Niks' POV
"Sino sa tingin n'yo unang ikakasal sa'ting apat?" tanong ko habang nakaupo kaming apat sa carpet.
Nandito kami ngayon sa bahay nila Free para mag-sleepover. Hindi naman kasi every night yung trabaho ko sa bar, MWF lang ang sched ko.
"Si Carol siguro," sagot ni Free. Sabay-sabay kaming lumingon kay Carol, busy itong magpipindot sa cellphone n'ya.
"Ano?" tanong n'ya sa'min, halatang hindi nakikinig.
"Tama nga," I remarked after Carol's reaction. Malamang ay si Matt nanaman ang kausap nyan.
"May sakit kasi si Matt, OA n'yo ha," she said then put down her phone.
Nahiga nalang ako sa carpet, ginawa kong unan ang hita ni Free. Napapikit ako nang suklay-suklayin n'ya ang buhok ko using her fingers.
"Nasaan kaya si Saji?" tanong ko nang maalala si Saji. Nung nawala yung kambal nawalan na rin kami ng communication. Pero hindi n'ya nakakalimutang magpadala ng regalo tuwing birthday ko.
"'Di ba, kayong dalawa ang close, bakit 'di mo alam?" ani Carol, kibit balikat lang ang naging sagot ko sa kanya.
"Do you miss her?" mapang-asar na tanong ni Free, nakatingala ako sa kanya.
"Yeah, pero walang something sa'min kung 'yan ang iniisip n'yo," inunahan ko na sila.
But we made a promise with each other, na kapag 26 na ako and we're still single, magpapakasal kaming dalawa. Yun ay kung buhay pa ako non.
"I remember, Soul, right? Yung iniyakan mo-" pinutol ko na agad ang sasabihin ni Carol.
"Oo na, iniyakan ko, paulit-ulit?" nagsusungit na anas ko. Sa tuwing mababanggit kasi ang pangalan n'ya ay kadikit na nito yung iniyakan ko raw. Hindi ko naman maideny dahil totoo naman.
"May picture ka ba niya? Patingin, baka nakasalubong ko na pala s'ya somewhere e.." Carol said habang nakalahad ang palad sa'kin, hinihingi ang phone ko.
"Wala akong picture n'ya," I lied. May picture kami sa cellphone ko, from 4 years ago na hindi ko parin binubura hanggang ngayon.
"Let's sleep na," aya ni Mica, humihikab pa. Sa wakas nagsalita rin, akala ko naubusan na 'to ng boses e. Masyado kasi s'yang busy sa rubik's cube ni Free.
Naglatag kami ng sapin sa sahig. Free and Carol will be sleeping on Free's bed, tabi naman kami ni Mica sa sahig, may cushion naman kaya hindi masakit sa likod.
"Gising ka pa?" tanong ko sa katabi.
"Yeah," she respond.
"Bakit? Something bothering you?"
"I'm thinking about my savings," she paused. Sana all ganyan lang ang pinoproblema, "If I should invest it or just make my own business."
"Magtayo ka nalang ng business, magtinda ka ng tubo," advice ko.
"Tubo? Pipe?" naguguluhang tanong n'ya.
"Yeah, para kahit malugi ka, may tubo ka parin." wika ko saka tumawa nang mahina.
I just heard Mica hissed saka humarap sa side n'ya, patalikod sa'kin. Ang havey kaya. Isipin ko nalang masyadong nakakatawa kaya na-speechless nalang si Mica.
"THAT'S all for today, class dismissed." sabi ng panot naming propesor.
"Niks, bukas ha? Para sa project," paalala ni Paige, kagrupo ko sa bagong group project nanaman.
"What time?" tanong ko habang nililigpit ang mga gamit ko.
"Maaga," she said then left with her friends.
BINABASA MO ANG
𝐋𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐝𝐨𝐱 [TSS #3]
Roman d'amourZyra Nixen Galvez - From her childhood, she was deprived of freedom and happiness as she is an illegitimate child of the Mayor that soon became the Governor. She believed that no one will love her, until she met this girl named Soul. She easily fall...
![𝐋𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐝𝐨𝐱 [TSS #3]](https://img.wattpad.com/cover/325435578-64-k406879.jpg)