CHAPTER 52

1.1K 18 1
                                    

“ Ano’ng  nangyayari tiyang?’

Lumabas na ako sa kusina ng hindi sumagot si tiyang,may naririnig kasi akong ingay sa labas.

At napailing nalang ako sa nakita,napabuntong hinga akong  napailing ng makita ang ginagawa nila ngayon.

Napabaling ang tingin sa’kin ni Hace,lumapit siya at humalik sa pisngi ko habang hinahaplos ang tiyan ko.

“ Wala bang balak ang mga ‘yan na umuwi?”

Napangiwi si Hace sa tanong ko ,napatingin na din siya sa mga kaibigan niya ngayong naglalaro ng piko saya. Karga ni Carlos ang anak ni tiyang sa balikat niya habang naglalaro. Tuwang tuwa naman ito,nang mapatingin ako kay tiyang nangingiti din ito.

“ I don’t know about them,I already told them to go without me.”

Napatingin ako sa kanya.

“ Bakit hindi ka sumama?”

“ Love ,that’s an obvious question. You’re here, and where ever you are  I’ll be there.”

“ Kanta ba ‘yon?”



Nakangusong tanong ko,napailing siyang niyakap ako.

“ You know you can’t push me away. Dahil kahit anong gawin mong pagtulak sa’kin,babalik at babalik pa rin ako sa’yo. You’re my home,my love and my everything.”

Naluluha akong umangat ang tingin sa kanya.vPinunasan niya ang mukha ko at mabilis na hinalikan ang labi ko.

“ Baka may importante kang gagawin,alam mong hindi ako aalis dito. Nandito ang mga kapatid ko,nandito ang pamilya ko Hace.”

“ I know,I know.  You don’t have to come with me,ako ang sasama sa’yo. ”

Napasinghot akong isinubsob ang mukha sa dibdib niya. Ang laki talaga ng pinagbago niya, bumalik na ang dating Hace ko . Maalaga ,mapagmahal, sa’n ka pa hahanap ng ganitong lalaki.
Bibihira na ang mga lalaking ganito,at sana hindi siya magbago. Hindi kasi mawala ang doubt sa’kin,galit siya sa ama-amahan ko. Baka marealise niyang galit talaga siya,at ‘yong nangyari sa fiancé niya.
Pa’no kung  mabagok ang ulo niya,marealize niya hindi pala ako ang mahal niya kun’di ang Hillary na ‘yon. Alam ko naman na wala na siya,nagiging emosyonal lang talaga ako dahil sa pagbubuntis ko. Paiba-iba ang ugali ko,ang emosyon na lumalabas sa’kin.

Maaga kaming nagising ni Hace,napagkasunduan namin na manood ng sunrise. Kung sa’n niya ako nakita. Do’n ako pumupunta no’n para magpahangin at manuod na din ng sunrise at sunset. Hindi ko akalain na ngayon ay may makakasama na akong manuod,at si Hace pa. Ang lalaking pinakamamahal ko.

Nilatag niya ang sapin na dala namin at inalalayan akong maupo do’n. Nakangiti akong nagpasalamat,naupo na din siya sa likuran ko at yumakap. Napasandal ako sa kanya at nakangiting pumikit.
Tuwang tuwa ako ng makita ulit ang sunrise,nitong nakaraang araw kasi hindi na ako nakakapunta at  palagi nalang akong late magising. Mabuti nalang talaga nand’yan si tiyang para asikasuhin ang mga kapatid ko.
At ang mga kaibigan ni Hace na hindi pa din umuuwi. Nirentahan  na nila ang bahay sa katapat namin na walang nakatira. Do’n sila natutulog,nagtataka  pa ang mga kapitbahay namin. Kung bakit ang tulad nilang mayayaman ay pag aaksayahan  ang maliit naming baryo at matutulog sa maliit na kubo.

Naramdaman kong sumubsob ang mukha ni Hace  sa leeg ko,ang kamay ay humahaplos sa tiyan ko.
Walang nagsalita sa’min,pinakikiramdaman lang ang isa’t isa . Dinig na dinig ko ang bilis ng  tibok  ng puso niya dahil na rin nakasandal ako sa kanya.

Napahawak ako sa kamay niyang bumababa ang haplos,pinigilan ko ang kamay niya. Napalingon ako sa kanya. Nag angat ang tingin niya sa’kin,namumungay ang mata niya.

SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( PUBLISHED UNDER IMMAC ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon