Niks' POV
Ang tahimik, kubyertos lang ang maririnig sa pagitan naming dalawa. Gusto ko sanang dumaldal pero 'di ko alam ang sasabihin. Since we started eating, my heartbeat is just racing. Parang ngayon lang ako nawalan ng kwento.
Yung inorder n'ya, parang 4 course meal sa fine dining restaurant. Nasa appetizer palang kami pero biglang busog na 'ko. Para magpapansin, I started eating with sound.
"Tsap tsap tsap.." nakayuko pa ako para itago ang ngiti. Agad s'yang huminto, nag-angat ako ng tingin and she's raising her brow at me. "Tsap tsap tsap.."
"Stop." She firmly uttered. I'm biting my inner cheek to stop myself from smiling. Nakikipagtitigan s'ya sa'kin, her forehead crunched. "You eat like a kid." Binato n'ya sa'kin ang tissue.
"Hindi 'yan ang sabi nila." Bulong ko habang pinupunasan ang gilid ng labi ko. Parang wala namang dumi e, palusot lang yata n'ya para matitigan ako.
"What?" Confused na tanong n'ya. Ang cute, nakakunot ang noo.
"Wala ho." Sabi ko nalang.
"Stop addressing me with ho and po. I'm not that old." She said then continue eating.
"Soul," tawag ko sa pangalan n'ya.
"Did I ask you to call me on my first name?" She banters. Napakagat nalang ako sa labi ko.
"No, ma'am." Magalang na sagot ko.
"Good." She said. Hindi ko na ulit s'ya inistorbo sa pagkain hanggang sa natapos nalang kaming kumain.
Ang tahimik n'ya kumain. Sanay yata s'yang gano'n. Ako kasi kapag kay kasama, kahit kumakain na gusto ko maingay parin. Hindi uso sa'kin yung galit galit muna kapag kumakain.
"Hindi ka pa uuwi, ma'am?" Tanong ko habang nililigpit ang table ko dahil tapos na kaming kumain.
"Later." Tipid na sagot n'ya lang. Ang tipid parin, matapos ng pinagsaluhan naming pagkain?
"May hinihintay ka?" Tanong ko ulit. 9:30 na. Ganito ba ang usual n'yang uwi?
"Why do you care?" Masungit na tanong n'ya. She's sitting on her swivel chair. Sumandal ako sa lamesa ko saka humalukipkip.
Sa tuwing nagsusungit s'ya, nakakalimutan ko yung past. Tanging present lang inaalala ko, how she treats me, na hindi naman espesyal pero iba epekto sa'kin.
From being close friends 3 years ago, to being like this. Employer and employee. Siguro it's time to forget what happened. Hindi na 'yon babalik. Ang mahalaga civil kami. Makuntento na ako sa kung anong mayro'n kami ngayon. I also need to keep in mind na hindi na dapat hihigit dito.
"Ouch." Daing ko nang tumama sa'kin ang box ng tissue.
"You're staring too much." Reklamo n'ya. She rolled her eyes and stare at her cellphone again.
"Sino katext mo, ma'am?" Interesadong tanong ko. Kanina pa 'yan e. Wala naman siguro s'yang boyfriend na ina-update, 'no? Pero kung mayro'n man, ano namang pake ko?
"So nosy." She remarked while shaking her head. "Why are you still here anyway? Do you want an overtime pay?" Masungit na tanong n'ya.
"If the overtime pay is being able to spend some time with you-why not, ma'am?" I replied in flirty tone. I just caught her attention, she placed her phone on the table and I got the chance to take a glance. "Candy Crush?" Hindi ko na napigilang matawa.
Napapapikit pa ako sa sobrang pagtawa. I was taken a back when I opened my eyes, she's now standing infront of me. Crossed arms, death glare.
"You're done?" She sarcastically asked.
BINABASA MO ANG
𝐋𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐝𝐨𝐱 [TSS #3]
RomanceZyra Nixen Galvez - From her childhood, she was deprived of freedom and happiness as she is an illegitimate child of the Mayor that soon became the Governor. She believed that no one will love her, until she met this girl named Soul. She easily fall...
![𝐋𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐝𝐨𝐱 [TSS #3]](https://img.wattpad.com/cover/325435578-64-k406879.jpg)