“ The booklet..”Naphinto ako sa pagpihit ng seradura. Humarap ako kay Fred na seryosong nakatingin sa’kin.
“ Before you leave,can you tell me where you put that booklet?”
Tanong nito,sumeryoso din ang mukha ko .
“ Alam mong hindi ko ‘yon ibibigay sa’yo."
“ I know,kaya nga nakatayo ka pa din ngayon sa harapan ko. I’m still holding on to your word. “
“ Safe ang booklet kung nasaan man ’yon ngayon. At may isang salita ako,hangga’t wala kang ginagawa sa’kin o sa pamilya ko. Hindi ‘yon maisa sa publiko.”
Tugon ko, tumalikod na ako at hindi na hinintay pa ang sunod niyang sasabihin.
Kaya hindi niya ako magalaw dati,kami ni Amanda. Ilang beses din s’yang nagtangka ,pero hindi siya nagtagumpay. Ang booklet ang habol niya,kung nasaan ang lahat ng transaksiyon na nangyayari.
Nakasulat lahat do’n,bawat detalye ,mga pangalan ng mga kilalang tao.Wala s’yang magagawa ,dahil hindi niya ito makukuha sa’kin. At sana lang, hindi siya mahanap ni Fred .
“ Ano’ng nangyayari?”
Tanong ni Biatrez nang dinala ko siya sa labas. Nagtataka ,palinga-linga sa paligid. Hindi ko siya sinagot at patuloy na hinila. Naglakad kami hanggang sa makarating sa isang podium. Sa likod kami ng stage,kung saan marami ang naro’n.
Mga babaeng naka-ayos at inaayusan pa lang. May lumapit sa’min na at iginiya kami sa changing room.Nagtataka pa rin si Biatrez,maang sa nangyayari.May ibinigay na mga damit sa’min ang babae,pero wala do’n ang atensyon ko.Masyado ‘yong maiksi at lantad ang katawan.Ako na ang kumuha ng dress na hanggang hita pero hindi naman masyadong lantad ang dibdib.Wala kaming ibang pagpipilian at lahat ng damit ay gano’n.Ibinigay ko din ang isa kay Biatrez.
“ A-ano’ng gagawin natin? Ano’ng nangyayari ,bakit ang daming mga bababe dito. At parang ang babata pa nila.At parang wala sa sarili ang iba…”
Natangay ang iba pa niyang sasabihin ng ipasok ko siya sa loob ng isang cubicle para magbihis.
“ Wala sila sa sarili dahil naka-drugs sila at sinadya ‘yon para hindi makapalag.”
Napanganga siya sa sagot ko, nagsimula na akong maghubad ng damit .
“ G-gagawin din ba nila sa’tin ‘yon?”
Kinakabahang tanong niya.
Umiling ako.“ Sumunod ka lang sa sasabihin nila,para walang gulo. Huwag kang mag-alala makikiusap ako sa kukuha sa’kin na isama ka.Kaya kailangan na ako ang mauna na lumabas sa’ting dalawa mamaya.”
Napakunot nuo siya at naguguluhan akong tiningnan.
“ Ano’ng ibig mong sabihin?”
Sasabihin ko ba? May karapatan naman siyang malaman ‘yon di ‘ba? Ibebenta kami dito,at siguradong matatakot siya. Huminga ako ng malalim at hindi muna itinuloy ang paghubad ng pang ibabang damit. Hinawakan ko siya sa balikat.
“ Makinig ka,huminahon ka at lakasan mo ang loob mo.” Napalunok ako ,naguguluhan siyang naktingin sa’kin.”Paglabas natin dito,sa stage…Marami ang taong naroon mamaya,at kailangan mong lakasan ang loob mo. Subukan mong kumalma ,magiging ayos din ang lahat.”
Mas lalo yata siyang naguluhan sa sinabi ko. Naipilig niya ang ulo at pinoproseso ang sinabi ko sa kanya.
“ Bakit hindi mo nalang ako deretsuhin?”
BINABASA MO ANG
SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( PUBLISHED UNDER IMMAC )
RomantizmPUBLISHED UNDER IMMAC ❤️ MONDEÑEGO SERIES #1 He is a heartless devil. A manipulative devil, and He can get what he wants. She is just an ordinary girl, living her life with her siblings. But one day, men in black came to their home. And that time...