NERISSA
Naalimpungatan ako sa sinag ng araw na tumatama sa a mukha ko. Idinilat ko ang isang mata at napatingin sa siwang ng bintana. Umaga na pala,nagkukusot ng matang bumangon ako . Napatingin ako sa tabi ko,wala na do’n si Hace. Nasa’n kaya ang lalaking ‘yon,hindi manlang ako ginising.
Sinuklay ko ang buhok gamit ang kamay ko. Inayos ko muna ang higaan namin na katre,at nagpasyang lumabas. Naririnig ko na din ang ingay sa labas ng bahay.Nang makarating sa kusina,bumungad sa’kin si tiyang na naghahain na ng almusal. Late na naman akong nagising,hindi ko tuloy naasikaso ang mga kapatid ko.Bumaling ang tingin ni tiyang sa’kin at napangiti,lumapit na ako at nagmano.
“Magandang umaga ho tiyang.”
“ Magandang umaga din sa’yo,maupo ka na. Naihanda ko na ang pagkain at naasikaso na din ang mga kapatid mo. Ihahatid ko nalang sila sa school,dito ka nalang at magpahinga.”
“ Pwede naman pong ako na ang maghatid sa kanila sa school. Hindi na nga ho ako ang naghanda ng almusal nila,tsaka siguradong pagod din ho kayo.”
Umiling itong napangiti,kinuha niya ang kamay ko at hinaplos.
“ Ano ka ba, ayos lang sa’kin. Saka tinggnan mo ang tiyan mo,ang laki na. Alam kong maigi na naglalakad lakad ka. Pero mamaya na sa hapon,hayaan mo na akong maghatid sa mga bata . At hindi naman p’wedeng ako ang maiwan dito,baka hindi ko matantsa ang mga nasa labas. “
Naiiling niyang sabi,tumingin pa siya sa labas. Napasunod ang tingin ko do’n,napakunot ang nuo .
“ Ano’ng mayr’on sa labas tiyang?”
Tanong ko,kinuha ni tiyang ang bag niya sa upuan at iginiya akong sumabay sa kanya.
“ Ikaw na ang umalam.”
Naiiling itong nauna sa pinto ,nilingon niya pa ako bago buksan ang pinto.
Lupit na ako do’n,gano’n nalang ang pagsinghap ko ng makita ang nasa labas. Nanlaki ang mata kong inilibot ang paningin sa paligid. Marami ang mga taong nakikiusyuso at nagkakandahaba-haba ang leeg ng kababihang napaptingin sa bakuran namin. Napahinga ako ng malalim at napailing na napatingin sa mga lalaking nagkukumpulan at naglalaro lang naman ng jolen.Nagkakasayahan sila kasama ang dalawang kapatid ko at ang anak ni tiyang .
“ Oh yeah,take that you asshole.”
Si Carlos ng mataaman ang jolen at lumabas ‘yon sa bilog. Manghang-mangha naman ang tatlong bata na kasama nila at napapalakpak pa.
Sumama lang ang tingin ni Draco at sunod na pumuwesto para tumira. Si Adrian at Aki ay naghanda na din para sa kanilang turno. Si Hace ay naiiling lang na nakatingin sa kanila. Nang matamaan din ni Draco ang jolen at lumabas sa bilog,nagsigawan ang mga bata. Itinaas ni Draco ang gitnang daliri at ipinakita sa kay Carlos.
Hanggang sa sunod sunod na silang naglaro at nakilaro na din ang mga bata. Hindi ko akalain ang mga maskuladong mga lalaking ito ay may pagkaisip bata rin pala.Nagkatinginan kami ni tiyang,sabay na nailing.
At ano nga ba ang ginagawa ng mga ‘to dito,pinapunta ba sila ni Hace. And speaking of Hace,siya na ang nakapwesto ngayon at titira . Sinukat paniya gamit ang kamay niya ang layo,pagkatapos ay tumira. Nagsipulan ang mga kaibigan niya,nagbubulong-bulungan naman ang mga kapitbahay namin na nanonood din. Na para bang nanonood lang isang show,at sila Hace ang bida.
Napapadyak si Hace at sinamaan ng tingin ang mga kaibigan,nag iwas lang ang mga ito ng tingin. Napbuntong hinga ako at hindi mapigilang hindi mapatawa,kahit si tiyang ay natawa na din. Pagkatapos ay nilapitan na nito ang mga bata. At dahil sa paglapit niya,nabaling ang tingin ng mga lalaking nando’n sa’kin. Lakad takbo ang ginawang paglapit ni Hace sa’kin,humalik ito sa nuo ko at yumuko para mahalikan ang tiyan ko.
BINABASA MO ANG
SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( PUBLISHED UNDER IMMAC )
RomancePUBLISHED UNDER IMMAC ❤️ MONDEÑEGO SERIES #1 He is a heartless devil. A manipulative devil, and He can get what he wants. She is just an ordinary girl, living her life with her siblings. But one day, men in black came to their home. And that time...