NERISSANang magising ako kanina na mag-isa sa loob ng kwarto ni Hace ay nagpanic pa ako. Lalo na ng maalala ang nangyari.Nahimatay lang naman ako dahil sa kaba,dahil sa takot na hindi s'ya magkasya sa'kin kahit pa sinasabi niyang masakit talaga sa una.Alam ko naman 'yon,masakit talaga sa una. Pero ng makita ang kanya,hindi ko maiwasan na matakot.
First time ko makakita ng gano'n,kahit pa nga na naisubo ko na 'yon.Ah!Bakit ko pa ba iniisip 'yon?
At dahil sa nangyari nagkasakit pa ako. Nilagnat ako ngayon,mabuti nalang talaga at tulog pa ang mga tao sa bahay kanina ng magising ako .Pero itong si ate Marj,parang may kakaiba sa tingin n'ya ngayon.Nandito kami sa laundry area at tinutulungan ko s'ya . Kahit pa nga pinagtutulakan niya akong magpahinga nalang.Katulad na lang ng nangyari sa garden kanina.Kakahawak ko lang ng walis ng dumating s'ya at pinagalitan ako. Pinahiga n'ya ulit ako at pinagpahinga. Pero hindi ako mapakali kaya bumangon na ako . Kung ano anu kasi pumapasok sa isip ko."Alam mo,kinatok kita kanina kasi maaga akong nagising. Pero wala namang sumasagot sa loob ng kwarto mo.Kaya pumasok ako,hindi naman kasi naka-lock ang pinto.Hindi kita nakita sa loob,at mukhang hindi ka natulog sa kama mo.Ang ayos ayos eh. Walang bakas na may humiga do'n!"
Nanliit pa ang mga mata nito at nakakunot ang noo.Kinabahan ako,kinalma ko muna ang sarili bago sumagot.
"Maaga din po kasi akong nagising.At naisipan kong magpahangin sa garden ."
"Pero wala ka naman sa garden kanina ah.Hinanap kaya kita,halos libutin ko pa ang bahay sa pag-aalala na baka ano ng nangyari sa'yo!"
Patay!
"Ah,nando'n na ako sa bodega kanina,may naiwan pa kasi akong trabaho do'n kaya binalikan ko na.Haha. Kaya siguro hindi mo'ko makita."
Pinilit ko na tumawa,nagtataka pa din n'ya akong tinitigan na parang hindi kumbensido sa sagot ko.
"Gano'n ba,sa susunod huwag mo ng papagurin masyado ang katawan mo.Masama na masobrahan sa pagod.Dahil kusang babagsak ang katawan natin kahit hindi man natin gusto. Pahinga din 'pag may time."
Nakangiting turan nito.Nakangiti din akong tumango.Ipinagpatuloy namin ang paglalaba,tumulong din ako sa pagsasampay. Medyo mabuti na ang pakiramdam ko ngayon.Nabigla lang siguro ang katawan ko sa sobrang dami ng ipinapagawa ni Hace.
Maramin din naman akong naging trabaho noon,pero nakakapagpahinga naman kahit kaunti.Pero dito,may mata s'ya .Marami ang cctv na nakakabit sa buong bahay.Kaya alam kong nakikita niya ang ginagawa ko.
Ayo'ko lang na may masabi s'ya sakin.Isa lang ang purpose ko sa kanya.'yon ay ang pagsilbihan s'ya.
Hindi umuwi si Hace ng dumating ang gabi. Kaninang umaga ,pinilit ko talaga na hindi magtagpo ang landas namin. Hindi ko alam kung anong mukha ang maihaharap ko sa kanya.Nakakahiya!Nahimatay lang naman ako,at ang sabi pa ni 'nay Lara kanina ng umalis ito ay mukhang bad mood. Ikaw ba naman mabitin,sino'ng hindi maba-bad mood. Masakit man isipin,pero handa na sana akong isuko ang katawan ko sa kanya kagabi. Pero kailangan ko pa rin s'yang makausap.
Kung magkano ang utang ni tatay,para alam ko kung hanggang kailan ako mananatili dito.At sana hindi naman pang-habang buhay na kailangan ko s'yang pagsilbihan.Gusto ko pa na makita ang mga kapatid ko.
Dahil maayos na ang pakiramdam ko,balik trabaho na naman ako.Kahit wala si Hace ,tumatawag naman ito kay 'nay Lara.Lahat ng sulok ng bahay ay nalinisan ko na 'ata at hindi ko napansin na gabi na pala.
Hindi nila ako tinawag kaninang tanghalian at malapit na ang lunch na kumain ako kanina.Hindi rin ako nakaramdam ng gutom.At as usual, wala na naman si Hace.Galit pa kaya s'ya?
BINABASA MO ANG
SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( PUBLISHED UNDER IMMAC )
RomansaPUBLISHED UNDER IMMAC ❤️ MONDEÑEGO SERIES #1 He is a heartless devil. A manipulative devil, and He can get what he wants. She is just an ordinary girl, living her life with her siblings. But one day, men in black came to their home. And that time...