STAHD 36

1.4K 20 0
                                    


“ Halika pasok ka.”

Hinila ko na si Amanda papasok,pero napatigil siya at napatingin sa kasama namin. Napangiwi akong napatingin sa nagtatakang mukha ni ate Marj at ‘nay Lara.

Hinila ko sa tabi ko si Amanda at ipinakilala sa kanila.

“ Ate Marj at ‘nay Lara,si Amanda nga po pala kaibigan ko.”

Nakatitig pa rin si ate Marj kay Amanda at nakakunot ang nuo na parang kinikilala.

“ Alam mo may kamukha siya,hindi ba siya ‘yong babaeng pumunta dati dito?”

Nanlaki ang mata ko,napatingin din ako kay Amanda na naguguluhan.

“ Hindi ate Marj,hindi siya ‘yon. Halata naman na magkaiba sila ‘di ba?”

“ Oo nga naman Marj, tingnan mo nga ang batang ito. Napakaganda at mabait ,seryoso ang babaeng huling pumunta dito. At si Hace ang kilala no’n hindi si Nerissa,kaya halika ka na at pumasok na lang tayo sa loob at mainit na dito sa labas.”

Hinila na ni ‘nay Lara si ate Marj na nakalingon pa rin ang ulo sa’min. Ngumiti na lang ako at hinawakan si Amanda sa braso at iginiya siya sa loob.Mabuti na lang at wala ang bantay ngayon ni Hace sa gate. Bakit kaya?

Dinala ko si Amanda sa garden at pinaupo,naupo na din ako sa katapat niyang upuan.

“ Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ka talaga. Akala ko nagkamali lang ako nang dinig kay Shaw na nandito ka nga. Kumusta kayo ni Alejandro, I mean si Hace. Kamusta kayo,bakit walang nabanggit si Hace sa’kin na nandito ka? “
Hinawakan niya ang kamay ko,at hindi mapigilan na ngumiti. Napangiti na din ako at humigpit ang hawak sa kamay niya.

“ Masaya akong makita ka.”

Nasabi ko nalang.Napalingon ako ng may tumikhim sa likuran ko.Nabitawan ko ang kamay ni Amanda at napaharap kay ate Marj na nanunuri ang tingin,may dala siyang snack at juice.

Tumayo ako at dinaluhan siya.

“ Pinahatid ni ‘nay Lara at pakainin mo daw niyang bisita mo.”

Nakangiti itong nilapag ang tray ng pagkain.Ngumiti si Amanda dito at nagpasalamat.

“ Salamat po”

Tumango lang si ate Marj at nagpaalam na at may gagawin pa daw.Umayos ako ng upo at nilagyan ang platito niya ng apple pie. Ito ang niluto namin ni ‘nay Lara kagabi,wala kasi akong magawa at hindi talaga ako pinagtrabaho nila kahapon. Nagbilin pala si Hace na ‘wag akong pagtrabahuin.

“ Did you cook these? ”

Nakangiti akong tumango.Nagningning ang mata niya at kinuha ang tinidor,naghiwa at kinain.

“ Wow,you’re still the best cook I ever know.”

Napailing ako sa sinabi niya at naupo na din,tinikman ko din ang apple pie. Hmm,masarap nga. Kasing sarap ko ,kaya nga hindi ako tinigilan ni Hace kagabi eh. Shucks,nag iiba na naman ang takbo ng utak ko. Okay, erase.

“ Na miss ko ang luto mo, the last time I get to taste the food you cook was when we’re fifthteen ?”

Napatango ako.

“ P’wede ka namang dumalaw dito,lulutuan kita. Tulad ng dati,pumupunta ka lang sa bahay at magpapaluto.”

Nagtawanan kami at parehong napailing sa naalala.

“ Yeah,and we ‘ll sneak to go to the park to have a picnic there.At maabutan tayo nila Hace,at sasabhin nilang hindi man lang natin sila inaya. Kaya magtatampo siya at ngitian mo lang wala na ang tampo. You’re smile was like a magic to him.”

SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( PUBLISHED UNDER IMMAC ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon