PROLOGUE SPG

4.8K 55 0
                                    







"I'm sorry"

Nakayuko'ng sambit ko.Palaging ito na lang ang sinasabi ko sa kanya. Sorry!

Nasunog kasi ang polo nitong plinantsa ko.

Iniisip ko kasi kung paano ko makakamusta ang mga kapatid ko. At namalayan ko na lang na umuusok na ang plantsa na hawak ko at sunog na ang damit ni Hace sa braso nito.
Sinubukan ko itong maisalba at napaso pa nga ang kamay ko pero hindi ko iyon inalintana, ang mahalaga ay ang damit ni Hace.
Hinila ako nito sa braso palapit sa kanya.

Nagiguilty ako sa ginawa ng ama-amahan ko sa kanya kaya hinahayaan ko siyang saktan ako.

"Sorry? Hoy tanga, hindi na mababago pa ng sorry mo ang nangyari!"

Tiim bagang na bulyaw nito sa'kin.
Alam kong doble ang meaning ng sinabi niyang iyon.

Binitawan na ako nito at tumalikod.

"Ano pa ba ang gusto mo'ng gawin ko?! " Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para magsalita nang ganoon.

"Halos inalipin mo na ako Hace, buong buhay ko nasayo na, lahat ng gusto mo ginagawa ko, wala na akong itinira sa sarili ko,ni hindi ko na nga makita ang mga kapatid ko.
Hinahayaan kita sa gusto mo, dahil sa ginawa ng tatay ko. Pero hindi ba sobra na? "

Ayaw kong umiyak pero this time, sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata ko.

Nakakapagod na.

Pagod na ako.

Hindi ko namalayan na napa-upo na ako sa sahig.

Yug-yog ang balikat ko sa pag iyak.

"Pagod kana? P'wes magdusa ka! Nagsisimula palang ang kalbaryo mo Nerrisa. Dudurugin kita hangga't nararamdaman mo 'yong sakit na idinulot ng tatay mo sa akin, tandaan mo 'yan! "

Iniwan niya akong umiiyak. Palagi naman ganito. Sinisisi niya ako sa kasalanan na hindi ko ginawa. Pero dahil sa ama-amahan ko, kaya ako nandito.

Ako ang nagbabayad sa kasalanan na ginawa niya. Sa sobrang galit niya sa ama ko, sa akin ni Hace ibinuhos ang galit na dapat sa ama ko.
Bigla nalang naglaho ang tatay na parang bula pagkatapos naiwan kaming magkakapatid.

Ang ginawa niyang krimen sa nobya nito ang dahilan kung bakit ako nandito. Ako ang nagbabayad, ako ang nagdurusa at naghihirap kahit na malayo sa mga kapatid ko.

Gustong-gusto ko nang umalis dito. Pero wala akong ibang mapuntahan, at kung aalis man ako sigurado na makikita at makikita niya din ako.
Tumayo na ako at nagpunta sa kusina. Ayokong maabutan pa niya ako doon sa sala at baka mapagbuhatan na naman niya ako ng kamay.

Minsan kapag lasing siya at wala sa sarili ay 'yon ang ginagawa niya, minsan nga muntik na niya akong mapatay ng bigla niya akong sakalin. Buti na lang at dumating si Draco at nailayo ako nito sa kaibigan.

Alam ko naman na malaki ang nagawang kasalanan ng ama-amahan ko, pero mali pa rin na sa akin niya ibuhos ang galit niya. Sa akin siya naghihiganti, baka sakali daw ay lumitaw si tatay at magpakita kapag nalaman nito ang kalagayan ko.

Pero buwan na ang lumipas at nandito pa rin ako. Walang tatay Ronaldo na dumating at iyon ang mas ikinagalit ni Hace.

"Nerissa halika na at ng makakain
na. Ikaw na lang ang hinihintay sa kusina." napatingin ako kay nanay Lara.

Siya ang mayordoma dito at siya rin ang nagsilbing nanay ko at gabay sa tuwing nasasaktan na ako ni Hace.

"Sige po 'nay susunod po ako."
nakangiti kong tugon dito.

SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( PUBLISHED UNDER IMMAC ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon