Chapter 2: Lowkey

12.2K 346 74
                                        

Niks' POV

"Muntik ka ng ma-late, gagi." Wika ni Carol pagdating ko sa classroom namin. Ngumiti lang ako nang malapad. Worth it naman kung malate man ako.

We are all in the same classroom dahil pare-pareho kami ng strand na kinuha. Since high school ay magkakaibigan na kami. Lahat daw sila ay HUMSS ang kukunin kaya nakigaya nalang ako. Isa pa, marami raw magaganda sa HUMSS, yun pala, nasa college lang yung hinahanap ko.

Shet. Ang ganda niya talaga. Siguro hindi na dapat ako umasa lang kay tadhana na magkikita pa kami. Dapat gumawa rin ako ng paraan.

"Niks, are you high?" Mica asked in monotone. Our teacher is writing something on the board kaya kinakausap ako nitong si Mica.

"Maybe.. and she's my drugs." Nakangiting saad ko.

"Ew." Mica said turned her attention back on the board. Arte.

"What happened earlier? Babae nanaman 'yan, no?" Free asked suspiciously.

"Malamang 'yan. Mukhang babae 'yan e." Si Carol pa talaga ang sumagot.

"Kaysa sa'yo mahilig sa mga lalaking basketball player. Panay mga manloloko naman." Banat ko kay Carol.

"FYI, sila ang nagkakandarapa sa'kin. Is it my fault that I am part of the cheerleading squad kaya nakakasilay sila lagi sa ganda ko?" Mataray na wika ni Carol.

"Shh.. ang ingay n'yo." Bawal sa'min ni Free.

"Who you ka kapag nagkajowa ako." Pagsusungit ko rin kay Carol.

"Who you ka kapag nanligaw sa'kin ang captain ng basketball team." Wika niya pabalik. Nagsalubong ang kilay ko.

"Manloloko 'yon!" Sigaw ko sa kanya. Agad napalingon sa amin ang mga kaklase namin. Maging ang teacher namin ay napatigil sa pagsusulat.

"Miss Galvez! Ikaw nanaman?" Pinanlakihan ako nito ng mata. Patay. "Ipapatawag ko na ang magulang mo."

"Goodluck nalang d'yan, ma'am." Bulong ko.

Tatlong araw ang nakalipas. I was walking to the college library para doon matulog. Maingay kasi sa High School library tapos nandoon pa ang mga kaibigan kong kunwari nag-aaral.

Pagpasok ko sa library ay saktong paglabas ng ilang mga estudyante. Nagtatakbuhan pa ang mga ito. Sana sa field sila nagpractice ng track and field.

Nagtuloy lang ako ng pagpasok. Dumiretso ako sa dulo. Habang palapit ako ay may narinig ako sa likod ng dulong shelf. May umiiyak tapos pamilyar ulit yung iyak n'ya. Hinanap ko kung saan nanggagaling hanggang sa makita ko si Soul na nakaupo sa sahig at umiiyak.

"Soul," agad akong lumuhod sa harapan n'ya. Gusto ko s'yang hawakan pero baka magalit s'ya. "Soul, why are you crying? Again?" Concerned na tanong ko.

Nag-angat s'ya ng tingin. "It's you again?" Masungit pa na tanong n'ya. Kahit umiiyak na ang sungit parin talaga n'ya.

Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko. Buti nalang may dala ako ngayon. "And you're crying again." Inabot ko sa kanya ang panyo ko. Inirapan pa niya ako bago kunin.

Naupo ako sa tabi n'ya. Inaalala ko yung mga mukha ng nagsisitakbuhan kanina. Sila kaya yung may gawa sa kanya nito? Tanginang 'yan, college na pero nambubully parin.

Inabot n'ya pabalik sa'kin yung panyo matapos n'ya punusan ang luha n'ya. "Leave." Malamig na wika n'ya. Pagkatapos n'yang gamitin, ibabalik n'ya nalang basta-basta.

"Aba. Labhan mo muna bago ibalik sa'kin." Pagsusungit ko kunwari. Palusot ko lang 'yon. Gusto ko lang magkaroon ng reason para magkita ulit kami.

"Fine. You can leave now." Malamig na tugon n'ya.

𝐋𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐝𝐨𝐱 [TSS #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon