi ‘yon ang nagpaagaw talaga ng atensyon ko.
“ H, honey bunny. I miss you.”
Naluluha itong lumapit sa’min ni Hace at huminto sa mismong harap namin. Napalunok akong napatingin kay Hace. Hindi ko maiwasang hindi maluha,pero pinigil ko ‘yon. Nagkatinginan sila,nakangiti ang babae na lumuluha. Habang si Hace ay kababakasan din ng luha sa mata. Bakit may nakikita akong pangungulila sa mata niya. Hindi ko na nakayanan ang titigan nila kaya umakto akong bumaba.
BINABASA MO ANG
SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( PUBLISHED UNDER IMMAC )
Любовные романыPUBLISHED UNDER IMMAC ❤️ MONDEÑEGO SERIES #1 He is a heartless devil. A manipulative devil, and He can get what he wants. She is just an ordinary girl, living her life with her siblings. But one day, men in black came to their home. And that time...