Niks' POV
Kasalukuyan akong nagmamaneho. Kotse niya ang ginamit namin. She's on the passenger seat, tahimik siyang nakaupo. Hindi na rin ako nagtanong kung kumusta ang pakiramdam niya dahil halata namang hindi pa s'ya okay. Medyo namumutla s'ya.
"Turn left." Wika n'ya nang mapansin na nasa crossing kami. Ayos, pwede na s'yang maging google maps.
Ang layo pala ng bahay n'ya sa school, lalo sa opisina niya. Kung ako sa kanya magco-condo nalang ako malapit sa building para hindi na ako mahirapan bumyahe, mahal din ng gas.
Sunod-sunod na ang malalaking bahay na nadaraanan namin. Hindi na ako magtataka kung malaki rin ang bahay n'ya. Mayaman s'ya e.
"That's my house." She said so I stopped the car. Nasa tapat kami ng isang mataas na gate. When I looked outside, my eyes widen in shock. The house was modern and painted with black, yes, all black. And it was also massive. Wow. "Tsk." I heard her hissed. Hindi ko na s'ya napigilang lumabas ng kotse para mapagbuksan sana s'ya ng pinto.
Nauna na s'yang lumabas ng kotse. She rang the doorbell a few times then seconds later, the door opened. Wow! Automatic!
"Ah, S-Miss Cuesta, hindi ko ba ipapasok itong kotse?" Tanong ko nang mauna s'yang pumasok.
"No need. Use my car to go back at school." She said nonchalantly then continue walking inside. Naiwan sa labas ng gate ang kotse n'ya dahil sumunod ako sa kanya papasok.
"Ma'am, I'm here to take care of you. May sakit ka." Maamong wika ko.
"I have maids to take care of me, Miss Galvez." Mariing sabi n'ya habang diretso parin ang lakad, walang lingon sa'kin.
"Sayang naman ang paghatid ko sa'yo kung pauuwiin mo lang ako." Sagot ko naman habang nakabuntot parin sa kanya.
We reached the front door. Someone opened the door for us-or for her. Isang kasambahay na nakauniporme ang bumungad.
"Good morning po, Miss Cuesta." Magalang na bati nito sabay bow. "Good morning din po, ma'am." Baling nito sa'kin.
"Good morning din po-" naputol ako sa pananalita nang magsalita si Soul.
"Pakisabi sa driver na ipasok ang kotse ko." Malamig n'yang turan sa kasambahay bago tuluyang pumasok sa loob. Tumungo lang ang kasambahay sa kanya.
Palihim akong napangiti. It means she'll let me stay here? Mabuti na rin. Isa pa, sabi niyang may maids naman s'ya para mag-alaga sa kanya e halos hindi nga niya pinapansin yung isa kanina.
Naglakad kami paakyat ng second floor. Manghang-mangha ako sa bahay n'ya. Modern talaga ang design nito, it doesn't look boring kahit puro itim ang kulay ng mga muwebles. May chandelier nga rin sa gitna ng living room kanina, and it matches the entire living room.
Tapos, yung railing ng hagdan ay gawa sa glass. It looks really classy. Ang ganda ng color coordination. Yung mga gamit ay naglalaro lang sa kulay na itim, gray, at puti. Parang ang sarap tuloy kulayan ng buhay n'ya-ay charot.
Nasa second floor na kami, and we stopped infront of a door na kulay itim parin. She swiped a card and the door unlocked. Hindi gumagamit ng social media pero high-tech ang bahay. So sinong alipin ngayon ng modernisasyon?
Then she walked to her bed. Naupo s'ya sa side. May telepono sa bedside table. May tinawagan siya-saying na magpadala raw ng gamot dito sa kwarto n'ya. Habang ako, nasa tapat parin ng pinto. I don't know if I should go inside her room, or just go home.
Tila nahiya na akong pumasok. Ang loob kasi ng kwarto niya, gaya parin ng buong bahay. Malinis, makintab ang sahig, malawak din, halos triple ang size nito kumpara sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
𝐋𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐝𝐨𝐱 [TSS #3]
RomanceZyra Nixen Galvez - From her childhood, she was deprived of freedom and happiness as she is an illegitimate child of the Mayor that soon became the Governor. She believed that no one will love her, until she met this girl named Soul. She easily fall...