Chapter 4: Hanger

8.3K 329 48
                                        

Niks' POV

"Bago ka lang, 'no?" tanong ng isang babae. Payat, petite, at singkit ang mata.

"Yeah," sagot ko. Nakatingin ako sa salamin habang inaayos ang uniform ko.

"Siri," pakilala n'ya.

"Hey, Siri," I said then giggled.

"Huh?" baling n'ya sa'kin. Hindi n'ya gets.

"Wala," sabi ko nalang saka umiling. Nagkibit balikat naman s'ya.

"Tara na.."

"Nixen," pakilala ko.

"Tara na, Nixen. May customer na yata."

Since madalas din naman akong magbar, I tried to apply a job here. Gladly, natanggap naman ako. Nakakapag-bar na ako, sumesweldo pa, a win-win.

Unang dumating ay grupo ng mga lalake. Si Siri ang nagserve sa kanya, panoorin ko raw ang ginagawa n'ya para hindi raw ako malito kapag ako naman ang magseserve.

Habang palalim nang palalim ang gabi, parami rin nang parami ang tao.

"Niks, ikaw nga magserve nito, yung babaeng mag-isa sa corner." pakiusap ng isang workmate ko. Tinanggap ko naman.

One bottle of tequila tapos mag-isa lang ang iinom? Ayos ah, baka may pinagdadaanan.

"Here's your order, ma'am—" natigil ako nang mag-angat ito ng tingin sa'kin. "S-soul?" nauutal pang tanong ko.

She just stared at me like I'm an object infront of her then pulled her gaze away. She opened the bottle of alcohol and drank it straight from the bottle. Shit.

"Sandali," sinubukan kong agawin sa kanya ang bote pero tinitigan n'ya lang ako nang masama kaya binitawan ko na. "Why are you here—alone? And why are you—shit.." nas-stress na ako dahil para lang akong hangin sa harapan n'ya.

"Miss! Pa-order kami," tawag ng isang lalaki. Sumulyap ako kay Soul, she's still drinking hardly.

"Stay there, babalik ako," bilin ko kay Soul saka pinuntahan ang table ng lalaking oorder daw.

I'm waiting for the drink and foods to serve. Parang akong may sili sa pwet na hindi mapakali. Nakatanaw ako sa pwesto ni Soul, mabuti nalang at nandoon lang s'ya, tahimik na umiinom.

"Ayos ka lang?" tanong ni Sira nang mapansing hindi ako mapakali.

"Yeah," sagot ko pero ang tingin ay nakay Soul parin.

"Kilala mo 'yon?" she asked while looking at the same direction I'm looking at. Hindi ako sumagot. "Bading ka, 'no?" nabaling muli ang atensyon ko kay Siri. "Okay lang, hindi ako homophobic."

"I'm a lesbian." I confessed. Hindi ko rin naman maidedeny. Naka-wolf cut nga ako e, gupit daw 'to ng mga bading.

"Cool!" she exclaimed like she's really excited about the idea. "Ngayon lang ako magkakaroon ng friend na lesbian."

"Ikaw, straight ka?" tanong ko.

Binalik ko ang tingin sa table ni Soul. I immediately panicked. Wala ng tao sa table n'ya.

"Hmm, ewan—hoy, saan ka pupunta?" tanong n'ya nang nagmamadali akong umalis sa pwesto namin.

"Mabilis lang, ikaw muna magserve no'n ha?" wika ko saka hinanap ng tingin si Soul. Fuck. Saglit ko lang tinanggal ang tingin ko sa kanya tapos nawala agad s'ya? Hanep!

Hinalughog ko ang buong bar para lang hanapin s'ya pero wala, even the comfort rooms ay chineck ko but she's not there.

Sunod akong pumunta sa labas ng bar, particularly on parking lot. Nagmadali ako nang makita s'yang pasuray-suray maglakad, bitbit ang shoulderbag niya. She's struggling to open it.

𝐋𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐝𝐨𝐱 [TSS #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon