Chapter 20: Nixen

6.8K 272 9
                                    

[A/N: This chapter contains explicit scene that are not suitable for young readers. Read at your own risk.]

°°°

Niks' POV

"It's you.." I said softly, just enough for her to hear. "You're the girl that I like." I gulped hard. "Ikaw ang gusto ko, Soul.."

Binalot kami ng nakakabinging katahimikan. Nakatalikod parin s'ya. I can't see her face, her reaction to what I said.

Narinig n'ya naman hindi ba? That's why she stopped. Hindi s'ya tuluyang lumabas ng condo unit ko pero nakahawak parin sa doorknob ang kamay n'ya.

"N-narinig mo ba?" Tanong ko habang nakatalikod parin s'ya. There's a lump in my throat. Habang tumatagal ay mas nananakit ang lalamunan ko. May mga nagbabadyang luha na rin, bagay na hindi ko inaasahan.

What I said is not a question, pero masakit pala kapag walang sagot.

"Nevermind.." my voice almost cracks. I cleared my throat before speaking again. "Mag-iingat ka sa pagmamaneho-" I was stopped nang humarap s'ya.

Nakakunot pa ang noo n'ya. Hindi ba s'ya naniniwala?

"Can you say that again?" She requested, pero mahihimigan parin ang pagiging seryoso sa tono n'ya.

"Narinig mo naman e.." nahihiyang wika ko. Napayuko na ako. Matalim ang mga titig n'ya at hindi ko kayang salubungin 'yon.

Ano ba? Ganito ba talaga? It's my first time confessing to someone and I don't know if what I'm feeling is normal! Mabilis parin ang kabog ng dibdib ko at halos nanginginig na ang kamay ko. Idagdag pang ganito ang reaksyon n'ya. Gusto ko ng maiyak..

"I want you to say it.. while looking at me." Naglakad s'ya nang marahan. My eyes are still down, sa paanan niya ako nakatingin. She's now standing infront of me, kaya tumama ang mata ko sa mukha n'ya. "Say it, again. Now that I can hear you better.." her soft voice eases all my worries.

I looked at her intently. Lumunok pa ako ng ilang beses. Mabilis na rin ang paghinga ko na para akong tumakbo ng ilang kilometro.

"Hindi ko na kayang ulitin.." Wala na akong lakas ng loob. Alam kong narinig n'ya pero gusto n'ya lang ulitin ko. Alam kong naintindihan n'ya pero gusto n'ya lang marinig ulit.

"Just one more time. Please.." nagsusumamo ang boses n'ya.

"I.. I can't.." I said apologetically. Her eyes displayed sadness.

"Fine, then.." she said lowly. She slowly turned her back. Namilog ang mata ko. Aalis s'ya? Iiwan n'ya ako after what I just said?!

"Oo na! Gusto nga kasi kita! Gusto kita, Soul! Gustong gusto.." I said out of frustration, annoyance, at iba pang pakiramdam na sabay-sabay kong nararamdaman ngayon. Muli s'yang humarap sa'kin, ngayon ay may ngiti na sa labi. "Para ka namang gagi, e! Nagconfess tapos tatalikuran mo lang?!" Frustrated na wika ko ulit.

Her smile grew bigger. Sandali akong namangha. Ang ganda niya talaga, lalo kapag ngumingiti.

I furrowed my brow. Nawawalan na ako ng angas dito e.

"Ano? Wala kang sasabihin? Ganyan nalang, ngingiti ka? Magsalita ka naman. Aba!" Para akong nanay na nanenermon ngayon. Bakit kasi ayaw manlang niyang magsalita?! Mas lalo lang siyang napangiti, iyong parang pilit na pinipigilan pero hindi kaya. "Oo na, maganda ka kapag nakangiti, alam ko na 'yon. Pero wala ka talagang sasabi-"

She cut me off by giving me a quick kiss on the lips. She even tiptoed to do that. Nagulat ako, oo, at nang akmang lalayo s'ya ay hinapit ko s'ya sa bewang para halikan din.

𝐋𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐝𝐨𝐱 [TSS #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon