Chapter 16: Thirdwheel

8.3K 288 37
                                        

Niks' POV

"Sayo lang ako, Maria Soulistine.." I said full of sincerity. I really mean it. Bahala na kahit hindi s'ya akin.. basta sa kanya lang ako.

Her lips twitched upon hearing my reply. Parang may gusto s'yang sabihin pero nagpipigil. But my lips formed an O when the side of her lips curved. She smiled.. oh fucking fuck, she just smiled. Ngayon ko lang ulit s'ya nakitang ngumiti. Matutunaw yata ako..

She's still holding my pinky finger. I bit my lip. Silence enveloped upon us. But it's not awkward, it's just that.. habang tumagal ang katahimikan ay mas nangingibabaw ang kaba sa dibdib ko.

"Prove it." She said then pinched my pinky finger again. Our eyes are locked to each other.

"H-How?" Nauutal nanamang tanong ko. Tangina, bakit ba ako nagiging ganito sa kanya? Baliw na yata talaga ako..

"Kiss me." She demanded. Bumaba ang tingin ko sa kamay naming dalawa. Her thumb caresses my fingertip.

Speechless parin ako. Mukhang naiinip na s'ya sa'kin, kaya hinila n'ya ako gamit ang hinliliit. Halos wala namang pwersa ang paghila n'ya pero para akong papel na nagpatianod.

Our body contacts and it sent shivers down my spine. Bahagya s'yang nakatingala sa'kin habang nakatungo naman ako sa kanya.

I leaned forward, closing my eyes, and slowly aiming for her lips. Bawat segundo ay palakas nang palakas ang tibok ng puso ko, nang maglapat ang labi namin ay para na itong sasabog.

Her soft lips against mine, her fingers on my pinky finger.. our heart beats in sync. Parehong mabilis.. habang ang labi namin ay nanatiling magkadikit. Mainit ang labi niya, marahil ay sa lagnat. Ang bilis ko yatang mahawa dahil nag-iinit din ang mukha ko ngayon.

Then she breaks the kiss, ilang segundo ring naglapat ang labi namin. That wasn't our first kiss but it felt like a first time.

I smiled after the kiss. Yung ngiti na gusto kong itago pero pilit paring kumakawala. Kaya mukha na siguro akong tanga ngayon.

"Maliligo na ako.." paalam niya pa. Ngayon lang niya binitiwan ang pinky finger ko so I caresses it. I can still feel her soft touches here.

"Sige na.." I softly said. "Punta ka na, baka sumama pa ako 'pag nagtagal ka." I added then chuckled.

"Pervert." She commented pero halata namang nagpipigil din ng ngiti. Ako nga hindi ko na napigilan e.

Kumuha na s'ya ng masusuot at dumiretso papunta sa bathroom. Naiwan naman ako sa loob ng walk in closet n'ya. Maraming damit. Tapos may mga section. Tingin ko nalahiwalay ang mga pambahay, pang opisina, pang-alis, at pang pormal na okasyon. Lahat din ng kulay ng damit n'ya ay neutral lang, walang matingkad. Tapos sa isang banda ay may glass cabinet, nakikita ang mga jewelry doon.

Lumabas na ako sa walk in closet. Nilibot ko naman ngayon ang kwarto n'ya. Naupo ako sa malalambot na sofa. Nagtingin ng mga libro sa bookshelf. Kumuha rin ako ng pineapple juice sa fridge n'ya.

On her bedside table, there's a picture frame. Agad kong nilapitan para tingnan. I immediately knew it's her, and her sister-I think. Dahil kamukha niya ito. It must be Sera.

It's a picture of them when they were younger. Nakapiggy back sa kanya ang batang babae. They look really cute together. Sandaling sumagi sa isip ko ang batang ako. Ni wala akong picture simula pagkabata. Hindi rin kasi ako sinasali sa family picture dahil nga anak naman ako sa labas. Anino lang talaga ako ng pamilyang Villagracia.

I sighed. Hindi ko dapat iniisip 'yan. I'm here to take care of Soul. Isa pa, yung nangyari kanina, hindi ba malaking progress 'yon? I should be happy for that. Kahit hindi ko pa matukoy kung bakit ako pumayag na ganoon, ang mahalaga, nasabi ko ang gusto ko.

𝐋𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐝𝐨𝐱 [TSS #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon