Special Chapter 1

12.7K 407 152
                                    

Niks' POV

Katatapos ko lang sa trabaho at excited akong umuwi dahil miss ko na mga anak ko, at syempre ang misis ko.

Kumakanta-kanta pa ako habang nasa byahe. Ay nang sa wakas ay nakarating na ako. Our security guard opened the gate for me. Dumiretso akong i-park ang kotse ko sa garage namin.

Nagmamadali rin akong lumabas ng kotse ko pero napatigil ako nang makita ang nangyari sa isa kong kotse na naiwan dito sa garahe.

Mangiyak-ngiyak akong nilapitan ang Porsche 911 ko. Napaluhod pa ako habang hinahawakan ang hood nito na may drawing na dalawang bundok at may araw sa gitna.

"Tanginang buhay." Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko naman ang drawing sa windshield na rainbow at may ulap ulap pa.

Napahilamos nalang ako gamit ang sariling palad.

"Mama, surprise!" Rinig kong sigaw sa matinis na boses.

Napatingin ako sa gilid ng kotse kung saan may dalawang tyanak ang sumulpot. The two carrot is holding a coloring pen, their faces also have coloring pen on them, and both are wearing their proud smile.

"Mama, is our drawing good?" Tanong ni Azaria habang nakatayo malapit sa kotse.

"Mama! It's good, right?!" Sabi naman ni Aziel sa tabi niya.

Ngumiti ako nang pilit. "Oo naman, sobrang ganda!" Sagot ko sa excited na boses. Sabay nagliwanag ang mukha nila. Wala e, mga anak ko 'to. "But next time if you want to practice, gamitin n'yo nalang yung sketchbook n'yo, okay?" Kalmadong sabi ko.

"Mama, we ran out of sketchbook na." Malungkot na ani Azaria. Kaya yung kotse ko nalang pinagdiskitahan? Anak ng tokwa 'tong mga 'to.

"We're been telling you that, ma. But you don't buy use new sketchbook!" Sigaw naman ni Aziel.

"Did I raise my voice, hmm?" Naglakad ako palapit sa kanila at nag-squat.

"No," umiling si Aziel. "Sorry," she said in a low voice. I smiled proudly. I think I'm doing good as a parent, me and Soul are doing good.

"Nasa'n ang ate niyo at si Xari?" Tanong ko sa mga ito.

"Nasa room. Ate is doing something for Xari because we have a surprise!" Masiglang sabi ni Aziel.

"You're not supposed to say that, Aziel. Because it's a surprise!" Bwelta ni Azaria kay Aziel.

"'Wag na kayong magtalo. Show me the surprise upstairs. Let's go." Hinawakan ko ang tig-iisang kamay nila para makaakyat na kami. Imbes na hindi sila magkaaway ay baka mauwi pa sa sagutan.

Zyler Aziel and Xyler Azaria are twins. Akalain mo 'yon may kambal na ako. Itong dalawa pinaka-hyper sa kanilang magkakapatid e. Kahit madalas mag-away e hindi mo 'yan mapaghihiwalay.

"Mama, where's mommy?" Tanong ni Aziel habang naglalakad kami papasok ng bahay.

"Pauwi na rin 'yon. Miss ko na nga mommy n'yo e." Sagot ko sa anak ko.

Sabi ko kasing daanan ko na s'ya pauwi pero huwag na raw. Mas mabuti daw kung mauuna akong dumating para mabantayan ang mga bata. Guess she's right. Kung hindi ako dumating nang maaga baka naging coloring book yung kotse ko.

"Niks," tawag sa'kin ng isang kasamabahay.

"Bakit, ate?" Tanong ko. Huminto kami para kausapin ko ang dalawang kasambahay. Biglang bumitaw ang kambal sa kamay ko saka nagtatakbo paakyat ng second floor.

Ang dalawang kasambahay na ito ay yaya ng mga bata. Ang gawain lang nila ay bantayan sila dahil may iba pang kasambahay na naka-assign naman sa household chores.

𝐋𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐝𝐨𝐱 [TSS #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon