Chapter 24: Phone Call

5.8K 239 65
                                    

Niks' POV

"Ano, Niks, mag-aasawa ka pa ba? Kung hindi, pagagawan ka na namin ng kwarto dito sa bahay." Wika ni Sky habang nakatingin sa blueprint ng ipapatayo n'yang bahay.

Pagkatapos daw nitong bahay nila ay magpapakasal na sila. Well, they are already engaged, last year pa. Si Free din naman engaged na pero wala pa yata 'yong plano.

"Ayoko makibahay sainyo, baka 'di ako makatulog sa ingay gabi-gabi." Wika ko saka tumawa.

"Hindi 'yan, maglalagay nalang ako unan sa pagitan ng headboard at pader." Sagot ni Sky saka tumawa. Nag-apir pa kami. Napakagago ni Sky, kaya nagkakasundo kami e.

"Khey, anong plano n'yo ni Miss Harm?" Tanong ko kay Khey.

"Wala pa. Gagraduate muna ako. Tsaka, sasampa pa ako ng barko." Ngisi nito. Sabagay. Fourth year na sila ni Sky, konti nalang ay gagraduate na rin.

Ako nga, mahigit isang taon ng graduate pero wala paring plano. Paano ako makakapagsettle kung ang dami ko pang unfinished business sa past ko? Buhay nga naman parang life.

"Bahala ka, baka may ibang magpropose ka Miss Harm." Kunyari'y pananakot ni Sky kay Khey.

Khey just smirked. "Kahit isang libo pa magpropose do'n, ako lang pakakasalan non." Confident na wika nito.

"You trust Miss Harm so much, huh?" I said while crossing my arm, leaning my back against the chair.

Biglang dumating si Mica na may dalang snacks. Nandito kami sa bahay nila ngayon e. Hinihintay namin yung iba. They will bring Saji here para makapag-usap kami.

"Never n'ya naman kasing nasira yung trust ko." Sagot ni Khey.

I nodded. I'm really happy to see my friends happy with their partners. Nakaka-proud sila. Free to Avi. Miss Harm at Khey. Carol to Sky.

"Kayo rin, Sky, may trust din kayo lagi 'no?" Natatawang tanong ko habang nakatingin kay Sky na tumatawa rin ngayon.

"Tsk," Si Mica 'yon.

"Mica, pakasal na kayo tayo, 'no?" Tanong ko kay Mica.

"Bakit hindi si Saji pakasalan mo, Nixen?" Masungit na tanong ni Mica. I remember our promise to each other. 24 palang naman ako. We made a promise na magpapakasal nalang kami sa isa't-isa kapag nag 26 na ako and still single.

"Hi, guys!" Carol greeted. Napatingin agad ako sa katabi n'ya. Si Saji. Wala si Free pero nandito si Miss Avi na kasama rin si Miss Harm.

"Go, talk." Mica pushed me towards Saji's direction.

"Sa labas tayo," aya ko kay Saji at hinila s'ya. Naglakad kami papunta sa bakuran nila Mica kung saan may garden at may mga upuan at mesa na gawa sa simento.

"Nixen," she called my name. Huminto ako nang nasa tapat na kami ng isang table.

"I'm sorry, Saji." I said softly. We're looking at each other eye to eye.

"You shouldn't be the one saying sorry." She said warmly. "I'm sorry.." huminga s'ya nang malalim. "I shouldn't do that.. I shouldn't cross the boundaries.." nag-iwas s'ya ng tingin.

"What boundaries are you talking about?" Naguguluhang tanong ko. Wala namang boundaries, wala naman akong girlfriend, o ini-entertain na babae.

"The boundaries between being a bestfriend and being more than that." She said then turned to look at me with her sad yet smiling eyes.

Umiling ako, "I'm sorry.. about what you said—"

"Let's not talk about." She smiled to reassure me.

𝐋𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐝𝐨𝐱 [TSS #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon