Niks' POV
"Niks?!" Saji exclaimed as I remove my shades while leaning against my new car. She runs towards my direction and hugged me tightly. "Ang pogi mo!"
"Small things," mayabang na anas ko. Niyakap ko rin s'ya pabalik. Nandito ako sa harap ng boutique na pagmamay-ari ng pamilya n'ya. Her mommy Lisa is a designer while her mommy Jennie is a model, that's why inclined sila into fashion.
"Is this your new car?" Tanong n'ya habang pinagmamasdan ang bagong kotse ko.
"Yeah, naisip kong maikli lang ang buhay kaya ginastos ko na yung pera." Sagot ko habang nagkakamot ng ulo.
"That's okay, sa'yo naman 'yon e." Sabi niya naman nang nakangiti. "Ang pogi rin ng car mo, like you." Lumalaki talaga ulo ko kapag si Saji kasama ko e. Panay ang compliment.
"Sama ka? Tinitest drive ko." Aya ko sa kanya. Pick up 'tong pinili ko dahil pwede ako makapag-camping. Matagal ko ng balak e.
"Sure!" She joyfully said.
Pinagbuksan ko s'ya ng pinto at inalalayan paakyat. Pumunta rin ako sa driver's seat. Hinintay ko muna s'yang maisuot ang seatbelt n'ya bago ko pinatakbo ang sasakyan.
"You don't work at Nightlife na?" Tanong n'ya habang kumportableng nakaupo sa passenger seat.
"Hindi na," sagot ko habang minamaniobra ang manibela. Nagdrive ako papunta ng mall. "Nood tayong sine?" Aya ko kay Saji.
"Yeah, anywhere." Sagot n'ya naman. Kaya ang saya kasama nito e, kahit saan hindi s'ya tumatanggi. "I have a question, Niks." Seryosong sabi niya kaya sumulyap ako sandali sa direksyon n'ya.
"Hmm?" I asked.
"Do you like Soul?" Seryosong tanong n'ya. Sakto namang nakarating kami sa mall, nagpark muna ako bago humarap sa kanya.
"No, I don't like her." I said in firm tone. Malalim na yung salitang like para idescribe nararamdaman ko kay Soul. "Why did you ask?" Ako naman ang nagtanong sa kanya.
"Just tell me when you already have a girlfriend or when you're pursuing someone so I can distance myself." She said, no trace of jokes in her face. Sobrang seryoso..
"Bakit naman? You're my bestfriend." Naguguluhang tanong ko.
"Ayokong maging hindrance sa happiness mo." She said then looked away.
I chuckled softly.
"Never ka magiging hindrance." Saad ko saka ginulo ang buhok n'ya. "Baba na tayo," nauna akong bumaba para pagbuksan s'ya ng pinto.
Nakaakbay ako sa kanya habang naglalakad kami papasok nang mall. We're laughing about random things when I saw someone walking towards our direction.
Napahinto pa ako when I saw her wearing a beige sunday dress, her hair is dancing with the way she walks. Then she looks at me, my heart thuds. Habang palapit s'ya ay pabilis din nang pabilis ang tibok ng puso ko.
She looked at me, just for a split second. Sinundan ko nalang s'ya ng tingin nang makalagpas na s'ya sa amin ni Saji.
"Is that Soul?" Saji asked, that's when I realized that I'm too stunned to see her. "Nixen, you're inlove!" Saji exclaimed then laugh.
"I'm not!" Parang batang maktol ko. I breathed in to erase all my thoughts about her. Para naman akong high schooler na nasulyapan yung crush n'ya. Wala ito sa bokabularyo ko, 'di 'to pwede. "Tara na nga!" Tinawanan niya lang ang reaksyon ko.
Pauwi na kami ni Saji. Ihahatid ko lang ulit s'ya sa boutique. I invited her to join our nightout na sinet ni Lara and she said yes.
"Hello, tita!" Kumaway pa ako sa mommy Lisa n'ya bago nagmaneho paalis.
BINABASA MO ANG
𝐋𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐝𝐨𝐱 [TSS #3]
عاطفيةZyra Nixen Galvez - From her childhood, she was deprived of freedom and happiness as she is an illegitimate child of the Mayor that soon became the Governor. She believed that no one will love her, until she met this girl named Soul. She easily fall...