Chapter 23: Sorry

6.4K 278 52
                                    

Niks' POV

Dalawang linggo akong pabalik-balik sa bahay, at sa building ni Soul. I also tried to go back to their mansion multiple times. All that just to talk to Soul. But none.. Ni anino n'ya ay hindi ko nakita.

Ngayon, nandito ulit ako sa building nila.

"Nixen, hindi ka talaga napapagod 'no?" Tanong ni River. Nakadungaw ulit ako sa counter, nagbabakasakali na pumasok na si Soul sa opisina n'ya.

"Pumasok ba?" Tanong ko agad.

"Wala, Nixen. Parang wala ng balak pumasok e." Dismayadong wika n'ya.

"E sinong naghahandle nitong kumpanya kung hindi s'ya pumapasok?"

"Yung father n'ya-'wag ka ng magbalak kausapin. Ilap din sa tao 'yon unless tungkol sa negosyo ang pag-uusapan."

"Wala ka ba talagang balita kung nasaan s'ya ngayon?"

"Wala e.."

Napabuntong hininga ako.

Dalawang linggo. Paulit-ulit nalang ako. Kung pwede lang ireport ko na sa pulis na nawawala s'ya para lang may makatulong ako sa paghahanap pero hindi e. Hindi s'ya nawawala, nagtatago s'ya.

"Sige, salamat-Sera!" Tawag ko sa kapatid n'ya. Saktong papasok ito ng elevator. Shock immediately registered on her face.

"A-ate Nixen." Kabadong wika n'ya. Alam kong alam n'ya kung bakit ako nandito.

"Where's Soul?" Tanong ko agad.

"Hindi ba kayo nagkausap?" Tanong n'ya naman. Nagtiim bagang ako. I know what she's doing.

"Where is she? I just wanna talk to her.." I whispered the last words.

"She's probably just busy-"

"Please.." I pleaded. "Please, Sera.. Pakisabi kahit limang minuto lang.." I begged.

"She-" naputol s'ya when someone intrude. It's a man wearing a tuxedo. Very formal and intimidating.

"What's happening here, Sera?" His voice was firm. Nakita ko agad ang resemblance nila ni Soul.

"Dad.." wika ni Sera saka sumulyap sa'kin.

I turned to Soul's father. "Sir, good afternoon. I'm Nix-"

"I don't care. Labas." Malamig ang tonong wika n'ya.

"Sir-" I was cut off again.

"Out! Call the guards please. 'Wag n'yo ng papasukin ang babaeng 'to ha?"

"Ano ba! Don't fucking touch me!" Sigaw ko habang kinakaladkad ako ng dalawang security guard palabas ng building.

I saw Sera's apologetic eyes. Nagtiim bagang lang ulit ako. Fuck it.

"NIKS! Open the door!"

Nakatingin ako sa screen ng laptop where my grades are flashed. Although mataas parin pero mas mababa ito kumpara noong nakaraang semester.

Bakasyon na. At anong ginagawa ko? Ito, nagkukulong sa condo. Ilang araw na akong hindi lumalabas, hindi nagrereply sa mga message ng kaibigan, at hindi rin sumasagot sa mga tawag nila.

Wala na akong gana. I feel drained all over kahit wala naman akong ginagawa.

"Niks, please open the door. Ano bang nangyayari?"

"We're worried! We just wanna check if you're alright, okay? Hindi ka namin pipiliting lumabas."

I smell myself. I stink. Ilang araw na yata akong hindi naliligo. Nilibot ko ang tingin sa kabuoan ng condo unit ko. It's a mess. Hindi ko na rin maalala kung kailan ako huling beses kumain. I feel dehydrated. My lips are dry, also my hair.

𝐋𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐝𝐨𝐱 [TSS #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon