Chapter 10: Nameplate

7.6K 318 23
                                        

Niks' POV

"Anong pabango mo?" Tanong agad ni Blake pag-upo ko sa tabi n'ya, nasa kanan niya si Paige na ngumiti lang sa'kin.

"Huh? Why?" Kunot noong tanong ko. Hindi ako nakapagpabango, medyo pawisan pa ako dahil nagmamadali akong humabol sa first class ko. Tanghali akong nagising dahil madaling araw na nung natapos ko yung pag-eedit. "Mabaho ba 'ko?" Tanong ko pa habang inaamoy pa ang sarili.

"Alam mo yung amoy ng baby?" She asked again. Kumuha ako ng tissue sa bag ko at nagpunas ng pawis.

"Amoy laway ako, gano'n?" Inosenteng tanong ko. Sabay namang natawa ang dalawa.

"Hindi! Basta mahirap i-explain e." Sabi niya na ipinagkibit balikat ko nalang. Sakto, kararating lang ng prof namin. Buti nalang nakahabol ako. "Nixen, you're gay, right?"

"Since birth," sagot ko habang nakatingin sa professor na may pinapaliwanag sa harapan. Fucking shet naman. Short film final output namin? Minimum of 20 minutes pa nga.

"Kung marunong lang ako manligaw, liligawan kita." She bluntly said.

"Hoy, Blake!" Saway sa kanya ni Paige.

"Hindi naman ako nagpapaligaw." Diretsong sabi ko rin.

"Ouch." She hold her chest, acting like she's been hurt. Ang hihirap na talaga intindihin ng mga tao ngayon. Ako nalang yata nag-iisang matino.

"May girlfriend yata si Nixen?" Paige hesitantly said. Nakatingin sa'kin ang dalawa. "Hindi ko sigurado kung sino sa dalawa-pero parehong maganda," dagdag pa nito. Si Soul at Saji ang tinutukoy nito.

"Paige, alam mo dapat ka ng itumba." Kunyari ay may pagbabantang wika ko na tinawanan niya lang. Sabi na nga ba't mabibigyan n'ya ng malisya ang naabutan n'ya sa condo ko.

"May girlfriend ka, Nixen?" Baling sa'kin ni Paige. Umiling ako.

"Count from 1 to 5." Sabi ng prof namin.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Paige kay Blake nang tumayo ito. Hindi n'ya sinagot, umupo lang ito sa upuan na 'di kalayuan sa'min.

"3.." Sabi ko nang dumaan sa'kin ang pagbibilang. After that ay bumalik si Blake sa tabi ko.

"Groupmate tayo, ako leader ha?" She said in excited tone.

"Cool." Tumango ako.

'Di naman ako pabigat sa groupings. It's actually a relief that she volunteered to be the leader. Kung inaakala mo kasing magiging madali nalang ang groupings sa college, nagkakamali ka. Mas maraming sakit sa ulo sa college.

"WHAT'S that?" Osyoso ni Carol nang masulyapan na tinitingnan ko ang card na binigay sa'kin ni Soul.

"Wala," tinago ko agad sa bulsa ko. Magkikita kami mamaya. I bit my lip.

"Sus." Mica said while drinking her milktea.

Nasa foodcourt kami, just outside the school. Sawa na kami sa mga pagkain sa cafeteria.

"I read Maria." Sabi ni Free nang nakangisi sa'kin.

"Yung pinsan ko 'yon si Maria. Kayo talaga," kunyari umiiling-iling pa ako. "Speaking of, my cousin, Lara, wants us to hang out. G ba kayo?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Lara? Is that the girl na aligid nang aligid kay Free?" Tanong ni Carol.

"Yeah, and 'til now ang alam niya straight parin si Free." Natatawang sagot ko. 'Di ko na rin alam nangyayari sa buhay ng dalawang pinsan kong 'yon. Bihira nalang kami magkita.

"Ayos lang ba 'yon?" Free asked in worried tone.

"Na alam n'yang straight ka parin?" Tanong ni Carol.

𝐋𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐝𝐨𝐱 [TSS #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon