Chapter 19: You

6.1K 267 5
                                    

Niks' POV

Soul is driving her car. Tinatahak na namin ang daan papunta sa condo ko. Idadaan n'ya lang ako, tapos uuwi na rin s'ya. Pagabi na rin pero hindi na kami nakapagdinner.

Naiinis yata s'ya sa'kin? Napikon? Saan? Sa pang-aasar ko sa kanya na nagseselos s'ya? Bakit naman s'ya maasar o mapipikon? Dahil ba nagseselos talaga s'ya, o naiinis s'ya dahil malabong mangyari 'yon?

Napabuntong hininga nalang ako. Hindi na ako nilubayan ng mga isiping 'to hanggang sasakyan. Isama pa yung hindi nanaman kami nag-uusap. At hindi ko nanaman alam ang dahilan!

Naduduwag ba talaga ako? Na kailangan ko pa ng kasiguraduhan bago sumubok? How can I prove her if I'm not doing any move, right? Pero ang sabi ko no'n kuntento naman ako sa kung ano kami.

Kuntento nga ba talaga ako? At anong gagawin ko kung may gusto nga s'ya sa'kin? Liligawan? Ang totoo hindi ako marunong manligaw.. E hindi ko pa naman nasubukang manligaw e. There's always a first time naman. Kaya ko kaya?

Naputol ako sa pag-iisip nang marinig ang tagaktak ng ulan. It's raining heavily.

"Really, now?" I heard her whisper.

Oo nga naman. Valentine's na valentine's ay umuulan. Tapos, ang traffic pa.

Inabot pa kami ng halos isang oras bago nakarating sa condo. And it's still pouring. Now I'm skeptical to let her go while it's still raining. Gabi na rin, delikado sa daan kung ganito.

"Ang lakas parin ng ulan.. dito ka muna." I hesitantly said while we're still inside her car. Nakapatay na ang makina pero parang ayoko pang bumaba.

She glanced my way but then looked away.

"Do I look jealous with your bestfriend?" She asked without even looking at me. Sinamantala ko ang pagkakataong 'yon para tingnan s'yang mabuti. Her eyebrow are bit furrowed, she looked annoyed.

"Yeah," sagot ko, trying to see her reaction. Mas nagsalubong lang ang kilay n'ya and her jaw clenched. But then, she sighed, at unti-unting nawala ang kunot-noo n'ya.

She's controlling herself. Of what? Jealousy? Or over-reacting?

"Akyat na muna tayo," aya ko habang nakatitig parin sa kanya. She gave a small nod.

Ako na ang naunang lumabas ng sasakyan. I opened the door for her. Saka pumunta sa compartment ng sasakyan para kunin ang mga pinamili namin. Ako na ulit ang nagbitbit sa lahat.

"Let's go," aya ko dahil hindi parin s'ya lumalabas ng sasakyan kahit bukas naman na ang pinto. Sinilip ko s'ya sa loob. "Is there a problem?"

Nag-angat s'ya ng tingin sa'kin. She looked serious. Nakatitig lang s'ya sa'kin. Hindi ko mabasa ang nasa isip n'ya kapag seryoso. Kaya minsan mas gusto ko pang nagsusungit s'ya o nagtataray e.

"Do you like your bestfriend, Saji?" She asked in a low voice. Pinangunutan ko agad s'ya ng noo. Why would she think of that? Kung gayong siya naman ang gusto ko..

"Saji is my bestfriend. Hanggang doon lang.." I answered calmly. Her expression didn't change a bit. Parang naghihintay pa s'ya ng dagdag na sasabihin ko. "At may iba na akong nagugustuhan." I added in hoarse voice.

Her lips twitched. Naghintay rim ako na magsalita s'ya pero wala.

Lumabas na s'ya ng kotse. Naunang maglakad papasok ng building. Nilagpasan lang ako.

"Hindi mo ba tatanungin kung sino?" Tanong ko na umalingawngaw sa loob ng basement. Kaming dalawa lang ang tao ngayon dito. Kaya kahit magsisigaw pa ako, alam kong wala kaming maiistorbo. "Sure ka na ayaw mong malaman?"

𝐋𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐝𝐨𝐱 [TSS #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon