Niks' POV
I didn't expect na magiging ganito ka-awkward after what happened on the wedding booth.
Naglalakad kami ngayon papunta sa parking lot. No one is talking. Nagpapakiramdaman kami pareho. Kulang nalang ay may mag-ingay na kuliglig sa pagitan namin.
But despite the awkwardness, hindi parin nawawala yung cloud nine feeling. Na para parin akong nakalutang dahil sa sinabi n'ya.
Ano ulit 'yon? One thousand two hundred forty-six? I need to know when was that date, the exact date. And the feelings remained? What feelings exactly? Kinikilig ako rito tas baka feeling of hatred pala ang tinutukoy n'ya.
"Soul," "Galvez," sabay naming bigkas. Kasalukuyan kaming nasa parking lot, sa tabi ng sasakyan n'ya.
"Ano 'yon?" "What is it?" Sabay nanaman kami.
She stare at me for a while. Nais ko sanang titigan din s'ya pero hindi ko magawa. I looked away. Gusto ko na s'yang tanungin but there's a part of me na takot. Takot malaman ang totoo.
"Ano.. yung ka-date mo? Nasaan na?" Tanong ko habang nakatingin sa kung saan. I bit my lip while touching the ring on my finger.
"She's here." She said plainly. Agad kong ibinaling ang tingin sa kanya. Nagsalubong nanaman ang tingin namin. And her eyes are full of emotions I can't name. Punong-puno, na parag umaapaw pero magaling s'yang magtago.
"Where?" Tanong ko saka inilibot ang tingin sa paligid. And an idea crossed my mind. Wait.. is she talking about.. me? My eyes widen while turning my gaze at her. "A-ako?" Tanong ko sabay turo sa sarili.
"O-of course, not!" She exclaimed while her cheeks are turning red. S'ya ngayon itong nag-iwas ng tingin. "It's me, I'll date myself and you'll be the thirdwheel." Masungit na turan n'ya at inunahan na ang pagpasok sa kotse.
Ito nanaman ang mga paru-paro sa tiyan ko. Hindi nanaman magkandamayaw sa pag-uunahan. Pati ang tibok ng puso ko nakikisabay.
"Hey, open the door. Paano mo mai-di-date sarili mo nyan kung walang thirdwheel?" Nakangising tanong ko habang nasa tapat ng bintana ng kotse n'ya.
"Use your car. Iuwi mo sa condo mo. Let's convoy." Masungit paring saad n'ya saka binuksan ang makina ng sasakyan.
Sinunod ko ang gusto n'ya. Mabuti na rin nang makauwi naman itong kotse ko. Salamat nalang at walang nangyari ditong masama. Aba, bago lang 'to. Wala pang isang buwan sa'kin.
Malimit ang pagsilip ko sa side mirror para siguraduhing nakasunod s'ya sa'kin. Hindi naman s'ya nawawala. Nang pagdating sa basement ng building ay pinuntahan ko agad s'ya sa kotse n'ya.
"Gusto mo bang sumama sa taas? Iiwan ko lang 'tong gamit ko."
"Sure." Sagot n'ya, her face brightens.
Magkasama kaming naglakad papasok ng building. Sa elevator ay dalawa lang din kami. At ganoon parin ka-awkward. Nakalabas na ng elevator ay tahimik parin kami pareho.
I opened my condo unit. "Tuloy ka. Pasensya na medyo makalat." I said and opened the door wider.
"Hindi naman makalat." She said while looking around. It's her second time here. Unang beses ay noong lasing s'ya. Mukhang inaaliw pa n'ya ang sarili sa pagmasid sa paligid kaya nagpunta na ako ng kwarto ko.
I checked myself on the mirror. Should I change my clothes? Simpleng shirt, pants, at sneakers lang ang suot ko. Ito yung binigay n'yang mga damit sa'kin kanina. Simple pero branded. I think it's fine.
Nag-spray nalang ako ng pabango. Kumuha rin ako ng specs para may dating. Ang pogi ko na, pero parang may kulang pa.
Cap! I need a cap. I wore my favorite cap and then boom! Tangina, ang pogi. Nag-pose pose pa ako sa salamin. Kahit saang anggulo ang pogi ko shet. I tried to look up to define my jaw and to show my adam's apple, and then slowly turn at the mirror.
![](https://img.wattpad.com/cover/325435578-288-k406879.jpg)
BINABASA MO ANG
𝐋𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐝𝐨𝐱 [TSS #3]
Lãng mạnZyra Nixen Galvez - From her childhood, she was deprived of freedom and happiness as she is an illegitimate child of the Mayor that soon became the Governor. She believed that no one will love her, until she met this girl named Soul. She easily fall...