Chapter 1: Girl in Black

16.7K 417 59
                                        

Niks' POV

"Mauna na kayo. I'll just use the comfort room." I said to my friends.

Nauna silang maglakad sa hallway papunta ng classroom namin.

Pagpasok ko sa comfort room ay nakarinig ako ng mahihinang hikbi. Shit. Baka may multo? Pero matagal na akong gumagamit ng CR na 'to at wala pa namang nagpapakita sa'kin.

Tiningnan ko ang mga cubicle. Isa lang yung nakasara. Kinatok ko 'yon.

"Tao?  Hello? Are you okay there, Miss?"  Tanong ko sa kung sinong nasa loob.

"L-leave me alone! A-ayoko na, please. Tigilan n'yo na ako!" Sigaw ng babae mula sa loob ng cubicle. Umiiyak nga talaga ito.

"Uh, Miss.. I won't hurt you, okay? May nanakit ba sa'yo? Pwede mong ireport 'yon sa guidance. Gusto mong samahan kita?" Alok ko rito. Actually, I can look at her if I jump a little dahil mababa lang naman ang cubicle but I don't wanna do that.

"I don't need your help! Just leave me alone!" Umiiyak na sigaw parin nito.

Aba, ang sungit. Ako na nga yung nagmamagandang loob. Hays. Umihi muna ako dahil naiihi na rin talaga ako. Paglabas ko ng cubicle ay nakasara parin yung cubicle n'ya.

"Miss, whoever you are, just come out there. Sasamahan nalang kita sa kung saan ka pupunta so they can't bully you."  Alok ko ulit. Hindi ko kayang iwan nalang s'ya rito nang walang ginagawa.

"You're annoying! I said I don't need you so get fucking lost!" Aba. Did she just cursed me? Hays. Buhay nga naman.

"Hindi ako aalis hanggang hindi ka lumalabas d'yan." Pananakot ko.

"I don't even know you so why would I care?" Pagsusungit n'ya. Diyos ko po. Anong pag-uugali 'yan? Pero tama naman s'ya, hindi naman kami magkakilala pero nakakakonsensya kasi kung bjgla nalang akong umalis.

"Kapag hindi ako umalis, malilate ako sa klase ko, kapag nalate ako, babagsak ako. Kapag bumagsak ako, hindi ako makakahanap ng magandang trabaho, kapag wala akong magandang trabaho, maghihirap ako, magugutom ako, magkakasakit ako. Maoospital ako pero wala akong pambayad kaya mamamatay ako. So kapag hindi ka lumabas d'yan, it's your fault if I die." Ginamitan ko na s'ya ng ultra-mega pangongonsensya.

"The fuck is that?" She cursed again. Akala ko wala na s'yang balak lumabas pero maya-maya ay bumukas na ang cubicle.

Iniluwa nito ang isang magandang babae. Morena, ang ganda ng mata, bilugan tapos makapal ang kilay at makurba ang pilikmata. Matangos din ang ilong, tapos yung labi, kasing-labi ni Angelina Jolie!

"Excuse me." She said in a cold tone. Naka-braces pala s'ya. "Really annoying!" She exclaimed saka tinulak ako para makadaan s'ya. Humarap s'ya sa sink ng comfort room at naghilamos.

May dala s'yang salamin sa mata pero basag 'yon. Tapos yung uniform n'ya ay marumi. She's a college student based on her uniform. Ako kasi ay nakacivillian lang ngayon.

"You can go now bago pa ako maging rason ng pagkamatay mo." Sarcasm was evident on her voice. Napangiti nalang ako.

"What's your name?" Tumabi ako sa kanya sa sink. Umurong naman s'ya sa kabilang side para makalayo sa'kin. "I don't bite." biro ko.

𝐋𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐝𝐨𝐱 [TSS #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon