Chapter 14: Script

7.6K 284 23
                                        

Niks' POV

"Nasa'n na si Diane?" Stressed na tanong ni Blake.

"Hindi nagrereply e." Sagot ni Joana.

"S'ya yung isa sa lead role dito e. Hindi tayo makakapagsimula kung wala s'ya." Inis na usal ni Blake. Pabalik-balik ito sa paglalakad na animoy hindi na alam ang gagawin.

"Blake, kumalma ka." Awat ko sa kanya dahil nakakahilo s'yang panoorin. Nakasandal ako sa poste, nasa labas kami ng school. Naghihintayan kami bago pumunta sa location kung saan kami magsho-shoot.

"Nakakainis kasi!" She exclaimed in annoyance. "I want this project to be perfect. I heard there's a short film competition for MMA's, gusto kong gawing entry 'tong sa'tin. Malaki magiging hatak nito sa grades natin kung manalo.."

Mukhang seryoso talaga itong sa Blake sa project na 'to. Well, hindi naman sa hindi ko 'to siniseryoso, it's just that hindi ako yung leader kaya hinahayaan kong s'ya ang magdecide sa mga bagay-bagay.

Umayos ako ng tayo. "Ako na papalit kay Diane." Sabi ko. Agad napalingon si Blake sa akin. I smiled at her. Naaawa ako sa pagiging stress niya e. Isa pa, ayoko sa mga taong hindi kayang irespect yung oras ng iba.

"Thanks, Nixen!" Masiglang wika nito. Tumango lang ako. Nagpunta na kami sa place kung saan magsho-shoot.

Our day went on.

"Let's call it a day, guys." Blake said.

"Nixen, pwede ikaw nalang magsakay sa mga girls? May lakad pa kasi kami e."

"Sure, no prob." Tipid na sagot ko.

Nakasakay ngayon si Joana at Blake sa kotse ko. Blake is on the passenger seat, habang nasa likod naman si Joana.

"Saan kayo?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Sa tapat nalang ng school, papasundo nalang ako." Joana said.

"Hindi na, hahatid ko na kayo." I insisted.

"Sa harap nalang ng school, Nixen." Blake said.

"Okay." Nagkibit balikat ako. Hinatid ko sila sa harap ng school pero hindi rin ako umalis hanggang dumating ang mga sundo nila.

Kinabukasan ay nagpunta kami sa mall. Ako, si Mica, at Carol. Panonoorin namin ang mallshow ng cast na kinabibilangan ni Free. It's her first mallshow kaya dapat present kami para sumuporta.

"Carol, dito ka." Wika ko kay Carol at hinila s'ya sa right side ko. Sa left side ko kasi ay may isang-I don't know if she's a girl or boy-na medyo suspicious ang porma. Nakasuot ito ng black jacket, may cap at facemask na tumatakip sa mukha.

Nagsimula na ang performance ng mga artista. We're just enjoying the joy, hanggang sa nagperform na rin si Free.

"Go Free! Baka kaibigan ko 'yan!" Todo sigaw ako. The whole venue is really loud, lalo na noong ang mga main role ang nagpeperform. Kaunti lang nagchicheer kay Free kaya nag-iingay ako. Pasimula palang naman siya sa showbiz industry e, dadami pa 'yan. "Ang ganda mo, Free! Anakan mo 'ko!" Sigaw ko ulit.

Dahil sa sigaw ko ay marami akong naagaw na atensyon including Free's kaya kumaway at ngumiti ito sa direksyon namin. Kinawayan din namin s'ya pabalik.

"Niks, mukha kang gago magcheer." Kumento ni Carol sa tabi ko. Nakatakip pa ito sa tenga, mukhang naiingayan sa'kin.

"Anong gusto mo sabihin ko?" Kontra ko naman. Tapos na ang performance ni Free. Nagpalakpakan naman ang lahat.

Napalingon ako sa left side ko. Umalis na yung nakasuot ng jacket kanina. Mabuti naman. Hindi ako kumportable sa presensya niya e.

𝐋𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐝𝐨𝐱 [TSS #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon